Chapter 19

397 5 0
                                    

"Hi? Kanina ka pa ba?" Hindi ko mawari kung nakangiti ba siya or ngiwi sa pagbati nito sakin. Medyo nagulat kasi siya dahil pagbukas niya ng ilaw ay nandito ako sa sala at naghihintay sakanya.

Mahigit dalawang oras na akong nandito at hindi pa din ako nagdidinner kaya nagtataka ako dahil kanina pa namang 5 pm ang out niya pero heto at kakadating lang nito.

"Hindi naman." Tipid na sagot ko at tumayo para yakapin siya. Hangga't maaari ayokong magalit sakanya kahit may nararamdaman akong kaunting tampo sa nangyayari.

"I'm sorry, I didn't expect na yayayain ako ni Philip na mag dinner." Hinging paumanhin nito habang nakayakap ng mahigpit sakin.

"It's okay I understand Amore." Nakangiting sagot ko dito.

"Kumain ka na ba? Ipagluluto kita sandali lang." Akmang aalis ito sa pagkakayap sakin pero pinigilan ko ito.

"Wag ka nang mag-abala hindi din naman ako magtatagal." Bulong ko dito at muli siyang niyakap ng mahigpit gumanti na lang ito nang yakap kahit may bahid ng pagtataka.

"Are you okay love?" Malambing na tanong nito matapos bumitaw. Niyaya ko siyang umupo sa couch bago tumango.

"Love I'm sorry kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo in the past few days I was just busy dahil nagkaproblema ang company." Panimula nito na nginitian ko dahil naiintindihan ko yun.

"Yung kanina-

"Wag na. You don't have to explain everything, boyfriend mo yun student mo ako. At sa mata ng lahat siya yung may karapatang yakapin ka." Masakit pakinggan pero yun ang totoo, sabit lang ako sa relasyong ito.

"Love don't say that. You know how much I love you right?" Tanong nito na tinanguan ko nang dahan-dahan.

"I know. Pero alam din nating pareho na siya ang gusto ng pamilya mo para sayo." Malungkot na dagdag ko, ayokong magdemand na hiwalayan niya yung fiancè niya dahil wala ako sa posisyon para gawin yun.

"Love trust me aayusin ko ito." Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata. "Alam na ni daddy ang tungkol sating dalawa." Dagdag nito na ikinabigla ko.

"Anong sabi niya?"

"He's mad and he wants me to break up with you but I refuse, because I love you so much and I don't want to loose you." Napabuntong-hininga siya bago magpatuloy. "Pumayag siya in one condition, I have to leave this country for a month. Pinapapunta niya ako sa Europe para ayusin yung business doon and after a month I'm free to do whatever I want."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ibig sabihin one month siyang mawawala and pagbalik niya pwede na niya akong iharap sa magulang niya ng ganun kadali. May hindi tama eh pero hindi ko malaman kung ano.

"Love? Will you let me? Kasi ito na lang yung nakikita kung way para makawala sa engagement na yun and to be with you."

"Gawin mo kung yun ang sa tingin mo ay tama." Nakangiting pagpayag ko. Alam ko namang kahit hindi ako pumayag eh aalis at aalis pa din siya.

"Thank you love. I promise I'll be back at sa pagbalik ko I want you to stay here with me at hindi ka na aalis." Nakangiting sagot nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Aabot ka ba sa regional Amore?" Maya-maya ay tanong ko dahil next month nga pala ay regional na.

"I'll watch you play love kahit hindi tapos ang one month I won't miss your game." Sagot nito na tinanguan ko.

"Kailan ka aalis?"

"The day after tomorrow nagfile na ako ng leave pero kailangan ko munang ayusin yung mga records na iiwan ko sa magiging substitute teacher." Paliwanag nito.

SECRETS OF THE HEART (LingOrm)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon