DANAEA
"Mom, wake up..."
Nagising ako sa mahinang yugyog sa akin ni Rioen, I saw him smiling widely bago ako dinaganan. Mahina akong natawa sa kaniya at kiniliti ko ang kaniyang tagiliran.
"Stop it, mom! Ma-late ka po sa trabaho," humahagikgik niyang sabi sa akin.
I stood up and binuhat ko siya habang tumatakbo pababa ng hagdan. Sigaw siya nang sigaw dahil sa takot na gumulong kaming dalawa at muntikan nga kaming gumulong dahil sa maling pag-apak ko sa baitang.
"Ang dalawang 'to talaga," nailing na saad ni tatay.
"Si mama po lolo 'tay!" Pagsusumbong ni Rioen.
Bago pa ako mapagalitan ni tatay ay tumakbo na ako papunta sa kusina para kumain, nagtago ako sa ilalim ng lamesa para hindi nila ako makita. Ratrat ng sermon na naman ako if ever maabutan nila akong kumakain na habang wala pa sila. Kakagat na sana ako sa tinapay nang may nag-angat ng mantel.
"Lolo 'tay, si mama nagtatago sa lamesa!" Sigaw ni Rioen bago tumakbo nang mabilis.
Lumabas agad ako para sana habulin siya pero si tatay ang sumalubong sa akin habang nagtatago sa likod niya si Rioen.
"Tumigil na kayong dalawa, mag-ayos ka na Danaea dahil pangit kapag late sa unang araw ng trabaho," striktong saad ni tatay kaya napanguso na lang ako.
Lumapit ako sa kaniya para yumakap at hinila ko naman si Rioen pabalik sa kwarto namin.
"Papasok muna ako sa trabaho, anak ha. 'Wag ka magpapasaway sa lolo 'tay mo," malambing kong sabi sa kaniya.
"Opo mama, good boy 'to. Pogi pa," magiliw niyang sagot sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit at biglang tumulo ang luha ko.
"Mama? Bakit ka po umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ako umimik sa kaniya pero sapilitan niya akong pinatingin sa mga mata niya.
"You can always tell it to me, mama," malambing niya sabi at hinalikan ako sa pisngi.
"Masaya lang ako, anak. Ang laki mo na..." Napahinto ako dahil naisip ko rin ang pagkakaparehas nila ni Erion. "Tsaka ma-mimiss kita."
"Uuwi ka naman po kapag weekends," natatawa niyang saad na nagpanguso sa akin.
"Limang araw akong mawawala sa isang linggo, hindi mo ako hahanapin?" Nagtatampo kong tugon sa kaniya.
Sasagot pa sana siya nang biglang kumatok si tatay. "Mag-ayos na kayo, babyahe ka pa Danaea at may pasok ka pa Rioen."
"Kumain ka bago pumasok sa school ha, magbibihis na ang mama para makaalis na." Hinalikan ko siya sa kaniyang noo bago siya lumabas ng kwarto.
I sighed deeply dahil sa naiisip ko, ayokong malayo sa anak ko pero kailangan kong magtrabaho sa Makati. We are currently living here in Zambales, dito namin pinili ni tatay na tumira dahil nagustuhan ko ang mga beach dito.
Si Rioen ang lagi kong kasama manood ng sunset.
"Danaea! Mag-alas sais na!"
Binilisan ko ang pagbihis at simpleng make up na lang ang nailagay ko, I want to look pretty pa naman sana para kaaya-aya akong tignan sa first day ko dahil alam ko na kapag tumagal ay wala na akong time para mag-ayos. Siniguro ko na kumpleto lahat ng gamit na kailangan kong dalahin para no regrets kapag nandoon na ako.
"Mama, tapos na po ako kumain."
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Rioen sa kwarto, buti na lang naitago ko na ang secret weapon ko.
YOU ARE READING
When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD
RomanceTwo broken souls met in the middle of darkness. They felt each other and they didn't lose the chance to grip on one another. Erion Escalona endured all the pain that life gave him during his growth. He lived all alone so that other people don't mat...