"Ma'am gising na po andito na tayo." marahan kong tinapik ang mukha niya sapat lang para magising siya nang hindi nasasaktan. Naipasok na kasi sa rest house ko lahat ng dala namin kanina dahil sinalubong kami ni manong Ted ang taga pamahala dito.
"Hmm where are we?" tanong niya pagkamulat ng mata niya. "Ang lamig." agad ko namang hinubad ang coat na suot ko para isuot sakanya bago bumaba ng sasakyan malamig talaga dito dahil nasa tabing dagat kami.
"This place is beautiful and it looks familiar." maya maya'y sabi niya. "I haven't here before sa kwento lang ng mga classmates ko before ito naririnig and they are right ang ganda dito kahit gabi pa." bakas ang paghanga sa mga mata niya, na ikinangiti ko.
"I'm glad na nagustuhan mo. Tara po magpahinga muna tayo?" yaya ko sakanya papunta sa rest house na ipinatayo ko 2 years ago, dati kasi wala akong sariling bahay dito kaya naoccupy pa ako ng room kapag nag-oovernight ako dito.
Pagpasok namin sa loob mas lalo siyang namangha dahil sa magandang interior design nito, I am the one who create the design and I made sure na simple lang pero elegante pa din ang dating. Lahat din ng paintings ko nakadisplay sa buong bahay, lahat ng emosyon ko sa loob ng dalawang taon nakadisplay dito.
"Wow. You owned this house?" manghang tanong niya na tinanguan ko. "The designs are cool who create this design? Baka kilala ko."
"Ako lang po." maikling sagot ko.
"Really? Cool, you never failed to amaze me." honest na komento niya. "Ang painful naman ng painting na to, gawa mo din?" turo niya sa isang artwork ko na kung saan nakapaint ang dalawang tao na magkahawak kamay habang magkasalo sa payong at may isang nakatanaw sa likod nilang basang basa sa ulan.
"Yep inspire yan sa isang movie na napanood ko kung saan there is someone who's madly inlove with a woman na hindi na maalala na nagexist siya sa buhay nito and worst ipinagpalit siya nito sa iba." paliwanag ko dito.
"I see. Know what you're good at everything, pahingi naman ng talent."
"Kung pwede ko lang pong ibigay sainyo bakit hindi? Kasi kahit naman anong galing ko sa lahat my parents won't notice me unless I did some terrible things."
"Why don't you try to show them these artworks and your achievements? Dapat maproud sila because you manage to create an interior design like this akala ko nga sobrang professional ng gumawa nito ikaw pala."
"I wish I can, pero hindi kasi ma'am Sky is good in arts, also dad is so proud at her dahil ang artwork niya pinag aagawan tuwing bidding sa Macau isa pa nga si tito sa nakikipag unahan para mabili ang gawa ni Sky. Cloud is also good in creating interior designs too di lang niya itinuloy ang pagkuha ng course na interior designing kasi naimpluwensyahan kong mag architect. You see my talents are nothing if you compare it to my siblings."
"Kanina ko pa gustong itanong ito pasensya na, pero paanong naging magkakapatid kayong anim?"
"Lima lang po. Light is just our cousin" pagtatama ko dito.
"Okay lima so paano nga?"
"Nagpakasal po si mom and dad noong nabuntis si mommy which is yung kambal na araw at ulan na nga po 5 years old sila ate at ako pinagbubuntis pa lang nang maghiwalay sila mom and dad dahil nakabuntis pala si daddy ng iba which is si Sky na nga po ang anak. Dad chose Sky's mom dahil yun po pala talaga ang gusto ni daddy since bata pa sila childhood sweetheart po. And si mommy naman po is bumalik sa ex niya na siya rin palang dahilan kung bakit siya nabuntis ni dad dahil sa pang-iiwan nito noon kay mom. Tutol daw po kasi ang magulang ni tito Gil kay mommy noon, pero luckily tinanggap niya si mom kahit nasa sinapupunan pa ako ni mom noon. Nagkahiwalay yung kambal noong maghiwalay sila, si ate Sunny sumama kay dad at si ate Rain kay mom naman sumama. Noong mag 1 year old ako nabuntis si mom kay Cloud. Okay naman talaga si tito Gil pinilit niyang maging tatay para sakin baka ako talaga yung problema dahil madalas silang mag-away ni mom noon dahil sakin."

BINABASA MO ANG
SECRETS OF THE HEART (LingOrm)
RomansaPaano mo magagawang ibalik ang alaala ng taong mahal mo kung alam mong sa una pa lang ay ikaw na ang naging dahilan ng pagkawala nito? At sa panahong muling nanumbalik ang pag-ibig na minsan ay nakalimutan saka niya naman maaalala ang masalimuot na...