SweetyAnn's Note: Dedicated to sa Idol ko'ng si Aril_daine! ^____^V
Eto na yung next UD..
#♥#♥#♥#♥#
I'm Inlike With You
written by: SweetyAnn
Like No. 4
ALICE’s POV:
The next day, nagpractice ulit kami dito sa bahay ko for our project. Kaming dalawa lang ni BFF. This time, magpplan kami kung saan kami magsshoot ng pinaka music video namin & memorization ko ng lyrics. Bukas na sana kami magsshhoot.
But there’s no sign of Paolo, kaya hindi namin alam kung kelan kami magsshoot. Pero para bang gusto ko siyang i-comfort na ayaw ko kasi nabbwisit ako sakanya. Alam ko sa sarili ko na hate ko siya because of his attitude, but I feel bad for what happened to him. Siguro dahil pareho kami.
Nandito kami ngayon ni BFF sa sala, nag-uusap usap ulit kasi malapit na siya umuwi, mag-gagabi na rin.
“Alice, puntahan kaya natin si Paolo? Kasi next week na pasahan ng project natin oh. Ayoko maghabol, magrereview pa ko para sa exams”
Nagulat ako sa sinabi ni Jane, di ko nga alam kung san nakatira si Paolo. Pero siguro, gagaan din ang pakiramdam ko pag nakausap ko siya. :) Pero bakit nga ba? Aish! Di ko maintindihan. -_____-“
“Onga naman, pasaway ka kasi! Bakit ba kasi niyaya mo pa yang si Paolo na maging ka-group natin?”
“Simple. Walang kumukuha sa kanya, that’s why I asked him. I’m just being nice BFF ^__^v”
“Bakit naman walang kumukuha sakanya? (~~,)”
“Ewan ko, sabi niya wala daw kumukuha sakanya eh”
Weird naman kung ganun, eh nung inintroduce niya sarili niya nagkanda-pilipit yung mga ngala-ngala ng babae sa room sa kaka-sigaw ng *Kyaaaaaaaah! *Q* ang pogi naman niya!!*
“Ahh, eh kelan ba natin pupuntahan yon? Saka alam mo ba kung san siya nakatira? Hindi nga pumasok kanina eh, pano yun?”
“May number niya ko BFF ^___^V kinuha ko na dati pa, hihihi”
Aba, ayos to’ng BFF ko ah. May number na siya ni Paolo, textmate ba sila? O_o?
“Eh may number ka naman pala eh, edi itext mo nalang”
“Yun nga eh, tinetext ko hindi naman nagrereply, kaya nga dapat na nating puntahan yun bukas pag hindi pa rin pumasok”
“Okay, pag wala siya bukas magtanong nalang tayo sa office ng address niya”
“Sige BFF uuwi na ko madilim na eh, dilicades na ako sa kalasada *muaa!*”
“Ingat ka BFF *muaa!*”
Umuwi na si Jane kasi nga madilim na. Ako naman naghilamos na tapos matutulog na sana ako. Kaso nagring yung Cellphone ko.
*kriiiiing kriiing*
[ Calling…
Tita John ^__^v ]
Sinagot ko naman agad, bakit kaya siya napatawag? Na-miss siguro ako. Haha! ^__^v
“Hello? Tita John? You there?”
“Eww naman pamangkin! Tita tapos JOHN? Ang jontot. Sabi ko naman sayo Tita Hershey nalang o kaya Tita Hersh”
Hahahahaha! \^O^/ Siya ang bestfriend ni mommy, si Tita John. Pero Tita Hershey talaga ang gusto niyang itawag ko sakanya. Hahaha Nakakatuwang kasama to’ng si Tita Jo-este Hershey!
BINABASA MO ANG
I'm Inlike With You [Completed]
ComédieCopyright © 2012 by SweetyAnn Isang magulong kwento ng in denial na si Alice at ang mayabang na si Paolo..