Chapter 4: Unrequited Love

123 4 0
                                    

Patuloy sa pag-iyak si Kara hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay nila, naabutan niya ang kanyang ina na nagbabasa ng magazine. Nagtaka si Cecilia nang makita ang anak na umiiyak, agad niya itong nilapitan

"Anak? Bakit ka umiiyak? Kara anong nangyari?"si Cecilia

Imbis na sumagot si Kara ay mahigpit na yakap ang binigay niya sa kanyang ina. Mayamaya pa ay nahimasmasan na ito..

"Ma bakit ganon? Bakit hindi niya ako magawang mahalin?"si Kara

"Kara anak hindi kita maintindihan."si Cecilia

"Saabi mo sa'kin hindi ako mahirap mahalin, but why can't he love me? Bakit hindi ako magawang mahalin ni Robin? May mali ba sa'kin?"si Kara

"Anak walang mali sa'yo, pero anak hindi natin pwedeng pilitin ang isang tao na mahalin tayo pabalik. Tama na anak, tahan na."si Cecilia

"Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin. Ito na 'yung kinakatakutan kong mangyari, nadamay na 'yung friendship naming dalawa, 'yung friendship na matagal naming inalagaan."si Kara

"Ganon talaga anak, kapag nagmahal ka dapat handa kang isugal ang lahat, dapat handa kang manalo o matalo."si Cecilia

"Ma ayoko na, ayoko na siyang makita ulit."si Kara

"Mabuti pa magpahinga ka na sa taas. Gusto mo bang kumain?"si Cecilia

"Hindi na po. Magpapahinga na lang po ako sa kwarto ko."si Kara

"O sige magpahinga ka na, 'wag mo na muna masyadong isipin ang nangyari."si Cecilia

Pag-akyat ni Kara sa taas ay biglang may nagdoorbell sa gate nila, agad lumabas si Cecilia para buksan ang gate, nakita niya si Robin na nakatayo sa labsa.

"Tita pwede ko po bang kausapin si Kara?"si Robin

"No Robin, hindi kita papayagan na makalapit sa anak ko. Pinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko, Robin ang sabi mo sa'kin iingatan mo siya dahil kaibigan mo siya, hindi ba? At ngayon umuwi ang anak ko ng mag-isa at umiiyak. Akala ko ba kaibigan mo si Kara?"si Cecilia

"Hindi ko naman po sinasadya tita Cecilia. Bigla na lang po kasi siyang tumakbo at hindi ko na nahabol."si Robin

"Sobra mong nasaktan ang anak ko."si Cecilia

"Matagal niyo na po bang alam 'yung tungkol sa nararamdaman sa'kin ni Kara?"si Robin

"Matagal na Robin, at matagal na rin tinatago ng anak ko sa'yo ang tunay niyang nararamdaman para sa'yo. Alam mo ba kung bakit siya natatakot aminin sa'yo ang totoo? Dahil alam niya na kapag inamin niya sa'yo ang totoo, alam niyang pwede kang mawala ka sa kanya."si Cecilia

"Tita ayokong mawala sa'kin si Kara, she's important to me because she's my best friend and my childhood friend. Hindi ko naman po alam na ganon na po 'yung nararamdaman niya sa'kin."si Robin

"Robin mas makakabuti kung lalayo ka na muna sa anak ko, masyado pa siyang nasasaktan sa mga nangyari."si Cecilia

"Tita shes my best friend, ayokong mawala siya."si Robin

"Sisihin mo ang sarili mo Robin dahil ikaw ang nagtulak sa kanya palayo, pero sa totoo lang hindi rin kita masisisi dahil hindi mo naman kayang turuan ang puso na magmahal. Kayalang sana dinahan-dahan mo sa kanya ang totoo."si Cecilia

"Can I talk to her? Please tita."si Robin

"Robin umuwi ka na."si Cecilia

"Ma, ako na pong bahala pumasok na po kayo sa loob."si Kara

Napalingon naman si Robin at Cecilia kay Kara na nasa may gate na rin

"Sigurado ka?"si Cecilia

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon