Chapter 22

581 8 1
                                        

"Diba siya yung nasa picture?"

"Oo nga. Ang ganda ganda pumapatol sa professor."

"Hindi naman confirmed eh."

"Gaga naghahalikan sila sa picture tapos kailangan mo pa ng confirmation."

Bawat madadaanan ko ay yan ang naririnig ko. Lahat sila nagbubulungan hindi ko naman alam kung bakit. Kakasimula pa lang ng second semester pero heto ako at parang ayaw na namang pumasok. Hindi pa rin kami okay ni Light at pinili nitong tumira sa condo niya.

"Cipher." tawag sakin ni Trixie kasama niya yung dalawa dahil wala pa si Light. "Sa office daw tayo." sumunod lang ako sakanila. Dumeretso kami sa opisinang ibinigay ni uncle at inabutan namin dun si Light at Elle.

"Master." tawag nito sakin at sinalubong ako ng yakap. "Sorry, hindi ako nakinig sayo. Patawarin mo ko."

"It's okay. Naiintindihan kita, balik ka na sa bahay." nakangiting sabi ko dito.

"Sorry Pher hindi pwede." sabat ni Elle na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"Dahil kasama yan sa plano. Ang gusto ng stalker mo ay magkaaway-away kayo at ibibigay natin yun." paliwanag nito na tinanguan ko. "Hangga't maaari ay wag na wag muna kayong mag-uusap in public." bilin pa nito na tinanguan ko ulit.

"Si Trixie?" tanong naman ni Light.

"Kay Cipher nalang muna siya sasama. Kayong dalawa kay Light muna kayo sasama."  tumango naman si Sky at Cloud dito.

"Mauna na ako kung ganun. Mag papaalam lang ako." paalam ko sakanila at pumayag naman ang  mga ito at hindi na nagtanong pa.

Dumeretso ako sa opisina ni Architect dahil may gusto lang akong klaruhin. Hindi na ako nagkatok at binuksan ito naabutan ko siya at ang fiancee niya na naghahalikan. Nagulat naman sila at agad na naghiwalay.

"I have to go babe." paalam pa ng fiancee niya at derederetsong lumabas.

"What do you need?" formal na tanong nito.

"I came here to defend myself. Nakadepende na sayo kung maniniwala ka o hindi. Wag ka ng kumontra dahil pagkatapos ng araw na to ay hinding hindi na ako magpapakita sayo." huminga muna ako ng malalim. "Wala akong kasalanan, kaya kong patunayan yun kung gugustuhin mo. Walang nangyari samin ni Trixie ng gabing yun. At yung nangyari 2 years ago totoong hindi ko ginusto yun." napatigil ako ng bigla siyang tumawa.

"Oh come on Miller, stop sugarcoating everything that happened. Tapos na tayo, wala ng saysay pa yang paliwanag mo."

"Alam ko. But I want to give you this." inabot ko sakanya ang huling regalo ko. "Consider this as my goodbye gift to you Amore. Isuot mo sana palagi, mauuna na ako." paalam ko dito at tuluyan ng lumabas ng opisina niya.

"Cipher!" humihingal na tawag sakin ni Trixie. "You need to see this." may ipinakita siyang picture sakin, ako yun at si Architect nung pumunta kami sa moonlight. Magkahalikan kami sa picture, tangina.

"San galing yan?"

"Sa account mo-

"Miller!" hindi na naituloy ni Trixie ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang galit na galit na si Architect. Sinalubong ako nito ng sampal "Is this really what you want?! Gusto mo talagang masira ang buhay ko? Hindi ka pa ba nagsasawang saktan ako?"

"Pero prof-

"Alam mo Architect matalino ka. Sa tingin mo magagawa ko yan mag-isip ka nga. Kung gusto kitang sirain sana hindi kasama ang mukha ko diyan!" pagputol ko sa dapat ay sasabihin ni Trixie.

SECRETS OF THE HEART (LingOrm)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon