3. Unang Dampi sa Kasalanan
Naririnig kong nagri-ring ang telepono pero hindi ko iyon pinapansin.
Paborito kong series ang aking pinapanuod, Dito naka-focus ang aking atensiyon. The Walking Dead, season five.
Si Manang Elsa ang sumagot. Saglit lang itong nakipag-usap. Feeling ko si mommy ang tumawag.
"Iho tumawag ang mommy mo, hindi daw siya makakauwi dahil may problema pa rin sa planta. Doon na raw siya matutulog."
Sabi ko na nga ba si mommy iyon. Ano na naman kaya ang problema sa planta?
Mukhang napapadalas ang problema at emergencies sa pabrika namin?
Pabrika ng mga tela ang negosyo ni mommy. Mga telang ibinibenta dito sa local market mismo.
Supplier din siya ng mga fabric sa ibat-ibang companies dito sa Pilipinas.
End of last year lang ay inumpisahan ni mommy ang page-export ng mga high quality na tela sa bansang Hongkong, Singapore at Malaysia.
Of course, hindi siya papipigil dahil may planong siyang pasukin din ang page-export ng mga fabrics sa European countries.
Masyadong busy si mommy kaya mas hindi ko siya napagkikita nitong mga nagdaang araw.
"Deur ako'y matutulog na, hindi ka pa ba matutulog niyan? Magpupuyat ka na naman." Sita ni Manang Elsa sa akin.
"Malapit na ho 'tong matapos. Tatapusin ko lang ho at matutulog na rin ho ako." Sagot ko kay Manang Elsa.
"O siya sige. Papatayin ko na lang muna ang ilaw dine sa kusina. Ikaw na ang bahalang magbukas kay Sir Zandro baka makatulugan ko na siya, kung abutan ka pa niyang gising. Kung kakain pa siya pagdating pwede namang iinit na lang sa microwave ang pagkain." Bilin pa sa akin ni Manang Elsa.
Gaya ng sinabi niya pinatay niya ang ilaw sa kusina saka pumasok sa kanyang kuwarto para magpahinga at matulog.
Si Zandro!
Totoo namang inaabangan ko ang mga exciting na nangyayari sa "The Walking Dead" kaya ako nagpupuyat pero inaabangan ko rin ang pagdating ni Zandro!
Gusto ko siyang pagsilbihan. Gusto ko ako ang mag-iinit ng pagkain niya at ako din ang maghahain nun para sa kanya.
Paano naman kaya? Hindi pa kami close. Pero kahit paano ay okay kami. Civil lang. Ayaw kong magpaka-feeling close sa kanya.
Dahil ang totoo! Nadadarang talaga ako sa kanya.
Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses ko na siyang ninanakawan ng mga titig? Pinagpamamasdan ko siya ng palihim.
Maraming maraming beses na. Madalas. Palagi. Basta may chance go lang ng go!
Kapag naliligo siya sa swimming pool halos ay lumuwa ang mata ko sa pamboboso sa kanya. Lalo na't makitid na swiming trunks lang ang suot niya.
Litaw na litaw kasi ang kakisigan niya. Ang magandang porma ng kanyang katawan.
Siguro kahit sinong makakakita kay Zandro sa ganung porma ay magnanasa. Ewan ko na lang kay Manang Elsa. Haha!
Maraming beses na akong nagkakasala sa kanya at kay mommy pero mas malakas ang tawag sa akin ng tukso. Patawad naman! Tao lang!
Isang commercial gap na lang at tapos na ang "The Walking Dead" pero wala pang Zandrong dumarating.
Hindi kaya pinuntahan niya si Mommy?
Naaasar na pinatay ko ang TV at saka pahintamad na umakyat na sa kuwarto. Mukhang malabong umuwi pa si Zandro. Marahil ay pinuntahan nga niya si mommy sa planta.
BINABASA MO ANG
Zandro: My Mother's Husband (Complete)
General FictionErotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx