Part 5: Rain

2 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming on-shift ni Chun and medyo madalang ang customer kaya kanina pa kami nababagot.

"Rain kamusta ka naman? I mean about dun sa pinag-usapan natin nung isang linggo." Chun started a conversation as he preps the coffee vendo.

"I'm fine now Chun. Don't worry. Pasasaan ba't makakamove-on rin ako." Sagot ko naman sa kanya as I smile. "By the way salamat ulit. Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos kitang makausap."

"Wala yun. Anek pa ang silbi ko bilang friend mo di ba. Basta kung may problema ka o kaya gusto lang ng makakausap, ditey lang aketch. Okay?"

"Hahaha.. Naaliw talaga ako diyan sa wikang gamit mo. What dialect is that?"

"Duh! Its the gay language." Anito na mas lalo kong ikinatawa.

Maya-maya pa ay nahawa na rin si Chun kaya pareho na kaming tumatawa. Nasa ganoon kaming wisyo ng bigla na lamang kaming may narinig na nagbabangayan sa labas ng café.

"Teka, mukhang kilala ko ang boses na yun a. Teka lang Rain ha.." Aniya bago lumabas ng counter para tingnan kung ano ang nangyayari.

Maya't maya lang ay may pumasok na nanggagalaiti pa sa galit. The guy is Andes Mortel. Ang isa sa bunsong kambal. Wait bakit nandito to?

"Wala kuya. I just had some talk with an animal. Sige pasok na'ko."

May kung sino itong sinasagot sa labas.

"Aba!! Sumusobra ka na! I hate you!" Teka parang pamilyar sa'kin ang boses na'to.

"The feeling is mutual." Sagot naman ng bunsong Mortel bago nito isinara ang pinto ng shop. Nagulat pa ito ng mabungaran ako sa counter.

"Wait, you're Uncle Park's son right? You're working here?" Tanong nito na may halong pagkalito.

"Good afternoon Sir. Yes I work here. Part-time job." Sagot ko naman dito na ikinatango nito ng kunti.

Ilang saglit pa ay pumasok na sila ni Chun kasama ang isa pang Mortel na kinagigiliwan nito.

Ang kaninang tanong ko kung bakit narito ang magkapatid ay nasagot rin nung inanunsiyo ng bunso na mula ngayon ay ang kuya na raw nitong si Mentos ang bagong may-ari ng café. Kaya pala pinatawag kaming lahat ni boss kanina maging ang ilang empleyado ng café na off shift.

After the announcement ay bumalik na kami sa trabaho but ang kaninang panaka-nakang pagdating ng mga customer ay biglang dumami and alam kong dahil iyun sa magkapatid na ngayon ay nasa loob ng office. Kaliwat kanan kami sa paggawa ng order na halos hindi na kami magkandaugaga sa pagkilos. Mabuti na lamang at lumabas si Mentos upang tulungan kami.

Para akong pinalo ng ilang beses dahil sa pagod. Kasalukuyan kong hinihintay si Chun dito sa labas dahil isasabay ko na lamang siya pauwi dahil gabi na. Nasa ruta ko naman ang babaan kung saan siya sumasakay ng jeep.

Ilang sandali nga at lumabas na ito ngunit saglit ring napatigil ng tawagin ito ng boss namin. Saglit silang nag-usap bago nito inabot kay Chun ang isang box ng sweets. Pulang-pula ang mukha ni Chun nung palapit na ito sa'kin.

"Ang daya naman. Ba't ako wala?" Hirit ko nung makalapit na siya sa'kin. Halos himatayin na to sa kilig pustahan.

"Hay ang arte. Andiyan sa bag ko may muffins dyan kung gutom ka. Chosero nito ang dami mong pera kaya. Go order food ka na lang." Aniya na ayaw talagang ipamigay yung gift daw ng crush niya hahaha.

Inabot naman niya ang bag sa'kin na hinalungkat ko naman dahil gutom na talaga ako at totoo ngang may tatlong piraso ito ng isang local brand ng muffins.

"Yun..gutom na ako eh." Ang nasabi ko na lamang bago ko buksan yung isa.

Weekend came and naisipan kung umuwi ng bahay namin upang makasama ko sila ni Mom and Dad since wala namang pasok.

Mortel Siblings - Maxx ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon