RAIN
Magandang araw sa inyong lahat. Anyway, let me introduce myself first. Name is Rain Denver Park and magsisimula ang lahat dahil sa isang pag-ibig. Ang pag-ibig na inalay ko sa isang babae that I thought na I will be spending my forever with. Her name is Grace Sandoval.
Her and I had such a great relationship.
She was my blockmate since grade school and my very first love. Napaka-independent niya kasi and I was so impressed by that. Yun kasi ang tipo ko sa mga babae and bonus na lang yung ganda. Yun nga lang ay hindi kami pareho ng course nung mag-college na.
I courted her and actually nahirapan pa ako dahil hindi ako yung usual na boy-next-door type of guy na sikat at hinahangaan. I am a nobody in school. A typical nerdy boy look na ginusto ko naman but dahil sa pursigido talaga akong manligaw, in the end ay naging mag-on kami. At first we had a harmonous relationship hanggang sa unti-unti kong napapansin ang pagiging maluho nito despite of her financial status.
Naimpluwensyahan marahil ng kanyang mga kaibigan na karamihan ay nasa alta sociodad. I was trying to make her realize na not all the things revolves around money even though I am much capable of providing her wants. Ayoko kasing dumating kami sa punto na pakikisamahan na lamang niya ako because of my money and not because she loves me.
She's not aware rin naman kasi of who I truly am. Ang alam niya ay isa lamang akong simpleng estudyante mula sa middle class family na kailangan pang mamasukan para makaraos which is my cover simula noong maging estudyante ako ng university. Ayoko ng exposure at ipangalandakan ang yaman ng pamilya.
Kilala ang papa sa business world as 'The Modern Day Dionysus', the God of Wine. Walang business man ang hindi nakakakilala sa pangalang Chanyeol Park. Pangalawa ang pamilya namin sa pinakamayamang angkan sa bansa sunod sa mga Mortel. We venture in winery business and sakop namin ang almost 45% ng stocks when it comes to selling booze sa world market including Europe and US.
However the main reason why I hide it myself is ayokong yun na lamang ang dahilan ng paglapit ng tao sa akin. Gusto ko yung totoo at tanggap ako bilang simpleng Rain hindi dahil sa yaman na meron ang apelyidong dinadala ko.
Nung una ay okay pa ang relasyon namin even though may konting away na sa pagitan naming dalawa. There are times nga na gustong-gusto ko nang magtapat kay Grace and pagbigyan ito sa mga luhong gustong makuha but I controlled myself and has stick to my disposition about wealth and stuff.
Isang hapon, I was on my way of fetching Grace from her work which is my habit since naging kami. She's working kasi as a part-time sales lady sa isang mall na pag-aari ng mga Mortel. Malapit lang ito sa university and of course, it pays well enough.
Around five na ng marating ko ang parking space ng mall and its about time na rin bago ang end of shift nito. Naglaro muna ako ng Genshin sa phone dahil may oras pa naman. Sakto lang para makapag-commision quest ako at mag-grind ng domains.
Medyo nawili ako ng kaunti kaya di ko masyadong namalayan ang oras. Biglang nag-pop up ang notification ng DM mula kay Grace na wag ko na lang daw siyang susunduin dahil may project silang gagawin ng mga kaklase niya. As I was about to send her a reply, I notice her coming out from the elevator subalit hindi ito nag-iisa.
May kasama itong isang lalaki na nakasuit at basi sa kung papano kumilos ang girlfriend ko ay hindi nito classmate ang kasama. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki nung una dahil nakatalikod ito sa gawi ko hanggang sa pinagpalit nito ang pwesto nila ni Grace para isandal ito sa isang mamahaling Rolls Royce sabay gawad ng isang halik. Halik na ginagawa lamang sa isang kasintahan o asawa.
Halos magwala ako sa galit dahil sa nasaksihan kong pagtataksil ng sarili kong girlfriend. I took a picture of them passionately kissing each other bago umalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Mortel Siblings - Maxx ( On Going )
FanfictionAng ikalawang yugto ng Mortel Siblings The Series. "Bakla na tayo kung bakla pero mahal kita Rain!! Gets mo ba? Mahal na Mahal kita Bunny. " -Maxx Tristan Mortel ------------------------------- Rain Denver Park. Solong anak at tagapagmana ng isang m...