Chapter 16 🔞

385 4 0
                                    

Warning: R🔞⚠️⚠️ Matured Content Ahead!! (Hindi ko agad nalagyan😅)
__________________________________________

"Bunso!!! Humanda ka saking bata ka!" Malakas na sigaw ni ate Rain matapos ko itong sabuyan ng tubig mula sa dagat. Andito na kami sa Moonlight actually kakadating lang namin mag-iisang oras pa lang at dahil maganda ang panahon at hindi na mainit dahil nakababa na ang araw ay nagka-ayaan kaming maligo habang naghihintay na maluto ang mga pagkain.

"Ang kulit mo." sabi ng babaeng kahawak kamay ko papunta sa bandang malalim ng dagat. Nginitian ko lang ito ng matamis.

"Wala namang magagawa sakin yan. Mahal kaya ako niyan." confident na sagot ko dito na inilingan niya.

"I love your family." maya-maya ay sabi nito bago humarap sa malawak na dagat. Niyakap ko naman ito bago sumagot.

"And they love you too but I love you most." bulong ko habang nakayakap sa likokd niya. Malayo kami sa karamihan dahil naghahabulan sila kaya walang makakakita sa kalandian ko.

"I love you too love." ganting bulong nito. "Ang saya ng pamilya mo unlike my family, puro pressure at command lang ang maririnig mo. Gawin mo to, gawin mo yan, punta ka dito, kausapin mo yan and even my own happiness kailangan sila din ang masusunod. I'm sick of it, kailan naman kaya ako magkakaroon ng karapatan na piliin ko naman ang sarili kong kalagayan?" napabuntong-hininga siya matapos sabihin ang mga katagang yun. Oo nga pala hanggang ngayon problema pa din namin yung engagement niya with Philip and hindi pa alam ng pamilya niya ang about saming dalawa.

"Hey, don't think too much Amore maaayos din ang lahat. Andito ako kasama mo ako sa laban hinding hindi kita iiwan." masuyo ko itong iniharap sakin at kitang kita ko anng malungkot na mga mata nito.

"Feeling ko lang kasi ang unfair ko sa part mo, ikaw naipakilala mo ako sa pamilya mo, naipapakita mo sa kanila kung gaano mo ako kamahal pero ako hindi kita maiharap sa pamilya ko at hindi ko man lang maipagsigawan na girlfriend kita." himutok pa nito na ikinangiti ko.

"You don't have to do that Amore, hindi mo kailangang pantayan yung mga bagay na nagagawa ko para sayo dahil hindi naman kompetensya nag relasyon natin Amore. Okay na ako sa kung anong kaya mong ibigay. Okay na ako sa ganito, as long as nararamdaman ko at ipinapaparamdam mo kung gaano mo ako kamahal."

"What did I do to deserve you." madramang bulong nito, hindi ko na siya sinagot bagkus siniil ko ng halik ang mga labi niya para maramdaman niyang deserve niyang maging masaya at mahalin ng tama.

"Hoy!! Mamaya na yan kakain na." mabilis akong napabitaw sa pagkakahalik ko kay Amore ng may pesteng sumigaw. Kamot ulo namang tumakbo si Light pabalik sa karamihan.

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Amore at hindi na pinag-aksayahan ng panahon ang pang-aabala ni Light.

"Tara kain na tayo? From now on treat them as your own family dahil yun din ang turing nila sayo. You don't deserve to be alone in this vacation Amore." nakangiting sabi ko dito na agad naman niyang sinuklian at tumango.

"Thank you." sagot niya at hinigpitan pa ng hawak ang kamay ko bago ako hilahin papunta sa kainan.

______________

"Kanta na lang tayo habang nag-iihaw ng marshmallow?" suhestyon ni Cloud.

"Truth or consequences na lang?" kontra naman ni Light, napakamot na lang ako sa ulo dahil kanina pa sila nagtatalo kung anong gagawin pagkatapos mapa-apoy itong bonfire na ginagawa namin.

"Tama na tumigil na kayong dalawa diyan. Ang sakit ninyo sa tainga kahit kailan, kakanta muna tayo habang nag-iihaw at after nun ay truth and consequences naman. Sounds good?" suhestyon ni daddy na ikinagulat naming lahat. Jusko ang tatay ko nakikibata.

SECRETS OF THE HEART (LingOrm)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon