"Ugghh!" daing ko matapos maramdaman ang pagpitik ng ulo ko pagmulat ng mata ko. Lintek naparami ang inom ko kagabi at kung ano-ano na lang ang nakita ko.
Isipin niyo dumating daw si Pat para sunduin ako na napakaimposibleng mangyari dahil kakakasal lamang nito at kitang kita pa ng dalawang mata ko yun. Dapat siguro hindi na ako ulit mag-inom.
SInubukan kong bumangon pero napatigil ako dahil sa brasong nakayakap sa hubad kong katawan. Wait what?! I'm naked?! Anak ng shutangmers wag naman sanang nag-uwi ako ng babaeng hindi ko kilala dito sa rest house ko dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakatakip sa mukha ng katabi ko pati na rin ang buhok na tumatabing sa mukha niya. At halos atakehin ako sa puso ng makilala ito.
Tangina jusko nagkasala po yata ako? Did I just f*ck my ex girlfriend na alam na alam kong may asawa na? Yes you read it right guys. Sleeping beside me is no other than Architect Louisse Patricia Stone. Sinilip ko ang ilalim ng kumot at napahinga ako ng maluwag ng makitang may damit ito at ako lang ang hubad.
Ha?! Tangina?! Did she raped me?! Gulantang ako sa isiping yun. Gago may asawa na siya bakit niya gagawin yun.
"Stop over reacting Miller. Hindi kita ginahasa. Ikaw ang kusang naghubad sa harap ko kagabi kung yan ang iniisip mo ngayon dahil mukha kang tanga sa hitsura mo." Ah hindi naman pala ako ginahasa. Teka nga! Gising na pala siya!
"Ah-eh-
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nabablanko ako. Ano ba dapat ang itatanong ko?
"Ih oh uh?" pagdugtong niya sa sinabi ko. "Ang tanda mo na para sa vowels. Tumayo ka na diyan at maligo. Mamaya na tayo mag-usap magluluto lang ako." utos nito at iniwan akong nakatulala sa kama.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili ko ng makalayo ito. Hindi naman daw niya ako ginahasa dahil ako ang kusang naghubad sa harap niya ibig sabihin ba nun ako ang lumandi sa kanya?
"Get up Miller! Stop overthinking!" napabalikwas ako ng sumigaw ito. Gago lalong sumasakit ang ulo ko.
Naligo na ako at nagbihis dahil kailangan ko talagang malaman kung bakit nandito siya. Kakakasal lang niya kahapon at nagawa na niyang magcheat agad kay Philip?
Sayang naman yung handa nila kung iniwan niya lang ito sa oras ng reception. Kawawa ang mga baboy na nagsakrapisyo kung hindi man lang niya to natikman.
"Anong iniisip mo?"
"Yung baboy anong lasa?" ay tangina anong nasabi ko? Bakit naman kasi nanggugulat?
"Aling baboy?" takang tanong naman niya.
"Ha? Wala. Ano bang ginagawa mo dito?" formal na tanong ko bago kinuha ang kape at humigop dun pero minsan talaga ang katangahan nadadala ko dahil hindi ko man lang naisip na mainit yun kaya napaso ako.
"Ay!" sigaw nito matapos kong mabitawan ang kape at tumakbo sa sink. "Bakit kasi hindi nagdadahan dahan!" sermon nito pero inabutan naman ako ng malamig na tubig.
"Bakit kasi ang init nung kape?" galit na tanong ko.
"Malamang katitimpla lang." pilosopong sagot nito na ikinairap ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Iniwan mo yung asawa mo?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
"Anong iniwan? Kasama ko kaya siya." sagot nito kaya ngayon ako naman ang nakakunot ang noo.
"Asan siya?"
"Ayan sa harap ko nagtatanga-tangahan." sagot niya na ikinaisip ko. Nasa harap daw niya? Ibig sabihin-

BINABASA MO ANG
SECRETS OF THE HEART (LingOrm)
RomancePaano mo magagawang ibalik ang alaala ng taong mahal mo kung alam mong sa una pa lang ay ikaw na ang naging dahilan ng pagkawala nito? At sa panahong muling nanumbalik ang pag-ibig na minsan ay nakalimutan saka niya naman maaalala ang masalimuot na...