Like No. 31

138 4 0
                                    

I'm Inlike With You

written by: SweetyAnn

Like No. 31

Gusto ko'ng makita ang mommy ko. Pero hindi ko pwedeng gawin yun habang alam ko'ng TJ's been eyeing me since the very beginning. Kontrolado niya ko. Pero hindi na ko papayag na hindi pa matapos yun.

Iniisip ko ang gagawin ko'ng move. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakakatakot. It's been 2 days. Binalitaan ako ni Tiffany na pinacremate na ang mommy ko. Hindi pwedeng malaman ni TJ na may communication kami ni Tiffany. Nawala na ang nanay ko, hindi ko matatanggap kapag may nangyaring masama sa bestfriend ko.

Sabihin ko nalang kaya? Straight to the point! I bet wala namang ibang way kundi yun lang. Kaso, kailangan ko pa bang tumawag ng police? I have an evidence. I have the photos, and the guy he hired para mapatunayang may kasalanan niya.

Bakit kailangan niya pa kasing gawin to? Edi sana, okay ang lahat. Bakit kasi bumalik pa siya? Sana binulok niya nalang yung sarili niya sa ibang bansa! Demonyo siya!

"Ma'am, kumain na naman po kayo.. Lagot po ako nito kay Sir TJ eh." nilapitan niya ko sa kama ko.

dalawang araw na rin ako'ng nagkukulong sa kwarto ko. Lahat ng appointments ko, lahat yun inaayos ng manager ko. Galit na galit si Jonas sakin, pero di ko naman masabi ang totoong dahilan kung bakit ako nagkakaganto.

"Laura! What's gotten into you?! You locked yourself in your room, you haven't eaten for days! Are you killing yourself?!"

Hudas ka! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Wala kang karapatang pagalitan ako at umarteng nobyo ko, ngayong alam ko nang puro ka kasinungalingan!

Lumapit siya sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Anong problema baby?" Nawala yung galit niya. Baliw ba siya? Paiba-iba ang mood niya.

Hindi pa rin nawawala ang pagkamuhi ko sa kanya. Hindi ko na napigilan..

"BAKIT MO KO NILOKO??!! SINO KA BA'NG DEMONYO KA??!! HA??!!!"  isinigaw ko sa kanya lahat! Hindi ko na rin naman kaya pang kimkimin sa loob ko. Ang bigat ng pakiramdam ko ng dahil sa kanya! Nangibabaw ang boses ko sa kwarto.

"A-Anong s-sinasabi mo?" Mautal-utal na sagot niya. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. Nagdedeny pa! Hudas talaga!

"Baliw ka!!! Alam ko na lahat!!! Bakit kailangan mo ko'ng lokohin?!!!" medyo bumaba na yung boses ko pero nakasigaw pa rin ako.

Tumawa siya. Tumawa siya at kinikilabutan ako sa tawa niya. Hindi siya yung TJ na nakilala ko all through out the 3 months. Ibang tao ang nasa harap ko. Pero, tao nga ba talaga siya?

"Tama ka! Baliw ako. Baliw ako dahil sayo! Mahal kita pero kailangan kitang iwan para sa kanila!"

Naguluhan ako sa sinabi niya. At the same time, he's giving me the creeps because of his devilish laugh na ngayon ay nangingibabaw sa buong kwarto.

"Sabi nila, I have to marry that bitch para hindi masira ang merger ng bullshit nilang kompanya!"

Sa mga sinasabi niya, nagflash nanaman sa isip ko lahat ng naalala ko nung gabing nalaman ko ang lahat.

Ngayon naiintindihan ko na. Naaalala ko na lahat ng nangyari nung araw na nakipaghiwalay siya. Naliwanagan ako sa mga narinig ko sa kanya. Sumakit ang ulo ko pero kaya ko pa namang indahin.

"But don't worry, wala ng hahadlang satin. I killed them all."

H-He w-w-what?!

'I killed them all!'

Tuluyan na ko'ng natakot sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa siyang mamamatay tao!

I'm Inlike With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon