Ayla POV
I'm carefully walking in the corridor of my new school. Kakatransfer ko lang dito for some reason, Crescent Heights University ang pangalan ng school na ito. One of the famous school here in town, kinakabahan nga ako dahil hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot dito sa university, pangalawang beses ko pa lang nakakapunta dito ang una ay noong enrollment at ngayong first day pa lang ang pangalawa.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong university shuta mga mare ang laki laki ng school na ito. Wag naman sana akong maliligaw.
"Aray!" Nagulat ako ng may bumangga sakin. Gagi naman.
"Tumingin ka nga sa nilalakaran mo! Nakaharang ka diyan tss." Sabi ng nabangga ko.
"Sorry. " I apologize. Mabait kasi ako kahit ako na yung binangga magsorry dapat. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niyang nakakalat sa sahig, iniabot ko ang mga gamit niya. Pagharap niya sakin ayy shuta ang ganda, dyosa ba to mga mare?
"New student?" tanong niya matapos kong maibigay ang mga gamit niya, nakita ko rin sa ID niya na professor pala siya. Tumango ako bilang sagot, inilahad niya ang kamay niya sakin at tinitigan ko lang yun. Gagawin ko dun? Iginalaw niya ang kamay niya na lalo kong ipinagtaka.
"Reg form miss." inip na sabi niya, tssk reg form lang pala. Dali dali kong kinuha sa bag ko ang reg form ko at iniabot sakanya. "Ayla Cipher Miller 4th year Architecture department room 404." pagbasa niya dito. "The architecture building is behind this building, and your room is located at the 4th floor." pagturo niya sa direksyon na tinanguan ko lang, ibinalik niya sakin ang reg form ko.
"Move Miss Miller you have 5 minutes left before first period." malamig na sabi niya, shuta natulala na pala ako ang ganda kasi.
"Thank you po." sabi ko at umalis na. Sinunod ko ang sinabi niya kaya madali ko lang nahanap ang room ko na ngayon ay nasa tapat ko na. Nagdadalawang isip pa ko kung papasok ako pero dahil wala naman akong no choice ay pumasok na ako at naghanap ng bakante na sa likod ko natagpuan.
Inilapag ko ang bag ko at naupo may kanya kanyang mundo ang mga tao dito pero mukhang keri naman, mga gago nga sa kalsada keri ko iyo pa kaya.
"Hi. Bago ka?" tanong ng babaeng sumusulpot na lang kung saan. "Trixie president ng klase." pagpapakilala niya na tinanguan ko lang. "Anong pangalan mo?" Ay pota ang ingay naman nito ayaw ko sanang makipagsocialize kasi ayaw ko lang.
"Ayla." maikling sagot ko.
"Tabi tayo ha?" sabi pa niya at derederetsong umupo sa tabi ko kahit di pa ko pumapayag. Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang professor namin at walang iba kundi si ma'am na nakabanggaan ko. Shit ang ganda, ang daya talaga ni Lord akala ko kasi ako lang ginawa niyang maganda may mas gaganda pa pala sakin.
Ang ganda ni ma'am bagay siya sakin. Napangiti ako sa isip ko, gagi ang landi ko.
"Hoy." siko sakin ni Trixie kaya napalingon ako sakanya. "Ganda ni Professor Stone ano?" tanong niya na ikinatango ko. "Masungit yan pre saka may boyfriend."
"Ano naman? Nagagandahan lang naman ako kay ma'am." defensive na sagot ko. Gago may boyfriend na pala si ma'am pero ano naman asawa nga naagaw boyfriend pa kaya?
"Sus alam ko na yang mga ganyan ramdam kita bakla ka din." hindi na ako nakasagot dahil bumati na si ma'am shuta ang lamig ng boses pero ang ganda wala na maganda talaga si ma'am.
"Do you have new classmates?" tanong ni ma'am na malamang obvious na kasi nakabanggaan niya ako kanina, pero dahil bida bida ang katabi kong president at hindi niya alam na may encounter na kami ni ma'am ay itinuro niya ako.

BINABASA MO ANG
SECRETS OF THE HEART (LingOrm)
RomancePaano mo magagawang ibalik ang alaala ng taong mahal mo kung alam mong sa una pa lang ay ikaw na ang naging dahilan ng pagkawala nito? At sa panahong muling nanumbalik ang pag-ibig na minsan ay nakalimutan saka niya naman maaalala ang masalimuot na...