Sa Los Angeles kung saan nakatira sila Jess kasama ang kanyang tita Andrea at lola Amor, kasalukuyan silang kumakain ng breakfast.
"Jess handa na ba ang mga gamit mo para sa pag-uwi mo ng Manila sa Saturday?"si Andrea
"Opo tita, naayos ko na po lahat ng mga gamit ko. Sigurado po ba kayong ayaw niyong sabay-sabay na lang tayo umuwi ng Manila? Kailangan ba talagang mauna na ko dun?"si Jess
"Apo napag-usapan na natin 'to, hindi ba? Kailangan mong mauna doon dahil malapit nang magsimula ang pasukan doon."si lola Amor
"E bakit kasi kailangang dun pa ako magtapos ng high school ko? Pwede naman dito, diba?"si Jess
"Dahil 'yun ang gusto ko para sa'yo. Ako na ang kinalakihan mong magulang kaya Jess sumunod ka na lang."si Andrea
"Alam ko naman 'yun tita Andrea, pero bakit hindi na lang tayo magstay dito sa LA? Bakit kailangan pa nating umuwi? Nandidito na tayo e."si Jess
"Apo, ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan."si lola Amor
"Sa ayaw at sa gusto mo uuwi ka ng Pilipinas sa Sabado."si Andrea
"Okay sige uuwi ako, wala naman ako magagawa e. Sandali? Sinong susundo sa'kin dun?"si Jess
"Susunduin ka ng tita Cecilia mo at ni Kara. Baka isama na rin nila si Robin, isa sa mga kababata niyo ng pinsan mong si Kara. Naalala mo?"si Andrea
"Opo, actually namimiss ko na rin si Kara, kaya sige para na rin makasama ko ulit siya papayag na akong umuwi."si Jess
"That's good."si Andrea
"Kailan po kayo susunod sa'kin dun?"si Jess
"HIndi ko pa alam Jess, pero as soon as maayos 'yung papers namin dito, uuwi kami agad."si Andrea
"'Wag ka mag-alala Jess, mahihiwalay ka lang sa akin ng sandaling panahon, at pagkatapos kapag naayos na ang lahat magkakasama na ulit tayo."si lola Amor
"Oo nga pala dun ka muna sa tita Cecilia mo titira habang nandidito kami, mabuti nang sila ang kasama mo sa bahay kesa mga katulong doon sa bahay natin."si Andrea
"Bakit hindi na lang po dun sa bahay natin?"si Jess
"Wala kang kasama dun kung hindi puro katulong, mabuti na kela Kara at least dun may mag-aalaga sa'yo at may makakasama ka."si Andrea
"Anong pangalan po pala ng new school ko?"si Jess
"Ridgeview Academy. Doon ang alma mater ko, magandang eskwelahan at halos lahat ng nag-aaral don ay mayayaman, sopistikado at galing sa respetadong pamilya, doon ka nababagay. Doon din nag-aaral si Kara."si Andrea
"Tita thank you dahil dun mo ko ine-enroll, pero gusto ko pa rin pong malaman niyo na kahit sa public wala akong problema."si Jess
"Kung ikaw walang problema sa public, kami ng tita Andrea mo meron. Gusto ka naming mabigyan ng magandang kinabukasan, panigurado kami na mas mabibigyan mo pa kami ng karangalan sa eskewelahan na 'yun. E dito pa nga lang sa LA wala na tayong mapagsabitan ng certificates mo."si lola Amor
"Thank you tita Andrea, thank you lola, kahit hindi kayo dapat ang magpaaral sa'kin, ginawa niyo pa rin."si Jess
"Jess sa'kin ka ibinilin ng mommy mo, dapat lang na alagaan kita at dahil mahal din kita kaya ko ginagawa ang lahat ng ito."si Andrea
"'Wag na po nating pag-usapan si mommy, never ko naman siyang nakilala e."si Jess
"O sige na kumain ka na."si Andrea
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionAfter 2 years of mending your broken heart, are you ready to fall in love again? Are you ready to sacrifice everything for the one you love? Kung saan saan ka pa naghahanap, ang hindi mo alam nanjan na pala siya sa harap mo? Lumingon ka pa sa iba.
