Like No. 32

143 3 0
                                    

I'm Inlike With You

written by: SweetyAnn

Like No. 32

'I killed them all.'

'I killed them all.'

'I killed them all.'

'I killed them all.'

Paulit-ulit sa sistema ko ang mga sinabi niya. Nanginginig ako sa takot. Parang nabingi ako dahil sa mga huling sinabi niya. Napaupo ako sa sahig. Yakap-yakap ko ang  dalawa ko'ng binti. Hindi ko makuhang tumingin sa kanya. Pinatay niya ang mga magulang niya pati na rin ang babae niya. Hindi kaya...

"Yes Alice. Guess what, I also killed your mom. Funny right? I tried to convince her not to interfere. BUT SHE DID."

Dun na ko pumitik.. "YOU MONSTER!!!!!" sinunggaban ko siya! pati ba naman ang nanay ko, dinemoniyo niya! hindi siya tao!

Hinawakan niya ko ng mahigpit sa pala-pulsuhan. Pinaghahampas ko siya ng mga kamay ko, sinisipa ko rin siya. kinuha ko yung lampshade at..

*Sound of a broken glass* Hinampas ko sa ulo ni TJ yung lampshade.

"Ma'am! Ano'ng nangyayare?!" nagpapanic na pumasok si Nanay Conchie sa kwarto ko. Malamang narinig niya ang tunog ng nabasag na lampshade.

"Tumawag ka ng tulong Nay!" sapo ko ang kanang braso ko. nasugatan kasi ito sa lakas pagkakahampas ko kay TJ.

"Oh crap!" May bubog na palang bumaon kaya ganun nalang yung kirot sa braso ko. 

Nakita ko'ng si TJ na bumabangon. Tinanaw ko agad yung wallet at cellphone ko. Nung makita ko yun, kinuha ko kaagad at lumabas ng kwarto. Nasa living room palang ako ng maabutan niya ko't hinila sa braso.

Sa braso kung saan ako may sugat. Pinisil niya pa to para sadyaing sumakit.

"Araaaaaaaaaaay!!! TJ!!! Let go!!!"  Napapikit ako sa sakit! Demonyong TJ to!! ARAAAAAAAAAAY!!

"Hindi pwede!! Hindi mo ko pwedeng iwan!!" Mas lalo niyang hinigpitan yung pagkakahawak sakin kaya napaupo ako.

Tinignan ko siya sa mata. Nagmamakaawa ang mata ko sa kanya, baka sakaling matauhan siya. Hindi naman siya ganyan sakin dati.

"I love you Alice.."

At naglabas siya ng baril mula sa kanyang bulsa at itinutok niya sakin.

I'm Inlike With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon