Chapter 23

460 5 1
                                    

Architect Louisse POV

2 Months Ago (Before Regional)

"Dad?" tawag ko sa lalaking nakatalikod sa gawi ko. Pinasundo niya ako kay Philip sa bahay after ng outing with Miller family.

"Louisse. How's your vacation?" seryosong tanong nito na ikinagulat ko.

"Ahhmm- It was good. Why are you looking for me anyway?" pag-iiba ko ng topic. Lumapit ito sa table niya at binuksan ang drawer. Inilabas nito ang isang brown envelope at iniabot sakin.

"Kailan ka pa may relasyon sa Miller na yan Louisse?" tanong nito ng makita ko ang laman ng envelope. Picture namin ni Cipher yun sa moonlight at hindi ko alam kung saan niya to nakuha.

"Where did you get this?" takang tanong ko.

"Answer my question first Louisse!" sigaw nito na ikinagulat ko. "Fine. It doesn't matter anyway. Hiwalayan mo yang taong yan Louisse, ikakasal ka na kay Philip."

"But I love her dad."

"Listen to me Louisse. Walang magandang maidudulot sayo ang taong yan. Magpakasal ka kay Philip dahil yun lang ang natatanging paraan para mapanatili kitang ligtas."

"Pero ayoko ngang magpakasal kay Philip dad! I love Cipher and I won't leave her!" nag-uunahan ng bumagsak ang luha ko pero nanatili ako sa desisyon ko.  Mananatili ako sa tabi niya dahil yun ang pangako ko sakanya.

Tumawa ng pagak si dad na siyang ikinatingin ko dito.

"Mahal mo siya?! Sigurado ka ba sa sinasabi mo ha Louisse?  Gumising ka nga! Estudyante mo yun at teacher ka alam mong hindi pwede yang ginagawa mo."

"I don't care! I love her and you can't do anything about it dad."

"Will you still love her if you find out the truth? Kapag nalaman mo kung sino talaga siya masasaktan ka lang!"

"What do you mean dad?"

"Hindi siya katulad ng iniisip mo Louisse. Hindi lang siya basta estudyante mo. At kung gusto mong malaman ang totoo sumama ka sa mommy mo. One month Louisse, I'm giving you one month to find out the truth. And if you still love her after knowing the truth I will let you to be with her."  napanganga ako sa sinabi niya. I can't leave Cipher that long.

"Papayag ka ba o ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapaghiwalay kayo?" tanong pa niya kaya tumango ako. Mahal ko si Cipher at kahit ano pang malaman ko sa kanya ay pakikinggan ko siya. Hihintayin ko ang paliwanag niya.

"I'll do what you want. Just leave my girlfriend alone." matapang na sabi ko at tinalikuran siya.

_______________________________________

"Anak are you sure about this?" tanong ni mom habang nasa eroplano kami papunta sa rest house namin. Ang alam ni Cipher ay sa Europe kami pupunta, pinili kong magsinungaling para hindi siya mag-alala pa.

"Yes mom, if this is the only way para mapapayag si dad sa relasyon namin ni Cipher gagawin ko." nakangiting sagot ko dito na ikinabuntong hininga niya.

"But anak this won't be easy. I want you to ready yourself okay?"

"I know mom. Magpahinga ka na muna po gigisingin na lang po kita kapag andun na tayo." tumango lang ito sakin at ibinaling ko ang paningin sa bintana. Natatakot ako sa mga pwede kong malaman tungkol kay Cipher pero mas natatakot ako na mawala siya sakin.

SECRETS OF THE HEART (LingOrm)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon