Inuwi ni Crisostomo ang mga anak. Nasa gitna siya ng crib ng dalawang kambal kung saan naroroon ang mga ito, natutulog. Hindi niya napigilan ang mga luha na kumawala habang pinagmamasdan ang mga anak. Muntik na itong mawalan ng ina dahil sa kaniya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyari nang masama kay Shayne.
Dumilim ang ekspresyon ni Crisostomo habang dinudukot ang cellphone niya na nasa bulsa ng pantalon. Tinawagan niya ang isang tao at sa isang dial lamang niya... agad itong sumagot.
“Sir cris,” entro ng nasa kabilang linya. “May ipapagawa ka?”
“Itipon ang mga tauhan. Kill Sy’s Family! Wala kayong ititira kahit maliit na ugat sa pamilyang iyon!” matigas na mando niya. Puno ng galit ang puso niya. Hindi siya papayag na hindi managot ang mga Sy sa nangyari kay Shayne.
“Gagawin namin agad, sir cris,” sagot nito. “Balitaan ko nalang kayo pagkatapos.”
Pinatay ni Crisostomo ang tawag at ibinalik ang cellphone sa kinunan. Lumabas siya sa nursery room at dumeretso sa terrace. Tumawag siya ng katulong at nagpadala doon ng tequila. Tinutungga niya ito habang naghihintay ng tawag. Nakatingin siya sa malayo nang maalala niya ang sinabi ni Sherlyn.
Kahit may anak pa kayo hindi pa rin kita matatanggap para sa anak ko...
Sa galit hinampas niya ang bote sa sahig. Hinilamos niya ang kaniyang mga palad sa mukha habang parang wala na sa sarili. Sinuntok niya ang pinakamalapit na pader hanggang sa nagdurugo ang kamao niya. Tumigil siya sa pagsuntok at napaupo sa gilid ng pader. Nahimasmasan siya at daling kinuha ulit ang cellphone. May tinatawagan siya pero hindi ito sumasagot.
Tumayo si Crisostomo habang tinatawagan parin ang kaniyang tauhan. “Answer the fucking phone! No, hindi p‘wede! I want peaceful life for my family, for my sons and my Shayne. Pick the phone up, idiot!”
Hinampas ni Crisostomo ang cellphone na hawak. Buti at hindi ito nabasag. Pasigaw niyang tinatawag ang katulong para dalhan siya dito ng maiinom. May tumalima rin agad sa kaniya. Tinutungga niya ang binigay nito.
NAKATULOG si Crisostomo sa terrace sa kalasingan. Nakahilata lamang siya doon sa sahig. Niyugyog siya sa balikat ng katulog, nagising rin siya agad.
“Sir cris, kanina pa tumutunog ang cellphone mo,” ani ng katulong.
Ginapag ni Crisostomo ang cellphone. Hindi kasi siya makatayo sa kalasingan. Sinagot niya ang tumatawag. Marahas na bumukas ang nakapikit niyang mga mata nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya.
“Sir cris, and‘yan kapa ba?” tanong ng nasa kabilang linya nang hindi nito naririnig na nagsalita ang amo. “Tapos na ang pinapagawa mo, sir. Sigurado akong ubos silang lahat kahit mga apo ni Mr. Sy.”
Walang kahit na anong sinabi si Crisostomo. Binitiwan niya ang cellphone at hinayaan lamang niyang magsalita ang nasa kabilang linya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata habang kinubumbinsi ang sarili na tama ang inutos niya sa mga tauhan. Mapakla siyang ngumiti hanggang sa umiyak. Para na siyang nawawala sa sarili.
“Shayne... I need to see Shayne.” Lupaypay na tumayo si Crisostomo. Pasuray-suray siyang naglakad papasok sa kwarto nila ni Shayne. Dumeretso siya sa bathroom at marahas na nilaglag ang katawan sa bathtub. Buti nalang talaga may tubig ang loob nito.
Hinubad niya ang kaniyang mga suot at itinapon ang mga ito kung saan. Lumubog siya sa tubig. Kailangan niyang mahimas-masahan para madalaw si Shayne. Nang maramdaman niyang nahimas-masahan na siya, tumayo siya mula sa bathtub, lumabas siya sa bathroom at dumeretso sa dressing room. Nagbihis siya ng presentable, tiningnan muna niya ang kambal na inaasikaso ng mga yaya bago dumeretso sa sasakyan. Pinaharurot niya ito papunta sa hospital.
It was five in the evening when he was arrived at the hospital. Nasa lobby palang nagkasalubong sila ni Sherlyn. Napatigil siya sa paglakad habang nasa harapan niya ang ina ng babaeng mahal niya.
“Saan ka pupunta?” matigas na tanong nito.
“Tita, gusto ko lang sana dalawin si Shayne,” nakayukong sagot niya.
“Umalis kana, Crisostomo,” mando ng ginang. “You making her life unsafe. Kung mahal mo talaga siya, umalis kana. Hayaan mo siya sa akin, ligtas siya sa tabi ko.” Nanlaki ang mga mata ni Sherlyn nang lumuhod si Crisostomo sa harapan niya. Hindi niya ito inasahan. “Stop making scene! Tumayo ka, stupido!”
