Katulad nang napag-usapan ay sabay pumasok si Yago at Jess, sabay na ring pumapasok si Kara at si Robin. Habang nasa sasakyan sila..
"Kara, diba maraming nanliligaw sa'yo ngayon?"si Robin
"Medyo. Bakit mo natanong?"si Kara
"Bakit ni-isa sa kanila wala ka pang sinasagot o di kaya nagugustuhan man lang? I mean, sabi mo sa'kin dati na kapag may nagustuhan ka sa mga nanlilgaw sa'yo e sasabihin mo agad sa'kin, e ni-isa wala ka pang nababanggit sa'kin. Hindi ka naman tibo diba?"si Robin
"Talagang hindi ako tibo. Nagpromise kasi ako kay mommy na hindi na muna ako magbo-boyfriend."si Kara
"Pero nasabi sa'kin ni tita na may crush ka naman, mula grade 3 pa nga lang daw e crush mo na 'yun. Kaya medyo may tampo ako sa'yo kasi matagal na tayong magkasama, pero ni-minsan e hindi mo man lang siya nake-kwento sa'kin."si Robin
"Ha? E kasi ano.."si Kara
"Kara magkaibigan tayo, kaya dapat open tayo sa isa't isa. E malay mo ka-close ko o di kaya kakilala ko pala 'yung crush mo e di mailalakad pa kita."si Robin
"Malabo. Hindi naman ako magugustuhan nun e, at sa kanya na rin naman mismo nanggaling na hindi kami pwede."si Kara
"Aba sira ulo 'yun ah! Gusto mo resbakan ko? Namin ni Yago? Sama na rin natin si Jess kasi balita ko nagka-karate 'yun e."si Robin
"Hindi na. Baliw! Wala na rin naman akong mapapala kahit resbakan niyo pa siya."si Kara
"Ano ba kasing pangalan niyang lalaking 'yan? At sinaktan pa ang feelings ng best friend ko? Ha?"si Robin
"Ikaw.."si Kara
"Ako?"si Robin
"Ikaw, sino ba crush mo ngayon?"si Kara
"Ah. Wala pa, pero kapag meron na ikaw ang unang makakaalam, ikaw lang naman makakaintindi sa'kin pag ganon e."si Robin
"Oo ba! Tsaka nung mga bata pa tayo e ikaw na laging nagtatanggol sa'kin."si Kara
"Kaya kung sino man ang mananakit sa'yo, humanda siya dahil makakatikim ng sapak sa'kin 'yun."si Robin
"Ano nga pala Robin, may gusto sana akong sabihin sa'yo."si Kara
"Oo ba. Ano ba 'yun?"si Robin
"Sabi kasi ni Carolyne 'yung kaklase natin, nakabalik na raw si Trisha mula sa States, sabi kasi niya baka daw sa Ridgeview na ulit siya mag-aral."si Kara
"O ano naman ngayon?"si Robin
"Anong ano naman ngayon? Robin, ex mo si Trisha, sa kanya ka nasaktan ng sobra, sobra sobra kang nasaktan dahil sa babaeng 'yun."si Kara
"Kung magagalit ako at mag-aalala e di parang hindi ako naka-move on niyan, Kara matagal na akong naka-move on sa nangyari noon. Wala na akong pakialam kung babalik siya ng Ridgeview."si Robin
"Pero sabi ni Carolyne may dahilan kung bakit bumalik ng Pilipinas si Trisha."si Kara
"At ano naman 'yun?"si Robin
"Para balikan ka."si Kara
Pagdating nila Jess at Yago sa Ridgeview ay nakita nila agad si Robin at Kara, naglalakad papuntang CR si Jess at Kara
"Ano? Babalikan ni Trisha si Robin? E diba nakwento mo sa'kin na si Trisha 'yung babaeng sobrang nanakit kay Robin?"si Jess
"Oo tama ka diyan. Actually nung sinabi sa'kin ni Carolyne 'yung tungkol kay Trisha e nagulat din ako. Dapat sasabihin ko na sa'yo 'to kagabi kayalang nakatulog agad tayo, ewan ko Jess kinakabahan ako."si Kara
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionAfter 2 years of mending your broken heart, are you ready to fall in love again? Are you ready to sacrifice everything for the one you love? Kung saan saan ka pa naghahanap, ang hindi mo alam nanjan na pala siya sa harap mo? Lumingon ka pa sa iba.
