Phylod 18: Frozen Fire
Soundtrack: Like a Vampire
Consumers. Dependent. Blood Suckers. Beast. Monsters. Fiends. This is what they call to Them. That's why Vampire World is separated to humans. They can't join the humans, they can't live in this world. But what is God's purpose in creating this creatures? Creating a fiend, beast, Vampires, or it is only a myth to humans? Vampires are the most perilous, grievous, powerful and mystic creatures.
"Aaahh!!!"
I can't feel my whole body. Only the fast beating of my heart. It was too fast and excruciating sound.
I open my eyes and blink. Only white. The room is white. And I can only hear screams.
Ni hindi ko magawang igalaw ang ulo ko at parang nanigas ang katawan ko. Ang sigaw ng lalaki na nanggising sa kaluluwa ko.
Huminto ang sigaw. You can only hear the panting sound of that man. Hinahabol ang kaniyang hininga. At muling sumigaw.
Nagawa ko ring kumilos sa di malaman na dahilan. Siguro, nang matanto ko kung sino ang lalaking iyon. Nakagapos ang mga paa at kamay ko.
"Master!" Pinilit kong makawala sa mga kadena.
Nakakaawa ang kondisyon niya.
Hindi. Dapat hindi pa siya gising. Da-dapat wala pa siyang malay ngayon. Ginamit ko ang kapangyarihan ko kanina upang mawalan siya ng malay. Pero bakit
"Wrong move tsk tsk tsk." Naalala ko ang lalaking iyon. Ang nangyari kanina.
Hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ko. Tanging nararamdaman ko ay takot.
Takot ang nananaig na nararamdaman ko.
Ni hindi ko magamit at maramdaman ang abilidad ko. Parang lahat ay nawala. At napalitan ng takot. Nawala pati ang lakas ko.
Napatingin ako sa harap ko. Sumusuka siya ng dugo. Nakabaon ang matutulis na bagay sa kaniyang kamay at ang malala ay nakabaon ang itim na espada sa kaniyang kalamnan. Puno ng dugo ang dingding. Nakaramdam ako ng simtomas ng pagsuka dahil sa nakita ko.
"Master ..."Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at napatakip sa bibig ko.
Napatingin naman ako sa lalaking nagpapahirap sa kaniya. Ang lalaking kumagat sa akin kanina.
Ang pagsulpot niya noon sa gate ng academy dala ang sasakyan niya. Buong akala ko saling pusa lang siya. Siya pala ang E Vampire.
"So how are you, Miss Scar-let" bakas parin ang matatalim na ngisi sa kaniyang bibig. Lumapit siya sa akin at itinigil niya ang pagpapahirap kay Kojou.
Inamoy niya ang leeg ko at saka dinilaan.
Nagpumiglas naman ako sa ginawa niya at dinuraan siya.
"Tss traitor." Habang nakatingin sa kaniya ang matatalim kong mga mata.
Tumawa naman siya sa sinabi ko. At dahil doon gusto ko tuloy paghahampasin ang pagmumukha niya.
"Magpasalamat ka sa akin dahil pwede ka ng mahalin ng Master mo." At tinapunan niya ng tingin si Kojou saka ngumiti. A-Anong ibig niyang sabihin?
"May silbi ka na para sa kaniya. May silbi na ang laman ng mga ugat mo sa kaniya." At muli siyang tumawa.
Agad siyang humarap kay Kojou at hinila ang espada at muli niya itong pinagsasaksak. He twisted the sword inside his stomach and he started to scream again.
Napapikit ako at napahikbi dahil sa nakita ko. Hindi ko kayang makita siyang ganoon. Hindi ko kayang makitang ganoon ang nilalang na nakakuha ng interes ko at nagpabuhay sa puso ko.
BINABASA MO ANG
My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED)| REPUBLISHED
Vampire"Her Blood cursed through my veins sweeter than Life."- Kojou "I couldn't help myself, couldn't help the way I felt as I recalled the pain and bliss rushed of a Vampire Bite"- Grixheah A bitch girl from a wealthy family was challenged to conquer her...
