Phylod 9: Breathing for the Death Rose

21 2 0
                                        

Grixheah Saminae's Point of View 

Tinignan ko sila sa rooftop pero wala na. Asaan naman na sila nagpunta ngayon?

Lumingon-lingon ako sa paligid. Sa dami ng tao makikita ko ba siya?

Nakita niya kaya ang paghalik ko kay Dylan? 

Arg. Bwisit. Bakit kailangan ko pa siyang pagselosin?

Nahagip naman ng mata ko ang dalawang taong nasa tabi namin ngayon.

"Miss magkano 'to?" Pili niya sa tulip flower. 

"Ahm 150 lang po." Kinuha niya ito at ibinigay kay Scarlet. 

"For you." Sabay akbay rito.

Napatingin rin siya sa akin. 

"Oh. Nandito rin pala kayo." Hindi lang ako sumagot.

"Bakit hindi mo ako ipakilala sa boyfriend mo, Xheah? By the way dude. I'm Braville Kojou, poging tutor niya. And this is Scarlet. Body-body ko." Nagulat naman ako sa sinabi ni Kojou. 

"What?! Body-body mo?! Siraulo! Ang landi mo ah! Tara na nga." Hinila ko na si Dylan palayo sa kanila.

Tsk. Arg! Bwisit! Nakakainis. Sandali lang silang magkakilala, body-body na agad?

Hindi lang siya nahiya. May nangyari ba sa kanila? O.O God. Di kaya noong gabing iyon?. Arg! No! Erase! Erase! Chineck ko ang time. 12:32 pm.

"Mag-uumpisa na ang chiba battle. Tara na nga sa Grand stand." Hinila ko ang kamay ni Dylan. Well, hindi naman siya nagrereklamo sa mga pinaggagawa ko sa kaniya kaya kahit ano gagawin ko.

Pinagtitinginan din kami ng mga tao habang hinihila ko si Dylan. Well, dapat lang ano. Newbie kaya itong kasama ko. Isipin nila ang gusto nilang isipin.

Huminto kami dito sa isang booth na pangregistration sa Chiba Battle. Marami ring estudyante na nakaP.E. uniform. Nandito na rin pala si Kojou, Scarlet, Hishi at si Miss Malandi naming Presidente.

Umupo ako sa isang mono block.

Lumapit si Neolica sa akin at may binigay na nakatiklop na damit at isang pulang panyo.

"Don't tell me susuotin ko iyan?" Ngumiti siya sa akin at tumango. Nakasuot na rin siya ng uniform na pang P.E.

Sa tutuusin hindi ako nag-a-attend ng mga physical activities namin kaya hindi suit sa taste ko ang mga P.E. uniform.

"Anong gusto mo? Magsusuot ng P.E. or ganiyan na nakapalda ka lang habang nakasakay sa balikat ng lalaki? God. Don't tell me-" tsaka tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa habang nakataas ng kilay.

Tumayo naman ako at humarap sa kaniya. "Fine. Hindi naman ako katulad ng ibang babae diyan na kahit na nakapalda nasa lap ng lalaki. And that was the worst. Dapat nga naka-P.E. ka n'on, di ba?" Ngumiti ako sa kaniya yung tipong ngiti na tatagos sa pagiging malandi niya. Inagaw ko na rin ang P.E. uniform sa kaniya at inisnaban patalikod. At ngayon dinadala na ako ng aking mga paa sa girls locker room.

After. Binuksan ko na ang pintuan at lumabas. Duh.

Uso pa ba ngayon ang ganitong klase ng P.E. uniform? Ang baduy.

Tinignan ko naman ang mga tao sa palagid mabuti sila at comfortable sa suot nila. Tsk.

Habang papalapit sa booth kung nasaan sila nakita ko na naman na nakikipaglandian si Neolica kay Kojou. Wait, si Kojou ata ang lumalandi kay Neolica?

Tsk! Pake ko?! Kahit nga nilalandi niya si Scarlet kanina sa rooftop wala akong pakialam. Magsex pa sila doon, I DON'T CARE!

Napalingon naman sa akin si Kojou and wow hah. Nagbanggaan na kami ng tinginan.

My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED)| REPUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon