Chapter 19: Back to the Philippines!

126 5 1
                                    

Sa bahay nila Cecilia napansin niya na hindi masyadong nakakain ng dinner si Kara. Pagkatapos nilang kumain ay pinuntahan niya ito sa kwarto nito...

"Anak?"si Cecilia sabay pasok sa loob ng kwarto

"Mom. May kailangan po ba kayo? Or may papabili bukas sabihin niyo na lang po."si Kara

"Masama bang pakiramdam ng anak ko? Anak may problema ka ba? Nandito lang si Mommy, lagi kitang aalalayan."si Cecilia

"Bakit ganon? Kaya kong maging the best daughter, the best girlfriend, the best pamangkin, the best boss, pero bakit hindi ko kaya na maging the best best friend kay Robin? Dahil sa kapabayaan ko nawala yung best friend ko sakin."si Kara

"Ano bang sinasabi mo, anak?"si Cecilia 

"Bakit sa dinamidami ng pwedeng mawalan ng bestfriend ako pa? Ma tell me hindi ba ko karapat dapat maging best friend niya?"si Kara

"Alam ko na, nakalimutan mo yung birthday ni Robin last week. Gusto ko sanang ipaalala sa'yo kaso sabi ni Robin wag daw. Hayaan daw kita na maalala mo yung birthday niya."si Cecilia

"Eto ba yung kapalit sa pagiging masaya ko kasama si David?"si Kara

"Bakit kasi hindi mo muna bigyan ng space si Robin? Baka yun talaga ang kailangan niya, and when he's ready to talk to you then that's the time that you'll make a move."si Cecilia

"Hindi ko alam kung tama pa bang pinili kong maging masaya kay David eh. Siguro kung nakontento muna ako kay Robin as his best friend baka sakaling may magandang samahan pa rin kami ngayon."si Kara

"Minsan talaga may mga taong dumadating sa buhay natin hindi para mag stay kung hindi para mag-iwan ng aral sa mga buhay natin. I know deep inside your heart Robin is still there because he is your best friend."si Cecilia

"Hinding hindi naman mawawala yung pagmamahal ko sa kanya eh. Kahit maging mag-asawa pa kami ni David someday nandito pa rin siya."si Kara

"Pero hindi yun ang ipinaramdam mo anak, ipinaramdam mo kay Robin na kaya mo siyang palitan. At yun ang pinaka-masakit na nagawa mo kay Robin anak."si Cecilia

"Ma hindi ko alam yung gagawin ko."si Kara

"Just like what I said earlier, give him space and time. Kung handa na siyang kausapin ka then dun mo siya kausapin. Tandaan mo anak, mahirap kausapin ang taong ayaw makipagusap."si Cecilia 

Si Robin kasama si Migz at Yago (si Migz katrabaho nila ni Yago)

"Akala ko ba ayaw mong mawala si Kara sa buhay mo, pero bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin?"si Migz

"The last time I checked, okay naman kayo ni Kara. Wala naman kayong pinag-aawayan or pinagtatalunan. So now tell me kung anong drama ang meron kayo ngayon? Dahil ako iniwan ko yung mag-ina ko dahil sa kakaiyak mo sa phone."si Yago 

"Ikaw naman puro ka mag-ina eh. Pare naman 3 years old na si Cleo kaya nang alagaan na ni Lauren yun."si Migz

"Mga pare may aaminin ako sa inyo. Mahal ko si Kara."si Robin

"Alam namin na mahal mo si Kara dahil kaibigan mo siya natural na mahal mo yugn tao."si Yago

"I love her more than just a friend."si Robin

"Ayy pare problema nga yan. Ikakasal na si Kara tapos all of a sudden in love ka na sakanya. Pare oras na malaman yan ni David, hindi ko na alam ang pwede niyang gawin sa'yo."si Migz

"Sandali! Eh bago niya galawin 'tong kaibigan ko dadaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko. Hindi ko naman haahayaan na masaktan ni David 'tong si Robin eh sanggang dikit na kami nitong si Robin eh."si Yago

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon