Continuation of Flashback...
"Oh bunso." pag-abot sakin ng isang envelope ni ate Rain na ipinagtaka ko naman, kunot noong kinuha ko ito at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang titulo ng lupa at nakapangalan sakin yun. "Regalo yan ni dad sayo, hindi lang yan basta lupa dahil resort yan somewhere in south nabanggit ko kasi sakanya na gusto mong magkaroon ng sariling resort kaya ayan binilhan ka niya." paliwanag pa ni ate. Nasa bahay na kami at simpleng dinner lang ang inihanda namin dahil ayoko ng party at ganun din sin ate Sunny.
"Wow sana all." komento ni Ilaw kaya binato ito ni ate ng envelope din. "Akin to ate?" tanong niya na tinanguan naman ni ate Rain.
"Pinag-ipunan namin yan ni Sunny isang two-storey house yan para di ka na nakikitira."
"Wow parang simpleng pagpapalayas ito ate ah? Pano na si Sekreto kapag lumayas na ako edi mag-isa na siya? Saka hindi pa ko marunong magluto ate paano ako mabubuhay nang walang pagkain?" kahit kailan talaga may reklamo eh.
"We have a good news pala bunso. Rain will stay here for good dahil CHU offers her full scholarship at nalaman namin na maganda ang mga product nilang lawyer hindi na niya kailangang mag-aral abroad to look for quality education. Kaya magkakasama-sama na kayo dahil nakausap ko na sina mom and dad na doon kayo ienroll ni Light and wait theres more Cloud will join you too." masayang balita ni ate na ikinatuwa ko.
"Talaga po? Thank you so much ate's atleast di na kami mag-isa dito. Pero ikaw ate sa Macau ka pa din?" malungkot na tanong ko na ikinatango nito.
"I need to help dad in his business at magandang opportunity na din yun para sa future. Don't worry bunso hindi naman ako mawawala sa mga special occassions lagi pa rin kitang dadalawin." pagpapagaan niya ng loob ko.
"How about Sky ate?" tanong naman ni Light.
"She will stay in Macau yun ang alam ko." Ate Rain answered na tinanguan lang namin. I'm not asking for a perfect family dahil mas gusto ko na lang na magkakasama kaming magkakapatid dahil doon ko lang nararamdaman na hindi ako mag-isa.
My birthday past wala akong nareceive na regalo from mom pero bumati siya through video call sila ni dad and even Sky and ate Sunny video call na lang din bumati dahil pinabalik na ito ni dad sa Macau para maturuan na daw sa pasikot sikot ng business. Hindi na rin kami nagcelebrate tamang dinner lang with Nanay, Ate Rain and Light hindi na kami nag-abala dahil kami-kami lang din naman.
"Wow ang laki ng CHU Sekreto ano? High School department pa lang ito paano kaya sa college department na nasa kabilang building?" Hangang hanga na sambit ni Ilaw.
"Ang ingay mo naman Light! Mapapagkamalan kang taga bundok niyan." saway dito ni Cloud iniwan ko sila at dumeretso sa classroom namin dahil magsisimula na ang klase. "Hoy Master! Hintay naman!" Sigaw ni Cloud sakin.
My high school life is different in my elementary life dahil mas madalas akong mabully sa elementary pero dito halos lumapit sila sakin to be my friend eh ayoko nga ng maraming umaaligid sakin.
"Master! Gala tayo mamaya?" yaya sakin ni Cloud pero inilingan ko ito 2nd year high school na kami pero hanggang ngayon isip bata pa din sila ni Light.
"May lakad ako mamaya, kayo na lang ni Light." may training kasi ako sa martial arts school na pinasukan ko 1 month ago hindi nila alam yun, baka kasi isumbong ako kay mom and dad eh madaldal pa naman itong dalawang ito.
"San ka na naman pupunta napapadalas na yang lakad mong ganyan ah?" puna ni Light na hindi ko na lang sinagot.
Natapos ang klase namin at nahirapan akong takasan sila dahil ayaw nila akong iwanan. Malelate na ko sa training peste!
BINABASA MO ANG
SECRETS OF THE HEART (LingOrm)
RomancePaano mo magagawang ibalik ang alaala ng taong mahal mo kung alam mong sa una pa lang ay ikaw na ang naging dahilan ng pagkawala nito? At sa panahong muling nanumbalik ang pag-ibig na minsan ay nakalimutan saka niya naman maaalala ang masalimuot na...