Chapter 7

568 13 0
                                    

"One cheer for the team!" sabay-sabay naming pinagpatong-patong ang mga kamay namin para magcheer.

"CHU!" sigaw ko.

"Win!" sabay-sabay na sigaw nila, ngayon na ang provincial meet at pangalawang araw na ng elimination ngayon. One game away na lang kami for finals kapag naipanalo namin ito finals na kami bukas.

"Focus lang kayo sa game girls." Coach France said na tinanguan namin. "Want to say something in your teammates Miller?" baling niya sakin, tiningnan naman ako ng lahat kaya wala na naman po akong no choice kundi magsalita, nakatingin din po kasi saakin ang future misis ko kaya dapat magpaimpress well ganun talaga.

"Let's just do our best guys, para wala tayong pagsisihan. Ibigay na natin ngayon lahat at manalo o matalo hindi na mahalaga yun basta gawin na natin ang lahat nang walang pagsisisi at enjoy the game. Let's have fun team understood?"

"Yes captain." sabay sabay na sagot nila. Nag-umpisa na ang pagpapakilala nang mga members ang kabilang team, habang ako nakatitig lang sa babaeng seryosong nakatingin sa ipad niya. Naramdaman niya ata akong nakatingin sakanya kaya lumingon ito sa gawi ko, nginitian ko siya and she did the same shete kinilig na naman ako mga bente. Unti-unti nang lumalambot si ma'am simula nung araw na nagkiss kami hindi na siya ganun kasungit.

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat at si Jerez pala yun setter namin sinenyas niya na kami na pala ang ipinapakilala abala pa kong maglandi.

"And now the team captain of CHU with Jersey number 21 Ayla Cipher Miller." tumakbo na ako para mag-appear sa teammates ko at magproceed sa gitna nang makarating ko sa tapat ni Ma'am nginitian ko siya bahagya niya naman akong tinapik sa balikat.

Nagsimula ang 1st set at lamang kami ng tatlo, matigas din ang kalaban namin pero katulad nang sinabi ko sakanila gawin lang nila ang best nila bunos na lang kapag nanalo kami.

"Jerez set it up and Miller on the outside puts it away!" Malakas na sigaw ng announcer. Malakas na sigawan ang bumalot sa buong gymnasium dito lang sa CHU ginanap ang laro kaya karamihan talaga ng audience ay mula dito sa school.

Natapos ang 1st set at nanalo kami, hindi na muna ako pinasok sa second set para makapagpahinga kaya may chance ako na landiin si ma'am. Tinabihan ko siya habang abala ang iba sa panunuod ng laban.

"Ma'am." pagtawag ko sa atensyon niya dahil tutok na tutok ang mga mata niya sa laro hindi nga niya naramdaman na tumabi ako sakanya.

"Hmm?" sagot niya at bahagyang lumingon sakin pero agad ding iniiwas ang tingin sakin at may kinuha sa bag niya. Akala ko kung ano Gatorade lang pala, iniabot niya ito sakin kaya tinanggap ko nalang at ininom. Wala na talaga kahit matalo kami ngayon panalong panalo na ako kay ma'am pa lang.

"Ma'am pag nanalo ba kami dito may reward ako?" nakangiting tanong ko na ikinalingon na naman niya sakin, nag-isip pa siya ng konti bago sumagot.

"Wala." maikling sagot niya. Jusko akala ko pa naman may naisip siyang reward dahil ang tagal niyang sumagot.

"Dapat meron ma'am, how about a date later o kaya kiss?" sabi ko habang nakaangat ang kilay at nakangiti.

"Okay win this game and lets date later." simpleng sagot niya at ibinalik ang tingin sa laro. I hold her hand na nakahawak sa hita niya siniguro ko namang hindi kami makikita ng ibang players na nasa bench.

Natapos ang second set at nakuha ng kalaban ang set na to sa score na 24-26, not bad babawi na lang ng third set. Ipinasok na ako ni coach sa third set kaya bago ako pumunta sa court kinindatan ko muna si ma'am na ikinairap niya. Sungit mode na naman siya.

Lamang na naman kami ng apat at ako ang server, I dribble the ball 3 times and wait for the whistle. Nang marinig ko ang pito ay itinapon ko ang bola at humanap ng timing bago tumalon at pinalo ang bola.

SECRETS OF THE HEART (LingOrm)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon