"Nakauwi ka na pala. Nakakain ka na ba? Sandali't ipaghahain kita."
Tss heto na naman ang pilingera kong madrasta.
Nakakainis.
Bakit ba kasi nag-asawa pa ulit ang daddy.
"Don't bother at wag ka ngang magpaka-feeling close! Nakakairita ka!"
"Pasensiya na. Sige kung sakaling magutom ka nasa ipatawag mo lamang ako o si Betty."
Yuck ang drama. Kinikilabutan ako.
"As if naman kakainin ko ang luto mo! Diyan ka nga."
Maldita na kung maldita pero wala siyang karapatan na palitan ang mommy ko!
Mabilis ko syang tinalikuran tsaka naglakad patungong kwarto. Baka mamaya ay makasakal ko pa siya sa inis. Anyway, vefore kayo mainis sa'kin, magpapakilala muna ako. I'm Grace Sandoval. Maganda tsek, sexy tsek, maalindog tsek na tsek!!! Isa na lang talaga ang kulang sa'kin. Ang maging super duper rich.
Actually we were rich once pero nang dahil sa pagkakasakit ni mommy ng brain tumor ay halos nalimas ang yaman namin sa pagpapagamot niya hanggang sa nagkandabaon-baon na kami sa utang. Our family business went bankrupt dahil hindi na nakafocus si Dad sa pagmamanage nun sa pag-aalala nito sa kalagayan ni mommy. However despite all of our efforts, binawi pa rin ang mommy sa'min december last year. Saktong-sakto at magpapasko pa nun.
Humantong na nga na namalimos na ng tulong pinansyal si daddy sa mga kamag-anakan namin maging sa mga Ortega pero wala kaming napala. Unti-unting binawi ng bangko ang mga ari-arian namin hanggang sa kami ay naghirap. Then six months after, nabalitaan ko na lamang na may kinakasama na pala ang daddy at yun nga ang kasalukuyan kong madrasta na si Lynette na nagsama pa ng anak nito. Hindi pa sila kasado ng daddy dahil nga sa tutol ako subalit hindi ko na ito napigil sa kagustuhan niyang ibahay ang dalawa.
Yun rin ang dahilan kung bakit ako maagang nakipagrelasyon as my way ng pagrerebelde. Good thing that Rain Denver came into the picture. Ayun sa kanya ay matagal niya na akong crush kaya pinatulan ko na. Naenjoy ko naman ang aming laro pero narealize ko na wala itong pakinabang dahil pareho kaming mahirap. Nakakainggit minsan ang mga kaibigan ko pag nagmi-meet up kami outside. Dala-dala kasi nila ang mga mayayaman nilang mga boyfriends. Nakakahiya pag sinama ko yung akin kaya naman wala silang kaalam-alam na meron ako na simpleng barista lamang sa isang café.
Hindi naman nila malalaman dahil sa Saint Carmen naman sila nag-aaral. Isang all girls school na pangalawa sa Clarendon when it comes to academic excellence.
Ayoko na ng buhay na to. Isang mahirap. Dukha.
I promised to myself na makakaraos ako sa hirap ng buhay na to sa ano mang paraan.
Good thing ay nakakita ako ng prospect. Ang eldest son ng kilalang businessman sa bansa. Gwapo't mayaman. Pasok na pasok sa standards ng isang dyosang katulad ko kaya naman wala na akong sinayang pang sandali.
Maxx Mortel is a good catch kay sinimulan ko ang planong akitin ito. Inalam ko ang schedule nito sa school maging ang mga karaniwang pinupuntahan niya until that night happened.
Sinundan ko ito sa bar na palagi nitong pinupuntahan. Halos malimas ang sahod ko dahil sa pangmayaman ang naturang bar pero worth it naman dahil kumagat ito sa pain ko. I found him sa bar counter umiinom. Honestly he's goddamn hot. Napakalakas ng appeal. Patunay roon ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga babae at binabaeng naroon sa loob.
Nakadalawang shot na ito ng Martini nung maabutan ko siya. Super ayos talaga ako para masiguradong mapapansin ang alindog ko ang viola he's reaction states my victory.
"Hi beautiful. Wanna care to join me for a drink?" Anito na nakangisi pa. Typical playboy.
"Sure. It seems na wala ka namang kasama and I came here alone."
He laugh to my response.
"If you're asking if I'm single then I do."
We had a talk over glasses of liquor until we left that bar. Dinala niya ako sa kanyang condo and we filled the rest of the night with cacophony of grunts and moans. The day after was a bliss and sinadya kong iwanan ito ng hindi pa nagigising.
When we met at school, he approached me to talk about that night and I smiled secretly. Tagumpay! Naulol ang loko sa alindog ko and he said he will court me. In span of six weeks ay niligawan niya ako and at the same time ay mag-on pa kami ni Rain until one day ay kinumprunta ako nito na nakita niya kami ni Maxx na naghahalikan sa parking space ng mall kung saan ako nagtatatrabaho. Well, since nagkabukuhan na rin naman ay nakipaghiwalay na lamang ako sa kanya matapos kong ipamukha na wala siyang kwenta.
"Why did you cheat on me? Huh Grace? May kulang ba sa pagmamahal na binigay ko sa'yo? May mali ba sa'kin? ANO?!!"
Hay ang drama.
"Yes. Sadly hindi ako mabubuhay sa pagmamahal na yan. Besides, I love Maxx and may nangyari na sa'min." Walang gana kong sagot rito.
"What? Shit naman Grace. Ano lang pala ako sa'yo? Pampalipas oras? Huh?!"
"Ano ba naman yan Rain ang drama. I've lost my interest simple. Pwede ba? Well, you know what? Let's end this nonsense relationship."
"Haha I get it. Dahil mahirap ako ganun ba? Okay, lets break up. Sana maging masaya ka." Anito na nagpunas pa ng luha. Tsk kalalaking tao iyakin kaya tinalikuran ko na lang.
Matagal kaming hindi nagkita pagkatapos nun at sinagot ko na rin si Maxx. Tama nga ako, sa yaman ba naman ng boyfriend ko, maging ang mga kaibigan ko ay naiinggit sa'kin. I had experienced eating in a fancy restaurant, shopping vigorously in the mall and so much more. Kunting pabebe lang at himas-himas ay sa'kin na ang credit card niya. Pag naging mag-asawa kami ay mas maraming privilege pa ang matatamasa ko at sisiguraduhin kong makukuha ko yun.
Anyway, enough of my life. I am now inside of my room na halos kakaunti na lang ang gamit at ang liit pa. Mabilis akong nagbihis ng pambahay at nagcellphone muna. Oras na para magpist ako ng my day nitong mga mamahaling bag na binili ko kanina. Hashtag feeling thankful.
*Blag!!*
Ay sh*t!
"What do you want?" Its my sh*tty stepbrother again.
"Narinig ko ang sinabi mo kay mama. Alam kong tutol ka sa pagtira namin dito kasama nyo and believe it or not I feel the same way. Lalo na at ikaw ang makakasama namin pero ang bastusin mo ang mama na wala namang ginagawang masama sa'yo ay ibang usapan na Grace Anthonette Sandoval."
"So what? Remember this Andrei Guarin, hindi-hindi ko kayo matatanggap ng nanay mong malandi. Mga sampid."
"You little-" / "Sige! Ituloy mo nang mapalayas kayo nanay mo sa pamamahay na ito!"
Tss balak pa atang suntukin ako?!
"Pasalamat ka at may pagtitimpi pa akong natitira."
"Tsk pathetic. Tsupi!"
"Suplada. Darating rin ang araw na kakarmahin ka at ako mismo ang unang hahalakhak pag nangyari iyun."
"Whatever. Alis sabi!" Inis kong itinulak ito palabas ng kwarto ko saka ito pinaglakan ng pinto.
BINABASA MO ANG
Mortel Siblings - Maxx ( On Going )
FanfictionAng ikalawang yugto ng Mortel Siblings The Series. "Bakla na tayo kung bakla pero mahal kita Rain!! Gets mo ba? Mahal na Mahal kita Bunny. " -Maxx Tristan Mortel ------------------------------- Rain Denver Park. Solong anak at tagapagmana ng isang m...