After 2 years of mending your broken heart, are you ready to fall in love again? Are you ready to sacrifice everything for the one you love?
Kung saan saan ka pa naghahanap, ang hindi mo alam nanjan na pala siya sa harap mo? Lumingon ka pa sa iba.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naglalakad na si Jess at Kara papuntang canteen kung saan sila magkikita-kita nila Yago at Robin, napansin ni Kara na tahimik ang kanyang pinsang si Jess.
"Uy insan. 'Wag ka ng kabahan, for sure e magugustuhan mo dito sa Ridgeview."si Kara
"Ano ka ba? Hindi naman ako kinakabahan, natatakot lang ako na baka hindi ako magustuhan ng mga tao dito."si Jess
"'Wag ka ngang nega, alam mo mababait naman ang mga tao dito, magugustuhan ka nila tsaka hindi naman uso ang bully dito."si Kara
"Sana nga, pero ikaw Kara ah 'wag mo kong iiwanan, alam mo naman na kahit mukha akong matapang e takot lang din ako lalo na kapag hindi ako pamilyar sa lugar."si Jess
"Oo naman, ano ka ba? Nagpromise pa nga ako sa'yo kagabi na hindi kita iiwanan at pababayaan, tutuparin ko 'yun."si Kara
"Sa totoo lang Kara, ikaw talaga ang tunay tsaka totoo kong kaibigan, kasi 'yung iba kong kaibigan sa LA kaya sila sumasama sa'kin dahil natutulungan ko sila sa mga assignments nila."si Jess
"Ikaw ba naman ang maging valedictorian at pinaka-matalino e talagang gagamitin ka ng mga tao dun."si Kara
"Talaga bang si Robin at Yago lang ang barkada mo habang wala ako? One of the boys ka ganon?"si Jess
"Hindi naman sa one of the boys pero sa kanila na rin kasi ako naging komportable e, pero may mga kaibigan din naman akong babae pero hindi kasing close nila Yago at Robin."si Kara
Mayamaya pa ay narating din nila ang canteen at nakita na nila ang dalawa
"Uy kanina pa ba kayo? Natagalan kasi kaming magising pareho e, alam niyo na excited."si Kara
"Maaga pa naman kaya okay lang. Ano Jess? Ready ka na bang simulan ang school year mo dito sa Ridgeview Academy?"si Robin
"For sure Jess magugustuhan mo dito sa Ridgeview, mababait at matitino naman mga students dito."si Yago
"Mukha naman pero syempre may konting takot lang talaga ako, but I'm excited na magsimula na 'yung journey ko dito."si Jess
"Basta nandidito lang kaming tatlo, hindi namin iiwanan at tutulungan ka pa namin lagi. Hoy kayong dalawa nakita niyo na ba sections natin?"si Kara
"Oo kanina pa namin nakita, at good news magkakaklase tayo, section 4B tayong apat."si Robin
"Mababait naman ang mga kaklase natin, except for one."si Yago
"Don't tell me kaklase natin si Andrea?"si Kara
"Si tita Andrea?"si Jess
"Ay hindi 'yun. Kapangalan lang ni tita Andrea natin."si Kara
"Yes kaklase natin ang babaeng 'yun, wala akong magagawa dahil nagpalipat daw talaga 'yun sa section natin para lang sa'kin."si Yago