I'm Inlike With You
written by: SweetyAnn
Like No. 24
~~Buhay ko’y nasa ‘yo
Matitiis mo ba ako, oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry, pwede ba~~ ♫ ♪ ♫
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!! SER CHIEF!!!" sabay kaming tumili ni Nanay Conchie, yung kasambahay namin.
Grabe! Ang gwapo talaga ni Sir Chief! Ang swerte ni Maya sa kanya. Kung ganyan din naman magiging boss mo kung magya-yaya ka, hindi nalang sana ako nag-artista! Ang gwapo gwapo ni Sir Chief, napaka-professional ng ichura, laging mukhang mabango at disente, ang ganda pa ng boses. Hahaha. Tama bang pagnasahan si Sir Chief? Pero kayorin naman eh. Diba? Diba? Aminin.
Commercial na.
"Ma'am, di po ba kayo pupunta sa photoshoot niyo? Kanina pa po kase natawag si Sir TJ."
"Hinde. Hahahaha."
Nagulat ang lola mo. Sumipsip nalang ako nung milk shake na ginawa niya. Yummmmmmmmmmmmy. Sarap talaga gumawa ni Nanay Conch gumawa ng Milk shake!
*Guuuuuulp*
"Nay Conch, pag tumawag ulit yung aso na yun.. sabihin mo nasa bar ako."
"Bakit naman po? Eh wala naman kayo sa bar."
Hindi marunong magsinungaling. Ano ba to. Ahhhhhh. Alam ko na. :)
"Nay.. diba ho nakwento niyong tomador kayo sa Zambales?"
"Aba oo naman Ma'am. Wala ako'ng inuurungan dun."
Napangiti ako ng malapad. Parang ganto.. ^____________________________________________________________________________^
Ang OA naman. LOL Mukha ng penguin yan.
**
Sa SM Building..
Shanice: Good afternoon po Sir Jonas. Asan po si Ma'am Laura? Kasama ko na po yung driver na pinahahanap niya.
Sir Jonas: Ay ganun ba?
Hindi niya nilingon si Shanice at patuloy pa rin sa ginagawa nito sa Laptop niya.
~Ay hinde! hinde! kaya nga sinabi e, kakahiya naman sa laptop mo! Kung hindi lang kita boss~ (naiisip ni Shanice)
Sir Jonas: Wala siya eh. Hindi nga rin siya sumipot sa photoshoot niya kanina para sa commercial ng Swarovski, nakakahiya sa kanila. Ang lakipa naman ng binayad sa atin. Nacancel tuloy lahat.
Tinignan ni Shanice si Paolo.
Paolo: ~Akala ko pa naman, magkikita na kami.. Sayang porma~ (naiisip ni Paolo)
Shanice: Don't worry. I-tetext ko si Ma'am. :)
**
Condo
"Samahan mo na ko, inom tayo."
Niyayaya ko si Nanay Conchie, kaso ayaw pumayag. Magagalit daw si TJ. Bakit ba mas takot pa to kay TJ kesa sakin?! Pang sampung pilit ko na sa kanya yan. Nasasayang na yung laway ko. Pahard to get kasi! Ayoko namang kasama yung mga showbiz friends ko. Kawawa kami nito, dudumugin kami ng madlang people! Ayoko rin namang mag-isa, loner lang?
"Naku Ma'am, magagalit po talaga si Sir TJ.. Di po talaga pwede."
"Hindi niya malalamang kasama kita! Pag di ka pumayag, wala kang day-off nanay. I'm dead serious."
"Ahihihihihihihi! Kayo naman Ma'am! Masama po bang magpakipot ng unti? Teka lang po, magbibihis na ko." at umalis na siya para magbihis!
*beep* *beep*
Sender:
Ms. Lee
Good afternoon po Ma'am! Kasama ko na po yung driver na pinapahanap niyo. :-)
Greaaaaat! I need a driver papuntang bar.
To: Ms. Lee
K. Go straight to my unit. Need ko driver today. Thanks.
Ayos to! Bar na Bar na ko. Magbabar ng alas tres ng tanghali. Nice! Makapag-mall kaya muna?
BINABASA MO ANG
I'm Inlike With You [Completed]
HumorCopyright © 2012 by SweetyAnn Isang magulong kwento ng in denial na si Alice at ang mayabang na si Paolo..