Kinabukasan sa bahay ng mga Torres, naabutan ni Yago si Carmina na naghahain ng mga pagkain sa lamesa, habang si Jillian naman ay kumakain na ng pancakes
"O Jillian ubusan mo 'yan ha. Ang sabi sa'kin ni manang 'yan daw ang favorite mong breakfast, kaya naman hindi ako nagdalawang isip na lutuin sa'yo ang own recipe ko ng pancake, sana nagustuhan mo."si Carmina
"Opo sobrang sarap nga po e, lalo na po siguro kung lalagyan natin 'to ng chocolate syrup at whipped cream, 'yun po kasi madalas naming nilalagay ni kuya e."si Jillian
"Ah ganon ba? O sige next time lalagyan natin ng chocolate syrup at whipped cream."si Carmina
"Sige po!"si Jillian
"E ang kuya mo pala? Anong favorite niyang breakfast?"si Carmina
"Bacon at tustadong itlog po na may kasamang fried rice, 'yun po lagi niyang pinapahanda kay manang e."si Jillian
"'Yun pa din pala. Alam mo Jillian super favorite kasi ng kuya mo ang bacon kahit 'nung bata pa siya."si Carmina
Nakita naman ni Carmina si Yago na nakatayo sa may hagdanan at naglalakad ito papalapit sa kanila.
"O Yago nandiyan ka na pala, halika kumain ka na."si Carmina
"Oo nga kuya, ang daming nilutong masasarap ni mommy."si Jillian
"Anak this is me na bumabawi sa inyo ng daddy mo, sa pang-iiwan ko sa inyo. Sana hayaan mo kong makabawi sa inyo."si Carmina
"Kahit naman bumawi ka pa, hindi na natin maibabalik pa ang mga nasayang na taon, mga nasayang na panahon, kaya siguro hindi na rin kailangan para sa mga ganitong bagay."si Yago
"Hayaan mo na akong bumawi sa inyo Yago, ilang taon akong nawala sa tabi mo, at ng daddy mo, gusto kong makabawi."si Carmina
"Hindi namaibabalik pa ang dati, kaya kahit anong gawin natin na pagbawi sa nakaraan e hindi na mangyayari. Hindi mo na maibabalik ang mga panahon na ikaw mismo ang sumayang."si Yago
"Kuya.."si Jillian
"Where's dad?"si Yago
"Umalis ng maaga ang daddy niyo, pero kanina habang kumakain siya binilin niya kayo sa'kin na ipaghanda ko rin kayo ng masarap na tanghalian."si Carmina
"Mas mabuti pa ho siguro na kay daddy ka na lang bumawi. Siguro para sa kanya tatanggap pa siya ng mga pagbawi na mula sa inyo, pero sa'kin? Hindi na."si Yago
"Saan ka pupunta? Hindi ka man lang ba kakain?"si Carmina
"Okay kuya, kung hindi mo kayang tanggapin si mommy ngayon e di 'wag pero respetuhin mo pa rin siya. Nagluto siya kaya kumain ka."si Jillian
Bigla namang lumapit si manang na may hawak ng telepono
"Ano 'yun manang?"si Carmina
"Telepono para kay Yago."si Manang
"Sino daw po?"si Yago
"Yago si Lauren."si Manang
"Please tell her that I don't know her and to please leave me alone."si Yago
"Ako na lang kakausap sa kanya manang."si Carmina
"Ma, you don't even know her. Hindi mo rin alam kung gaano kalaking pasakit ang binigay sa'kin ng babaeng 'yan."si Yago
"Ako na ang bahala. Just eat."si Carmina
Sinagot ni Carmina ang telepono
"Hello?"si Carmina
![](https://img.wattpad.com/cover/43291956-288-k259849.jpg)
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionAfter 2 years of mending your broken heart, are you ready to fall in love again? Are you ready to sacrifice everything for the one you love? Kung saan saan ka pa naghahanap, ang hindi mo alam nanjan na pala siya sa harap mo? Lumingon ka pa sa iba.