“Tita please...” Crisostomo cried. “Kailangan ako ng asawa ko, kailangan ko siya at kailangan rin siya ng mga anak ko. I love her so much, more than everything in this world. For once, give me a chance to prove it to you.” Hinawakan niya ang kamay ni Sherlyn.
Winaksi ni Sherlyn ang kamay ni Crisostomo. Pinukulan niya ito ng masamang tingin. “No! Binigyan na kita ng pagkakataon. Do you think, hindi ko alam na nasa Italy kayo? I know. Pero hindi ko kayo ginulo para bigyan ka ng pagkakataon na i-prove mo sa akin na kaya mong paligayahin at ligtas ang anak ko sa piling mo. Pero kabaliktaran ang pinatunayan mo sa akin!” Tinalikuran niya ang lumuluhod at iniwan doon.
Nakayuko si Crisostomo. Nakaluhod pa rin siya nang makita niya ang mga paa na tumigil sa paglakad sa harapan niya. Tinulungan siya nitong makatayo saka lang niya nalaman na si Benjamin ito. Bahagya agad siyang lumayo dito.
“Son.”
Mapaklang ngumiti si Crisostomo. “Son? Ako ba ang tinatawag mo na son?”
“Alam ko kung gaano mo siya kamahal. Don't worry, kakausapin ko ang tita mo.” sabi nito saka tumalikod at umalis sa harapan ng anak. Pero bago siya nakalayo nagsalita ang kausap.
“Dad, I need you.”
Humarap ulit si Benjamin sa anak. Humakbang siya palapit dito at niyakap ito. “I won't let you suffer the way you suffered sa loob ng eight years. This time, palagi akong nandito sa tabi mo.”
Hindi napigilan ni Crisostomo ang sarili. Napahagulhol siya habang yumaka0 na rin siya sa ama. Ilang taon na hindi niya nahawakan ng ganito ang ama.
“Paglabas ni Shayne dito sa hospital gusto ko makilala ang mga apo ko,” ani Benjamin. “Panigurado akong sa akin nagmana ang mga iyon.”
Tumawa si Crisostomo. “Tingnan natin.” Sinabayan na rin siyang tumawa ng ama. Naging seryoso sila at bumitiw sa pagyakap sa isa‘t-isa. “Wait on me here. I'll talk Sherlyn.”
Tumango lamang si Crisostomo at hinayaan ang ama na umalis. Nakasunod ang paningin niya dito hanggang sa hindi na niya ito abot ng kaniyang paningin. Umupo siya sa wooden chair at doon niya hinintay ang ama.
Halos isang oras niyang hinintay ang ama na bumalik. Napatayo na lamang siya mula sa pagkaupo nang makita niya itong palapit sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya, nahulaan niya agad ang ibig sabihin ng ngiting ito.
“Pumasok ka,” sabi ni Benjamin. “Sumunod ka sa akin.”
Nasa likuran si Crisostomo ng kaniyang ama habang patungo sila sa k‘warto kung nasaan ni Shayne. Pagpasok nila doon, tulog ang pasyente. Naabutan rin niya sa loob si Sherlyn nakaupo sa gilid katabi ng kung nasaan nakahiga si Shayne. Halatang galit parin ito sa kaniya.
“Kung hindi dahil sa ama mo, hindi ka makakapasok dito,” sabi nito. “You are not deserving to see my daughter.”
“Honey...” saway ni Benjamin sa asawa. Natahimik rin ito.
Binalewala ni Crisostimo ang ginang lumapit siya kay Shayne at hinawakan niya ang kamay nito. “Baby, gumising kana, miss ko na mga ngiti mo. Miss kana ng mga anak natin.” pabulong niyang sabi nito.
Gumalaw ang daliri ni Shayne. Napangiti siya sa saya. Hinintay niyang magmulat ito ng mga mata pero hindi ito nangyari. Marahil naririnig siya nito.
“I saw it. Gumalaw ang fingers niya.” masayang anunsyo ni Sherlyn. Napatayo na ito sa kinaupuan. “Baby, gumising kana. Namiss na ni mommy... subra.” Nagkatagpo ang mga nila ni Crisostomo. Tumikhim siya. “At ng mag-ama mo.” dagdag na sabi nito.
Sa loob ni Crisostomo, walang masisidlan ang kaligayahan niya dahil sa huling mga sinabi ng madrasta niya. Sumibol ang pag-asa sa puso niya na p‘wede pa ring matanggap siya nito bilang maging asawa ni Shayne.
BINABASA MO ANG
OBSESSED THY INNOCENCE(Completed)
RomansaWarning: matured content |R18 Written in taglish ©️Mischievous12ose 2024 Letting the obsession to his stepsister, Crisostomo Galvez ordered his men to kidnap Shayne Ramirez. Under the influence of ill*gal drugs, he did something that...