Si Yago ang nagdi-drive at si Robin naman ang nakaupo sa passenger seat, tulog si Kara at Jess kaya naman si Robin tinanong si Yago tungkol sa plano nila sa Tagaytay.
"Bro di ba sabi mo sa Mommy mo the day after tomorrow ang alis mo?"si Robin
"I lied. 4 days from now pa ang alis ko, gusto ko kasi na isulit pa yung natitirang araw ko dito sa Philippines. Ayoko naman na umalis na may samaan kami ng loob ni Jess. At isa pa gusto kong bumawi saknya before it's too late."si Yago
"Sa tingin mo ba maiaalis mo kay Jess ang lahat ng issues niyo sa isa't isa for just 3 days?"si Robin
"Lahat gagawin ko magkaayos lang kaming dalawa. Kahit magpanggap lang kaming okay for the next 3 days okay na ako dun."si Yago
"Desidido ka na ba talaga na umalis ng bansa? Talagang iiwan mo na sakin ang pagiging CEO ng company niyo? Bro hindi biro ang tumira sa London."si Robin
"If that is the only way para makalimutan ko na ng tuluyan si Jess, then why not? Hindi ko ipipilit sa kanya ang sarili ko."si Yago
"So talagang after this ilelet go mo na si Jess?"si Robin
"Masyado ng marami akong nagawa sakanya na masasakit at ayoko ng dagdagan pa yun. Kaya sana maging masaya na siya pag-alis ko."si Yago
"Wala naman kaming magagawa kung yan ang desisyon mo bro eh. Just make sure na hindi mo yan pagsisihan balang araw."si Robin
"I know that it's hard to move on, pero baka sakaling pag umalis ako eh makalimutan ko na siya ng tuluyan."si Yago
"Sana lang bro wag mo kaming makalimutan, at sana balang araw balikan mo kaming lahat."si Robin
"Hindi ako nangangako pero oras na saktan ni Matthew si Jess, I'll go back for her!"si Yago
Nag stop over sa isang gasoline station sila Robin para mag CR. Pabalik na sasakyan si Jess ng bigla niyang mapansin na hindi niya suot ang kwintas na bigay sakanya ni Lola Amor..
"Oh Jess, tara na. Mahaba pa byahe natin ba't ba di ka mapakali jan?"si Kara
"Yung kwintas ko kasi na bigay ni Lola Amor nakalimutan ko eh. Mahalaga sakin yun at mula nung mamatay si Lola hindi ko na yon kinakalimutan lagi."si Jess
"Nasa bahay niyo lang yon, alam mo hindi naman yun mawawala dun you should stop worrying okay? Nandito tayo ngayon papuntang Tagaytay para mag-enjoy. And hopefully para na din sa huling bonding natin kay Yago."si Kara
"Kara yun na lang kasi yung natitirang alaala na naiwan sakin ni Lola Amor eh. Kaya sana nasa bahay lang talaga yun."si Jess
"Jess? Kara? May problema ba?"si Yago
"Wala. Una na ako sasakyan."si Jess at nauna na sasakyan
"Problema nun? Mukhang badtrip si Jess ano ba nangyari? Kara please tell me, promise hindi ko sasabihin na sinabi mo sakin."si Yago
"Nag-aalala kasi si Jess dun sa kwintas na binigay sakanya ng Lola Amor niya, yun na lang kasi ang tanging alaala na naiwan ni Lola Amor sakanya. Tapos hindi siya sure kung saan niya naiwan."si Kara
"Hindi ko pa nakikita yung kwintas na yon. Ano ba itsura nun?"si Yago
"Actually once ko lang nakita yun eh heart siya tapos may nakaengrave na parang japanese na word dun sa heart. Hindi ko naman maintindihan."si Kara
"Kara, Yago tara na mahaba pa byahe natin uy!"si Robin
Tumuloy na nga sila papuntang Tagaytay. Nag decide sila na sa town house na lang nila Yago tumuloy, may swimming pool don at makakapag enjoy sila ng sobra.
BINABASA MO ANG
Born For You
FanficAfter 2 years of mending your broken heart, are you ready to fall in love again? Are you ready to sacrifice everything for the one you love? Kung saan saan ka pa naghahanap, ang hindi mo alam nanjan na pala siya sa harap mo? Lumingon ka pa sa iba.