2. Mga iniwan ng nanay

221 7 0
                                        

Maaga palang ay dumating na si Robin sa bahay nila Kara para makikain ng almusal, hinihintay na lamang nilang magising si Jess at dumating si Yago. 

"Alam mo ikaw Robin ang yaman yaman niyo nakikikain ka pa ng almusal dito sa'min."si Kara

"Masarap kaya magluto si tita Cecilia ng breakfast, kaya nga dito ako madalas kumakain ng almusal e kasi sa bahay puro sermon pinakakain sa'kin dun, hindi kaya masarap 'yun."si Robin

"Alam mo ikaw pilosopo ka."si Kara

"E totoo naman, puro sermon pinapakain sa'kin ni ate sa bahay kaya nga ayokong nagstay dun e."si Robin

"Kasi naman ayaw mo na lang makinig sa kanya."si Kara

"Kara hindi ko naman kasi maintindihan kay ate kung bakit niya kailangang kontrolin 'yung buhay ko, buhay ko naman 'to e, hindi naman kanya."si Robin

"Robin ate mo siya, gusto niya lang itama 'yung mga maling desisyon mo."si Kara

"Ayoko na pag-usapan 'yun, kaya nga ako dito nagpunta e tapos sesermonan mo lang din pala ako."si Robin

"O sige hindi na, hindi ka rin naman nakikinig e. Okay lang ba sa ate mo na sumama ka sa'min ngayon?"si Kara

"Nagpaalam naman ako ng maayos sa kanya e basta daw hindi ako gagawa ng kalokohan at sasali sa basag ulo."si Robin 

"Sana alam ng ate mo na kapag kasama mo kami e hindi ka namin pinababayaang gumawa ng kahit na anong gulo o kalokohan. Wala bang tiwala 'yung ate mo sa'min?"si Kara

"Kara, kailangan ko pa bang sagutin 'yang tanong mo?"si Robin 

"Hindi na, alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong. Nawalan ng tiwala ang ate mo sa'kin dahil sinama kita noon sa isang party na hindi natin alam na may inuman pala, kung saan nabugbog ka at dalawang linggo kang naospital. Hindi ko naman alam na mangyayari 'yun e, na-frame lang tayo dun."si Kara

"Alam natin pareho 'yun Kara, alam natin na na-frame up lang tayo, pero nakita mo naman diba? Ilang beses na nating pinaliwanag kay ate 'yung bagay na 'yan pero wala, hindi siya naniwala."si Robin

"Kahit naman gustuhin kong kausapin ang ate mo alam kong kahit kailan e hidi na siya makikinig sa'kin."si Kara

"Ang mahalaga pareho nating alam ang totoo, siguro kung kasama natin si Jess baka maniwala 'yun."si Robin

"Talagang mas gusto niya si Jess, ano? Kahit naman nung mga bata pa tayo e siya na ang laging gusto ng ate mo."si Kara

"Kara kahit anong mangyari, sa'kin pantay kayo sa'kin bilang kaibigan ko."si Robin

"Salamat, Robin."si Kara

"Oo naman. Diba nagpromise ako sa'yo na ako lagi ang magtatanggol sa'yo, na ako lagi akong sasalo sa'yo."si Robin

Hindi naman nila alam na nandiyan na si Jess sa likuran nila

"Agang drama niyan ah."si Jess

"Uy nandiyan ka na pala."si Kara

"Sorry na-late ako nang gising, alam niyo namang nag-aadjust pa ako ng tulog e."si Jess

"Okay lang 'yun, wala pa naman si Yago e."si Robin

"Sabayan mo na kami kumain, masarap 'tong hinain ni mommy, pero masarap din luto ni Yago kagabi grabe."si Kara

"Oo actually ang dami kong nakain kagabi, sobrang busog ako."si Jess

"O speaking of the devil, nagtext sa'kin, mala-late daw siya ng kaunti kasi may dinaanan lang siya sandali sa bahay ng lolo niya."si Robin

"E di may time pa makapag-ayso 'tong si Jess, okay 'yun."si Kara

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon