9. Ika-13 Utos: Huwag Kang Magpapahuli (2)

1.5K 12 0
                                    

9. Ika-13 Utos: Huwag Kang Magpapahuli (2)

MGA bandang 4pm ng hapon nang makarinig ako ng papaalis na sasakyan. Kaagad kong tinanong si Graciana.

"Sinong umalis?" Tanong ko.

"Se madam bih."

"Saan daw pupunta? Siya lang bang mag-isa?" Usisa ko pa.

Saan naman kaya pupunta si Mommy? Kasama kaya si Zandro? Haysst, kahit saglit pa lang subrang miss ko na ata siya?

"Sa rostans daw, magruceri daw se madam, lotoan daw niya se ser ng bolalo para segoro makabawe ng lakas ba? Hihihi. Nagkolong ba naman sila sa rom..hihihi.." Double meaning na naman ang gaga. Sarap balatan ng buhay. As in mag-isa? Hindi kasama si Zandro?

"Mag-isa lang si Mommy?" Atat akong malaman kung naiwan si Zandro.

"Aha! Yes..." Malanding sagot ni Graciana sa akin.

May naisip ako bigla!

"Pwede pakilinisan mo ang kuwarto ko? Gusto ko iyong malinis na malinis." Utos ko kay Graciana.

"Ih..mamaya na lang D...don mona ako kena madam maglenes gawat wala se madam...masosolo ko se fafa Sandru.." Kinikilig ang hitad. Ayaw pang sumunod sa akin. Kapal lang talaga ng face.

"Susunod ka ba o ihuhulog kita sa hagdan?" Banta ko kay Graciana.

Gusto ko talagang ihulog itong si Graciana sa hagdan. Kontrabida kasi!

"Sabe ko nga bih sa rum mo aku...haysst...wrung timeng naman!" Bubulong- bulong ang hitad pero walang nagawa kundi sumunod sa akin.

Nang masiguro kong nasa kuwarto ko na si Graciana at naglilinis na ay pumunta na ako kaagad sa kuwarto nina Mommy.

Pero wala si Zandro. Hinanap ko siya kahit sa CR pero wala din ito. Nasaan kaya siya? Akala ko ba hindi siya kasama ni Mommy? Pero asan naman kaya siya?

Nanlulumo akong lumabas ng kuwarto. Badtrip lang dahil wala naman si Zandro. Akala ko pa naman pwede ko siyang landiin habang wala si mommy.

Lalo lang akong nabuwisit nang makasalubong ko si Graciana galing sa kuwarto ko.

"Oy D, baket sad peys ka ha? At saka baket galeng ka sa rom nena ser?" Usisa sa akin ng bruha. Naku tigilan lang sana ako nitong gagang 'to dahil baka sa subrang pagka badtrip ko ay makapatay talaga ako.

"Ikaw bakit lumabas ka na?Tapos ka na bang maglinis ng room ko?" Kontra tanong ko. Kainis talaga!

"Opkors D! I'm done. Ako pa ba.." Mayabang na sagot ni Graciana sa akin.

"Ano ba ang utos ko sa 'yo ha?" Makikita talaga ng gagang 'to kung paano ako mang-api ng katulong na sagad sa pagkamahadera kapag hindi niya nasunod ng tama ang utos ko!

"Lenesen kong maege ang rom mo D. Sos kadale lang oy, kaleet lang ng rom mo D komperd sa rom ng date kong ser." Sagad na sa pagkamahadera talaga at sagad pa sa pagkalaitera ang Gracianang ito. Maliit ang room ko? Duh!

Ako naman dahil gusto ko talaga siyang hanapan ng butas para magulpi ko siya ay dali-dali kong tsinek kung talagang nalinisan niyang maigi ang room ko.

At tama nga ang gaga dahil napakalinis na ng room ko. Pahiya tuloy ako. Kaagad?Nalinisan niya ng ganun kalinis ang room ko? May sa impakta ata ang bruha? Ang bilis niya maglinis.

"Uh see, nako D! Dont yuder anderstimeyt my abeleti..." Buong pagmamalaking sabi ni Graciana nang makita niya siguro sa mukha ko ang pagkapahiya.

Natriple lang lalo ang asar ko sa hitad. Eh kung ipalinis ko kaya sa kanya ang bubong ng bahay namin?

Zandro: My Mother's Husband (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon