14. Fight for You

145 3 1
                                    

Nakaupo si Celine at Lauren sa classroom nila

"Alam mo sa tingin ko Lauren, dapat mo nang tigilan at tantanan si Yago. Nakita ko kanina kung paano niya pinagtanggol 'yung babaeng 'yun, at sa tingin ko talagang mahal na mahal niya 'yung babae."si Celine

"Sinong nagsabi sa'yo na pwede mong sabihin sa'kin 'yan? Celine alam mo kung gaano ko ka-mahal si Yago, and you know that I'm willing to do everything for him."si Lauren

"E ang tanong willing din ba si Yago na balikan ka? Alam mo friend gumising ka na sa katotohanan na hindi na talaga ikaw ang laman ng puso ni Yago."si Celine

"At sino ang nasa puso niya? 'Yung babaeng 'yun?"si Lauren

"Oo. Sa totoo lang Lauren mukha wala na talaga siyang balak na balikan ka pa, nakikita ko na handa niyang panindigan 'yung nararamdaman niya para sa babaeng 'yun. Magmove on ka na."si Celine

"No! Kami lang ni Yago ang para sa isa't isa, kami ang nakatadhana at lahat gagawin ko para kaming dalawa ang magkatuluyan."si Lauren

"Kung kayo ang nakatadhana, bakit one-sided love ang meron kayo?"si Celine

"Will you just shut up Celine? I'll do everything para bumalik sa'kin si Yago at sisiguraduhin ko na sa huli ako ang magiging masaya. Sorry na lang 'yung babaeng 'yun dahil uuwi siyang luhaan."si Lauren

"Alam mo Lauren ikaw ang gumaga ng ikababagsak ng pamilya niyo, naturingan ka pa man din na isang Sandoval tapos hindi ka marunong magdala ng pangalan niyo."si Celine

"Celine ang mga Sandoval ay hindi nagpapatalo, alam 'yan ng daddy ko."si Lauren

"Sa business 'yun Lauren, hindi sa lalaki."si Celine

"What do you want me to do? Hayaan na mapunta sa babaeng 'yun ang lalaking mahal ko? No way."si Lauren

"E ikaw naman ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa iba, iniwan mo siya remember? Lauren baka nakakalimutan mo witness ako 'nung lumuhod siya sa harapan mo para 'wag mo siyang iwan. Nagmakaawa siya sa'yo pero binalewala mo lang siya."si Celina

"That's why I'm here, I'm here to make things right."si Lauren

"Alam mo bahala ka na."si Celine

"Don't worry Celine, sinisigurado ko na magtatagumpay tayong dalawa sa mga plano natin."si Lauren

"Whatever."si Celine

Bandang hapon ay hinihintay ni Yago si Jess sa parking, kasama niya din si Robin na hinihintay si Kara. Biglang lumapit sa kanila si Lauren

"Ano na naman ang kailangan mo?"si Yago

"I need you Yago, kailangan kita."si Lauren

"Talaga? Pagkatapos mo kong iwanan? Lauren pakinggan mo nga 'yang sarili mo, iniwan mo ko na nakaluhod at nagmamakaawa sa'yo na 'wag akong iwan and I'm so stupid na ginawa ko 'yun."si Yago 

"Pinagsisihan mo ba na minahal mo ko?"si Lauren

"Hindi ba halata?"si Robin

"Hindi ko pinagsisishan na iniwan mo ko, dahil sa ginawa mong 'yun mas naging matapang akong tao, mas nakaya kong harapin ang bukas na mag-isa. Pinatunayan mo rin sa'kin na hindi ang tulad mo ang karapat dapat mahalin ng isang tulad ko."si Yago

"But I love you, I love you more than anyone in this world Yago."si Lauren

"And I'm in love with Jess. Hindi na kita mahal Lauren kaya sana tanggapin mo 'yun kagaya nang pagtanggap ko sa pang-iiwan mo sa'kin noon."si Yago

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon