Good day everyone. Ako nga pala si Rain Denver Park at ito ang kwento ng aking buhay. Nga pala, today is the most important day of my life. Actually, I did not expect this plot twist to happen but nevertheless, I am very happy and contented. When I say unexpected, I literally mean it. Never in my entire life I imagined being tied to the most annoying person I'd ever met. Hindi ako tinigilan eh kaya eto, I'm getting married.
"Nak..tama na yan. Masyado ka nang gwapo."
"Mama.! Buti ho at nakarating kayo!" What the...it's my mom. I never thought that she could make it after what happened.
"Of course Rain. Importanteng araw ito sa buhay ng anak ko. Siyempre hindi ko palalampasin ito."
"Salamat Mama. Si Papa po ba galit pa rin sa'kin?"
"Hindi na yun galit anak. Hindi lang niya matanggap ang desisyon mo nung una pero mahal na mahal ka nun at siguradong hindi ka niya matitiis." Pag-aalo ni mama sa lungkot na nararamdaman ko. I just nod and smile at her showing that I understand. Tutol kasi si Papa nung huli kaming mag-usap. That was six months before this event at nag-away pa kami before we part ways.
It was the time when I introduced my partner. Hindi ito matanggap ni dad and I see how disappointed he was. How would I not when its painted all over his face but I understand him though. He never thought naman kasi that his one and only son will be getting married.
Maaaring nagtataka kayo as to why he did not accept my decision that easily. Well, he is not opposing to the wedding itself but with the thought na I will be marrying someone on the same league.
Yup, my partner is a man. A very handsome and caring man. Noon ang sabi ko ay straight ako and I will be marrying the woman na kinabaliwan ko pa nung una but never I have thought na I will be choosing this path of life. What I'm sure to myself is that I don't regret it and will never be. In fact, I am unable to suppress my smile everytime I think of him.
"Asus nagdi-daydream na naman ang anak ko. Oo na gwapo na ang mapapangasawa mo pero nak curious lang ako."
"Huh? Saan ho?"
"Eh...given kasi na nahulog ka sa kakisigan niya pero nak malaki ba yung ano?"
"Mama?!"
"O bakit? Aba'y pareho na kaya tayong magiging may bahay after this tsaka wag kang mag-inarte, alam kong nasa recieving end ka. Ay..ay..sus nagpout pa. Nag-iinarte? So ano na? Malaki ba o maliit?" Diyos ko ang mama parang tanga.
"Mama naman e! Sa amin na po yun."
"Asus nahiya pa. Sige kung ayaw mong i-share edi yung asawa mo na lang yung tatanungin ko."
"Mama?!! Tss...Oo na. Yes he is big."
"Kyaahh...So masakit?"
"Mama?!! Tulungan mo na lang kaya ako. I will be late kung mag-uusap pa tayo rito."
"Ay Oo nga. Sige halika, isuot na natin itong tie mo."
Hay buti na lang. Ang kalat ng mama ko diyos ko po. Kung nandito lang ang loko-lokong partner ko ay paniguradong tandem ang dalawang ito sa panunukso sa'kin.
Tok..tok..tokk...
Tunog nung pinto. Someone is knocking on it.
"Hello Doctor Park. This is Jennie. Ready na po ba kayo?" Oh that was our wedding coordinator.
"Yes Jen."
"Great. I'll be ushering you na po sa may dalampasigan. Nanduon na po kasi ang lahat ng bisita pati ang judge na kakasal sa inyo. Kanina pa nga po aligaga si Mister Mortel doon dahil baka daw inindyan mo siya. Para pong na iiyak e at balak nang sumugod dito. Buti na lang andoon si Chef Mentos at ang pamilya nito pati na rin yung iba pa niyang kapatid kaya ayon napigilan namin." Anito bago tumawa.
Naiiling ko namang tinungo yung pintuan habang nakasunod si Mama sa'kin.
"He's really in love with you. Isn't he?" Sabi ni Mama. Napangiti naman ako dahil doon
"He is Ma that's why napa-oo niya ako."
"I'm so happy for you son."
"Thanks ma." Sabi ko naman sabay yakap rito. "Tama na ngang drama to. Baka mamaya niyan e hatakin na lang ako bigla dito ng asawa ko."
Biro ko pa but then suddenly, someone really grabs me from behind sabay hatak sa'kin palabas ng hotel.
"Maxx Tristan?!!! Hoy anong ginagawa mo?" Aniko habang halos mandarapa na dahil ang bilis ng hakbang niya. Mahahaba pa naman ang biyas nito.
"Hindi na kasi ako ako mapakali Bunny. Mabuti na yung sigurado. Baka mamaya umatras ka pa e."
" Ano ka ba naman Wolfie. Umuo na kaya ako. Ikakasal na nga tayo o..t-teka ibaba mo ako. Nakakahiya sa lobby. Wolfie ano ba?" Pano ba naman, binuhat ako ng princess carry. Imagine, dalawang nagbubultuhang tao tapos ganito, haha ewan.
"Nope, I'll do this hanggang dun sa may beach para wala ka ng kawala. I love you Bunny."
"Haha gag*. I love you rin naman Wolfie. O siya, tara na ng makarami tayo mamaya." I playfully said sabay turo doon sa may seashore kung saan gaganapin ang aming sunset beach wedding.
And as expected, he rushed towards the place with a lustful grin plastered on his face while we're both laughing to our mess.
Tss...mukhang isang linggo na naman akong hindi makakatayo nito.
"Sige Nak!!! Susunod na lang kami...Enjoy!"
Saglit kaming napatigil dahil sa sigaw ni mama saka nagkatinginan bago tumawa uli. Diba baliw lang?
-------------
BINABASA MO ANG
Mortel Siblings - Maxx ( On Going )
FanfictionAng ikalawang yugto ng Mortel Siblings The Series. "Bakla na tayo kung bakla pero mahal kita Rain!! Gets mo ba? Mahal na Mahal kita Bunny. " -Maxx Tristan Mortel ------------------------------- Rain Denver Park. Solong anak at tagapagmana ng isang m...