Chapter 17

527 7 0
                                    

"Master ano na naman ba to ang aga-aga pa eh." Tanong ng pipikit pikit pang si Cloud habang nandito kami sa basement ng rest house ko.

"Tssk puro ka reklamo." Asik ko dito at umupo sa pinakadulo ng mesa.

"Anong meron?" Tanong ni ate Rain. Lahat kasi sila pinatawag ko para humingi ng tulong.

"Ganito kasi yan, I know na aware kayo sa stalker namin ni Amore. Tama?" Panimula ko na agad nilang tinanguan. "And even dad alam niya din at gumagawa na siya ng action to find out kung sino yun. Pero I think I have a lead." pinakita ko sa kanila ang cellphone ko kung saan natrack ko na ang taong sumusunod saamin. Ang mali niya lang nagtext siya kay Amore gamit ang original number niya na naitrack ko na kanina lang.

"How?" Tanong ni ate Sun habang nakakunot ang noo. "I have a bad feeling about this. Bakit bigla bigla siyang magpapakita saatin ganung hirap na hirap tayo matrack siya? Unless otherwise may plano siyang iba." Dagdag pa nito na nagpaisip sakin.

"I agree with ate Sun. You have to be extra careful sa mga actions na gagawin mo kasi hindi natin alam kung ano bang plano niya." Pagsang ayon pa ni Sky dito na mas lalong ikinakaba ko.

"But atleast ngayon we have a lead. Ang magandang gawin na lang ay alamin kung sino ba yan." Suhestyon naman ni Cloud na tinanguan ko.

"Parang alam ko kung sino yan." Saad ni Trixie na ikinalingon ko dito. "Hindi lang ako sigurado sa kung anong rason niya para gawin sayo yan."

__________________________

"Good morning Amore." Nakangiting bungad ko sa babaeng pipikit pikit pa. Akmang babangon ito pero bigla siyang ngumiwi kaya agad ko naman siyang inalalayan.

"Careful Amore." Sabi ko na ikinahampas niya sa balikat ko.

"You did this! Tapos sasabihin mo careful?" Masungit na asik nito sakin na ikinatawa ko.

"Sorry na. Ipinaghanda kita ng maligamgam na tubig para mabawasan yung sakit. Halika tulungan na kitang pumunta sa banyo?" Yaya ko dito at inalalayan siyang tumayo.

"Hindi ka na talaga makakaulit sakin Ayla Cipher." Masungit na asik pa niya habang nakahawak sakin at naglalakad.

"Walang ganun Amore. Sorry na, I'll try my best to control myself sa sunod na make love natin." Nakangising sabi ko na ikinairap na naman niya.

Nakarating kami sa banyo ng dahan dahan siyempre ang tapang ng misis ko at pinagang sisi ako sa nangyari sakanya. Hindi ko nga alam kung ilang sorry na ang nabanggit ko.

"Labas na." Taboy nito sakin na ikinanguso ko. "Wag mo kong idaan sa pagpapacute Miller! Labas!" Dagdag pa nito na agad ko nang sinunod dahil dragon na naman siya.

Hinintay ko na lamang ito sa kama. Nakahiga lang ako habang hinihintay siya, wala pa akong tulog dahil natagalan ang pag-uusap namin kanina ng mga kapatid ko. Pagkatapos nun hinanda ko ang almusal nila at naghanda ng pampaligo ni Amore kaya inaantok na ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay kay Amore. Nagising ako sa mahihinang tapik sa pisnge ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang magandang nilalang na ikinangiti ko.

"Wake up. Breakfast is ready." Yaya nito sakin na tinanguan ko. "Antok ka pa?" Tanong pa nito na tinanguan ko ulit.

"Ako kasi nagluto ng almusal kaya medyo kulang ang tulog ko." Paliwanag ko dito na ikinaliwanag ng mukha niya.

"You should get up! Ikaw pala ang nagluto kailangan makakain ako." Excited na sabi nito na ikinatawa ko.

"Oo na po. Tara na." Sabi ko at tumayo na para lumabas ng kwarto.

SECRETS OF THE HEART (LingOrm)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon