Kakauwi lang ni Robin galing sa lakad nilang apat, naupo siya sa may sala at nagbukas ng cell phone, bigla namang dumating ang ate niyang si Rose
"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba kung anong oras na?"si Rose
"Nagpaalam ako kay dad na magpupunta kaming mall nila Kara, Yago at Jess, at alam ko rin kung anong oras na kaya 'wag mo na akong sermonan."si Robin
"Nagtatanong lang ako. Saan ka na naman ba dinala ng Kara na 'yan? Baka naman mamaya niyan dinala ka na naman sa isang party para ipahamak."si Rose
"Hindi ka na ba talaga makaka-move on sa nakaraan? Dalawang taon na mula nung nangyari 'yung aksidente na 'yun. Diba sinabi ko na sa'yo na wala siyang kasalanan."si Robin
"Kahit kailan hindi ko 'yun makakalimutan dahil hindi magandang impluwensya 'yang Kara na 'yan sa'yo. Nakita mo kung anong nangyari sa'yo 'nung gabing 'yun diba? Halos dalawang linggo ka sa ospital dahil sa pagkakabugbog sa'yo."si Rose
"Hindi siya masamang impluwensya sa'kin! Kaya ako nabugbog at napahamak 'nung gabing 'yun ay dahil sa kayabangan ko at hindi dahil sa kanya!"si Robin
"'Wag mo na ipagtanggol 'yang si Kara, kahit anong sabihin mo hindi ko siya gusto para sa'yo."si Rose
"Hindi mo naman siya kailangang magustuhan dahil hindi naman ikaw si dad. You're not dad para sabihin sa'kin kung sino ang para sa'kin at hindi. Pwede ba ate, malaki na ako kaya 'wag mo nang kontrolin ang buhay ko, lalong lalo na ang pamimili ng kaibigan."si Robin
"Robin I'm your sister, kaya may karapatan akong mamili ng mga taong dapat mong kaibiganin at hindi kaya sinasabi ko sa'yo ngayon that Kara is not a good influence for you."si Rose
"Ano bang ginawang masama sa'yo ni Kara? Ha? Hindi mo ba alam na siya pa nga ang nagre-reach out sa'yo para maging okay na kayong dalawa? Pero anong ginagawa mo? Ikaw 'tong nagmamatigas at ikaw 'tong nagpapaka-boss."si Robin
"Dahil siya ang dahilan kung bakit muntik ka nang mamatay. Nagka-amnesia ka na ba? Dinala ka niya sa isang party na naging kapahamakan sa'yo."si Robin
"Oo dinala niya ako sa party na 'yun, pero ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nabugbog dahil sa kayabangan ko. Hindi kasalanan 'yun ni Kara ate, ano ba?! Ulit ulit na lang ba tayo sa issue na 'yan?! Talaga bang hindi na tayo uusad?"si Robin
"See?! Sinasagot mo ko nandahil sa babaeng 'yan kaya hindi siya magandang impluwensya sa'yo."si Rose
"Dahil sobra ka na! Hindi ko na gusto 'yung ginagawa mo kay Kara, pinapahiya mo siya kapag nakakakita ka ng pagkakataon, inaapi mo siya kapag nandito siya, halos ipagduldulan mo sa mukha niya na wala siyang kwenta. Kulang na lang hubaran mo 'yung tao sa harap ng publiko para tuluyan siyang mapahiya. Well sorry ate dahil hindi ko hahayaang mangyari 'yun because she's my best friend. Best friend ko siya kahit na ano pang sabihin mo sa kanya."si Robin
"Stay away from her!"si Rose
"Hinding hindi ko siya lalayuan dahil siya naiintindihan niya ako."si Robin
Bigla namang pumasok sa eksena ang ama nilang si Carlos
"Nag-aaway na naman kayong dalawa. What is it this time?"si Carlos
"Dad pinagsasabihan ko lang naman 'yang si Robin na layuan niya na si Kara dahil hindi naman siya magandang impluwensya kay Robin."si Rose
"Rose, it's been two years since that incident. Inamin sa'tin ni Robin na siya ang may kasalanan kung bakit siya nabugbog at napahamak nung gabing 'yun, kinlaro rin sa'tin ni Robin na walang kasalanan don si Kara. So bakit ang init init ng ulo mo sa batang 'yun?"si Carlos

BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionAfter 2 years of mending your broken heart, are you ready to fall in love again? Are you ready to sacrifice everything for the one you love? Kung saan saan ka pa naghahanap, ang hindi mo alam nanjan na pala siya sa harap mo? Lumingon ka pa sa iba.