"Master!! Ang galing niyo!" Malakas na sigaw ni Ulap na nasa bench na pala namin. Sinalubong kami nang kambal, ni Sky, Cloud at Trixie. Niyakap ni Trixie si Light na ikinakunot ng noo ko. Okay? What's the deal between them?
"Let me see your face bunso." ate Sunny said while cupping my face, napalingon ako kay ma'am na nakaupo sa bench at masama ang tingin sakin at kay ate Sunny na nakahawak sa mukha ko. Oh I think I'm in a trouble di kasi niya alam na kakambal ito ni ate Ulan at malabong malaman niya dahil hindi naman magkamukha ang kambal.
"Teka ate okay lang ako, check Light instead." sabi ko at dumeretso kay Ma'am na masama pa din ang tingin sakin at inirapan ako gago. "Ma'am, bakit po?" tanong ko nang makalapit dito.
"You broke my rule Miss Miller." sagot niya na ikinakunot na naman ng noo ko.
"Po? Aling rule ma'am?" nagtatakang tanong ko na naman.
"You just flirt infront of me Miller!" madiing bulong niya na ikinangiti ko, sus pwede naman kasing sabihin na nagseselos siya eh. Sasagot pa sana ako pero hindi ko nagawa dahil sa nagpapanic na mukha ni Cloud at Light nang lumapit samin.
"Master! Si ate Sunny at Ate Rain nakikipag talo sa management!" balita ni Cloud na ikinatayo ko at sumunod sakanila, hindi lang pala ako ang sumunod dahil pati si coach Mia at ma'am ay sumunod din.
"They don't deserve to play in regional sir." madiing wika ni ate Ulan at men nakakatakot talaga si ate kapag seryoso mas natatakot ako kay Ulan kapag ganyan siya kesa kay ate Sunny na ngayon ay nakacross arms lang na nanunuod sa kambal. Lumapit ako para pigilan ang dalawa.
"Ate hayaan niyo na, sila naman talaga ang nanalo kaya sila ang ipapadala sa regional." sabi ko para sana pakalmahin sila pero sabay lang nila akong tiningnan ng masama kaya napalunok ako sa takot.
"Ma'am naiintindihan kong pabor kayo sa CHU dahil ayan kapatid mo pala ang isang player nila, pero bakit mo naman nasabing hindi namin deserve maglaro sa regional eh ang gagaling players ko." sabi nang coach ng SMU
"Shut up old man! What kind of game did you taught to your players huh? Dirty games or killing game?" sagot na naman ni ate Rain, jusko pano ko na ba aawatin ang ulan na to si ate Sunny naman mukhang nag-eenjoy pa sa nangyayari.
"Watch your word lady. Coach Mia sino ba itong tila mga abogado mo? Pagsabihan mo nga yan, imbes na magpasalamat kayo dahil binigyan namin kayo ng pagkakataon na lumaban kahit kulang ang players niyo ganyan pa ginagawa niyo." baling ng coach kay coach Mia. Sila pala ang nagdesisyon na palitan ang players kahit on game na at championship pa. Hindi naman kasi pwedeng basta basta humugot ng players pero mukhang malakas ang kapit nang kabilang team dahil napapayag nila ang management na palitan ang players.
"Coach pasensya na-
"I am Sunny Cimmerian Miller the Vice President of Philippines Sport and Athletics Association, and base on my observation your players did'nt play fairly and did'nt show sportmanship towards the game. So, as a Vice President of PSAA I won't allow your team to join the regional, it might affect the next season if they did the same thing in the next level of this competition." Pigil ni ate Sunny sa kung anong sasabihin ni Coach Mia na halos ikinalaglag ng panga naming lahat, iniabot niya ang ID niya sa coach at sa management na hindi makapaniwala sa sinabi ni Ate.
Napatango na lamang silang lahat at wala nang nasabi sa desisyon ni ate, malaki naman ang ngiti ng ulan dahil sa nakamit na tagumpay. Niyakap naman ni Light si ate Sunny, she's such a life saver, napangiti na lang din ako. Naramdaman kong may humawak sa braso ko at paglingon ko si Ma'am pala sapo sapo nito ang ulo niya, binundol naman ako ng kaba.
"Okay ka lang ma'am?" Tanong ko dito at inalalayang maupo sa malapit na bench, tumango naman ito habang hawak pa din ang ulo niya. Inabutan ko siya ng tubig at ininom naman niya ito. Lumapit samin sila ate Rain na tila nagtataka sa sitwasyon namin.
BINABASA MO ANG
SECRETS OF THE HEART (LingOrm)
RomancePaano mo magagawang ibalik ang alaala ng taong mahal mo kung alam mong sa una pa lang ay ikaw na ang naging dahilan ng pagkawala nito? At sa panahong muling nanumbalik ang pag-ibig na minsan ay nakalimutan saka niya naman maaalala ang masalimuot na...