Christmas Eve at naghahanda ng lulutuin si Jess at ang kanyang tita Andrea nang biglang dumating si Kara at si Cecilia. Si Kara naman ay tinulungan agad maghiwa si Jess para sa mga lulutuin nila.
"Jess."si Kara
"O kung iiyakan mo na naman ako dahil sa nangyari sa inyo ni Robin 'wag mo nang ituloy. Paskong pasko Kara nagiging miserable ka."si Jess
"Hindi ko nga din maintindihan e, ako 'yung may gusto nito pero para hinahanap-hanap ko siya, nami-miss ko siya."si Kara
"Talagang mami-miss mo si Robin e lagi kaya kayong magkasama, lalo na kapag ganitong holidays. Ang kilala kong Kara masayahin, at alam ko na tuwing bisperas ng pasko e hilig mong magsasayaw. Nasaan na'yun? First Christmas ko ulit dito sa Pilipinas tapos ganyan ka."si Jess
"Ayoko na ngang ipahalata kay mommy e, alam kong mag-aalala siya."si Kara
"Ako din hindi ko na sinabi kay tita Andrea 'yung tungkol sa sampalan namin ni Lauren sa mall, baka lalong magwala 'yun at mag-alala."si Jess
"Teka sandali, hindi ka ba magpapasko sa bahay nila tita Mia?"si Kara
"Actually hindi pa rin ako sanay na tinatawag siyang mommy. On the way na sila ni Audrey dito, dito rin nila sasalubungin ang pasko."si Jess
"Mukhang nagkakasundo na rin naman kayo ng mommy e, pati na rin si Audrey mukhang mabait."si Kara
"Wala na rin naman akong magagawa e, minsan talaga kailangan nating magpatawad na lang, tsaka pasko naman e."si Jess
"Sandali, ikaw ba walang balak na batiin si Yago?"si Kara
"Para saan? Hindi na kami tulad ng dati, we're strangers now."si Jess
"Halata naman kasi sa mga kilos at galaw niyo na may something pa rin kayo para sa isa't isa, bakit kasi hindi niyo 'yun iparamdam sa isa't isa?"si Kara
"Gusto mo bang magka-world war 3 dito? Pa'no si Lauren? Tsaka ano bang sinasabi mo e wala na akong gusto kay Yago."si Jess
"Sabi mo e."si Kara
"Alam mo ikaw magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala. Ikaw? Hindi mo babatiin si Robin?"si Jess
"Alam mo na ang sagot ko diyan."si Kara
Bigla namang pumasok si Cecilia
"Jess, Kara, nandon na sila Mia at Auddrey, pumunta na kayo dun."si Cecilia
"Tara Kara."si Jess
Pagdatin nila sa sala ay nakita niya si Mia na may dalang regalo at mga pagkain
"Merry Christmas anak."si Mia
"Merry Christmas din po. Nag-abala pa po kayo ng pagkain e nagluluto po kami, sana hindi na po kayo nag-abala."si Jess
"Konti lang naman 'yan e, tsaka masarap magluto si mommy."si Audrey
"Oo nga naman, unang pasko nating magkakasama kaya dapat may contribution ako. Merry Christmas anak ha, sana magusthan mo 'tong regalo ko sa'yo."si Mia
"Salamat po. Eto po pala 'yung regalo ko sa inyo ni Audrey."si Jess
"Thank you ate."si Audrey
"Salamat anak. Kara, Cecilia at Andrea eto naman ang mga regalo ko sa inyo."si Mia
"Audrey come here, tulungan mo kaming magluto. Mia, Jess, maiwan na muna namin kayo ditong mag-ina ha."si Andrea
"Sige po."si Jess
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionAfter 2 years of mending your broken heart, are you ready to fall in love again? Are you ready to sacrifice everything for the one you love? Kung saan saan ka pa naghahanap, ang hindi mo alam nanjan na pala siya sa harap mo? Lumingon ka pa sa iba.
