"Ready ka na Amore?" tanong ko sa babaeng nakaangkas sa likod ko habang nakayakap ang mga kamay niya bewang ko. Parehas naman kaming may suot na life vest and I'm happy na bumalik na siya sa usual self niya. Yung ngumingiti at biglang magsusungit, lalo na kanina nung yumakap sakin si Sofia na anak ni Manong Ted isa sa mga naging kaibigan ko dahil sa pagpipilit din niya.
"Move now Miller or do you want that Sofia to join us? Okay lang naman kayo na lang matutulog na lang ako sa rest house." napatawa ako sa sinabi niya kaya nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran na ikinapitlag ko gago may kiliti ako dun.
"Selos ka na naman?" biro ko dito kaya kinurot na naman niya ko sa tagiliran muntik na kaming matumba dahil sa paggalaw ko gago naman kasi malakas kiliti ko dun. "Amore tama na baka matumba tayo, kumapit ka na aalis na tayo." mabuti na lang nakinig siya kaya nakaalis kami ng matiwasay. Sakto lang ang bilis ng pagpapatakbo ko malapit lang naman ang pupuntahan namin hindi kailangang magmadali. Balak ko siyang dalahin sa lugar kung saan madalas akong tumambay at magpahinga kapag punong puno na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
Nakarating kami sa may batuhan malapit sa cave, bumaba na siya at inayos ko ang motor boat para hindi madala ng alon.
"Papasok tayo sa loob ng kweba amore." inform ko sa kanya dahil kunot na kunot ang noo niya at tila hindi makapaniwala sa nakikita dalawang beses pa siyang lumunok kaya napansin kong hindi siya kumportable.
"Seryoso ka? Akala ko maliligo tayo?" tanong nito, napansin kong nanginginig ang kamay niya kaya hinawakan ko siya at inalalayan, may medical kit naman akong dala, flashlights at mga pagkain na pinahanda ko nakalagay ito sa bag na dala ko.
"Trust me Amore, hindi kita iiwan." tumango naman siya kaya inalalayan ko ito pagpasok sa kweba binuksan ko ang flashlight na dala ko at iniabot yun sakanya. Malinis naman ang daan sadyang madilim lang sa parteng ito ng kweba dahil wala pang ilaw na pumapasok pero sigurado naman ako na once na makarating kami sa lugar na sinasabi ko ay magugustuhan niya doon at mawawala ang takot niya.
Nakarating kami sa bandang gitna at medyo pababa na ito pero may kaunting liwanag ng sumisilay. Indicator yun na malapit na kami sa destination namin.
"Dahan-dahan madulas na banda dito." pagpapaalala ko sakanya dahil madudulas na ang mga bato sa dinadaanan namin. Nababasa na kasi ang parteng ito ng tubig mula sa lagoon na pupuntahan namin kapag na high tide pero maganda naman ang panahon ngayon kaya safe kami.
"Malapit na tayo." bulong ko dito maliwanag na kaya nawala na ang takot niya at mukhang kumportable na siya. "Look at the place Amore."
Sinunod na naman niya ako at wala akong ibang makita kundi pagkamangha sa mga mata niya. Napangiti naman ako dahil yung takot na nararamdaman niya kanina ay napalitan na ng excitement and I am more than happy na ako ang nakakagawa ng mga bagay na ito sakanya. Nasa mataas na parte kasi kami sa baba ay ang malinaw na tubig sa unahan naman makikita ang magandang view ng bundok na berdeng berde. Maganda ang ambiance ng lugar na to at good for tourism pero hindi ako pumayag nung gustong buksan ng mga tao ko sa resort ang lugar na to.
"Ang ganda." sabi niya habang nakatanaw sa paligid, nakatitig lamang ako sakanya dahil sa totoo lang mas maganda siya sa paligid.
"Oo ang ganda nga. Nagustuhan mo?" tanong ko dito kahit halata naman na ang sagot. Lumingon siya at nagtama ang mga mata namin, maya maya ay bigla itong umiling na ikinakunot ng noo ko.
"I love you." sabi niya na ikinakurap ng mga mata ko, bahagya ding bumuka ang labi ko para sana magsalita pero walang lumabas na salita mula dito.
"Ha? Mahal mo ko?" Di makapaniwalang tanong ko dito na tinawanan niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"Sabi ko I love the view. Assumera ka ng taon Miller." sagot nito habang tumatawa pa. Hinugot niya ang phone sa bulsa nito at iniabot sakin. "Picturan mo ko." inabot ko na lang ang cellphone niya at pinicturan siya. She did different poses, click lang ako ng click dahil kahit saang anggulo siya tingnan ang ganda ganda niya. "Cipher! Sabi ko halika dito picture tayo." napakurap ako sa pagsigaw niya gagi natulala na pala ako, kakahiya.
BINABASA MO ANG
SECRETS OF THE HEART (LingOrm)
RomancePaano mo magagawang ibalik ang alaala ng taong mahal mo kung alam mong sa una pa lang ay ikaw na ang naging dahilan ng pagkawala nito? At sa panahong muling nanumbalik ang pag-ibig na minsan ay nakalimutan saka niya naman maaalala ang masalimuot na...
