In the morning, niyaya ni Shayne ang kuya niya para mamili ng mga gamit sa paaralan. Naiwan ang mga gamit niya sa bahay ng parents nila at may pasok siya kainahapunan.
Nasa loob sila ng kotse, si Crisostomo ang nagmamaniho papunta sa mall kung saan sila mamimili. Nang makarating sila, binaba muna niya si Shayne sa entrance ng mall saka pinark ang kotse sa parking lot bago sumunod sa loob ng mall. Dumeretso siya sa school supplies quarter kung nasaan si Shayne.
Pumipili si Shayne ng ballpen nang mapansin niya si Crisostomo na pinagkaguluhan ng mga saleslady nadadaan at kahit mga customer. Madilim ang mukha niya habang nasa binata ang kaniyang mga mata. Nakangisi pa ito sa kaniya, proud sa ibinigay na pansin ng mga babae.
Huminto si Crisostomo sa harapan ni Shayne. “Nakapili kana ba?”
Pinagdilatan niya ito. “What do you think?” Tinalikunan niya ang binata at muling pumili ng ballpen. “Proud pa siya na pinagkakaguluhan siya.” pabulong niyang sabi.
“May sinabi ka?” tanong ni Crisostomo na tinulungan na rin niyang pumili ng gamit ang stepsister. Narinig niyang may sinabi pero hindi niya naintindihan kung anong pinagsasabi nito. “Hindi kita naintindihan.”
“Nothing, handsome!” Iniwan ni Shayne ang kuya niya doon at sa mga notebooks naman siya namili. Mas Lalo siyang nairita nang sumunod si Crisostomo sa kaniya. Humarap siya dito. “Huwag kang sunod nang sunod!”
“What‘s wrong?” he frowned. “You acting like a child again.”
Kumuyom ang kamao ni Shayne sa inis. “Doon ka na sa mga saleslady na kinikilig sayo! Total mukhang kinikilig ka rin sa kanila!”
Napatingin si Crisostomo sa paligid. May mga saleslady ngang nakatingin sa kaniya. Kung hindi pa ito sinabi ni Shayne hindi niya ito malalaman na pinagpipyestahan na pala siya ng mga mata nito. Nakangisi siyang ibinalik ang paningin sa stepsister. Halatang-halata kasi sa pananalita nito na nagseselos. Gusto sana niyang lalo itong pagselosin pero hindi na lamang niya itinuloy. Baka lalo lang rin itong magagalit sa kaniya.
“D‘yan kana lang nga!” Iniwan ulit ni Shayne ang kuya niya. Kumuha muna siya ng notebooks at mga papel bago dumeretso sa counter.
Napakamot na lamang si Crisostomo sa ulo. Sinundan niya ang stepsister at pinagpresenta ang sarili na pumila sa counter. Kinuha niya ang hawak nito at pinatayo sa may tabi. Ngumuso na lamang si Shayne sa kaniya, hindi ito makapagsungit dahil maraming tao malapit.
Hindi napigilan ni Shayne lumapit kay Crisostomo nang makita niyang inaakit ng casher ang kuya niya. Nagpa-punch ito habang ngiti sa binata. Humawak siya sa braso ng kuya niya habang isinandal ang ulo sa balikat.
Pekeng ngumiti si Shayne. “Baby, matagal pa ba ‘yan? Gusto ko nang umalis dito.” malambing ninyang sabi. Pero sa isang iglap nag-iba ito nang magtagpo ang mga mata nila ng casher “Ang daming malalandi!”
Inilihis ng casher ang paningin kay Shayne. “985.25, sir.”
Nag-abot si Crisostomo ng pera. “Here,” he said. Ibinigay naman sa kaniya ang receipt at sukli niya walang kahit isang sulyap ang casher sa kaniya. Ang lagkit ba naman ng titig ni Shayne dito.
Inabot ng lalaking packer ang binili nila na nakasilid sa paperbag. Tingin nang tingin ito rin kay Shayne pero hindi niya ito namalayan dahil sa casher siya nakapukos. Tinanggap ito ni Shayne sabay hila niya sa kaniyang kuya palabas ng mall. Binitiwan lang niya ang braso nito nang nasa parking area na sila. Padabog siyang pumasok sa front seat, at marahas na sinirado ang pintuan. Sumabog pa lalo ang galit niya nang makitang nakangisi si Crisostomo na dumestino sa driver's seat.
Crisostomo just ignored Shayne's anger. He started the car's engine and accelerated. A silence followed. He could see in the corner of his eye the angry expression of Shayne.
BINABASA MO ANG
OBSESSED THY INNOCENCE(Completed)
RomanceWarning: matured content |R18 Written in taglish ©️Mischievous12ose 2024 Letting the obsession to his stepsister, Crisostomo Galvez ordered his men to kidnap Shayne Ramirez. Under the influence of ill*gal drugs, he did something that...