chapter 1

5.9K 73 2
                                    

"Hello, everyone! Do you missed me?"

Palapit si Crisostomo sa dining table. Kitang-kita niya ang pagkabigla ng mga taong nakaupo roon. Ngumiti siya habang umupo sa bakanteng upuan. Nagtawag siya ng katulog para humingi ng pinggan. Binigyan naman siya nito. Nilagyan niya ito ng pagkain na para bang hindi siya naglayas ng eight years.

Nakatitig pa rin si Benjamin sa anak na kumakain. Nakasunod ang kan'yang paningin sa bawat galaw ng kamay nito. Hindi siya makapaniwala sa loob ng walong taon nagbalik ito.

"Ma'am Sherlyn, pababa na po si señorita Shayne," anunsyo ng katulong.

Natigilan si Crisostomo sa pagsubo nang marinig ang sinabi ng katulong. Lumingon siya sa bandang pintuan, egsakto rin ang pagpasok ni Shayne roon. Napalunok siya nang magtagpo ang kanilang mga mata habang papalapit ito sa dining table. Para siyang na-hipnotise sa brown na mga mata nito.

Shayne is a half-pilipino, half-italian. Kaya ganoon na lamang ang akin nitong kagandahan. Ang matangos nitong ilong, ang kulay kape na mga mata, maninipis nitong labi at oval shape nitong mukha. For him, ito ang perpektong kagandahan.

Tumikhim ang padre de pamilya. Napakurap-kurap si Crisostomo na inilayo ang paningin sa dalaga. Bumalik siya sa pagkain na hindi niya na ulit inalayan ng tingin si Shayne.

"Baby, do you remember him? He's your kuya Cris," pagpapakilala ni Sherlyn.

Umupo si Shayne sa upuan na katabi ng inuupuan ni Crisostomo. "I know him mom. Good morning, by the way." Binaling niya ang kan'yang paningin sa stepfather niya. "Good morning, tito."

"Good morning, ija," balik bati ni Benjamin.

Nakikinig lamang si Crisostomo sa mga kasama. Tuloy-tuloy siya sa pagkain. Halos mabilaukan siya nang dumako ang paningin niya sa hita ng katabi. Nakapandikwatro ito kaya bahagyang nahawi ang damit na suot.

Shayne was wearing red night robe. She smirked when she noticed Crisostomo was looking at her thigh.

"What's wrong, ijo?" Sherlyn asked.

"Nothing, tita," sagot ni Crisostomo. Uminom siya ng tubig.

"Kumusta ang buhay sa America, ijo?" tanong ulit Sherlyn. Nagpatuloy ito sa pagkain.

Kumunot ang noo ni Crisostomo. Nabaling ang atensyon niya sa ginang. Napaisip siya kung paano sumagi sa isip nito na nasa America siya.

"You're dad said... nasa America ka. Ang tagal mo namang bumalik. It's already eight years, right?" saad ni Sherlyn habang kumakain.

Bahagyang tumawa si Crisostomo. Napatingin siya sa kawalan. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nagsisinungaling ang ama niya tungkol sa nangyari walong taon na nakalipas.

"Hon, I'm sure his life there was okay." sagot ni Benjamin. "Kumain kana. May pupuntahan ka pa diba..."

"Oh, I almost forgot, I have an appointment to my dermatologist," Sherlyn said. Tinapos na niya ang pagkain at nagmamadaling tumayo. "I have to go, baka ma-late pa ako." paalam nito at umalis na doon.

Hindi na bumalik si Crisostomo sa pagkain. Tumayo siya at tumalikod sa hapagkainan. Aalis na rin sana siya dito nang magsalita ang kaniyang ama.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Benjamin sa anak.

"In my room." tipid niyang sagot. Sumulyap muna siya kay Shayne bago tuluyang umalis.

Kabisadong-kabisado ni Crisostomo ang pasikot-sikot ng mansyon. Hindi rin naman kasi ito nagbago. Umakyat siya sa second floor at pumasok sa ikatatlong k'wartong naruruon. Ang pagkakatanda niya ito ang kwarto niya. Pagpasok niya napangiti siya nang makitang hindi nagbago ang loob. At ang linis nito. Halatang kahit wala siya dito inaalagaan pa rin.

OBSESSED THY INNOCENCE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon