Chapter 12: Maxx

1 0 0
                                    

"Baby sama ako."

Si Grace na parang atat na atat. Nalaman kasi nito na I will be going to my brother's cafe after school.

"Oh ano namang expression yan?" Aniya nung kunot noo ko siyang nilingon.

"why can't I? Your ex-boyfriend is working there."

"Aw...are you jealous baby?"

Malambing naman nitong balik sa'kin as she touches my arm seductively. Buti na lang at nasa parking lot na kami ng academy.

Am I jealous?

Yes I am.

Iniisip ko pa lang na magkikita na naman silang dalawa ay labag na labag talaga sa loob ko. Kung pwede lang ay ayokong mag krus ang landas nilang dalawa ng bunny na yon.

Tss.

"Wag ka nang magselos. Ikaw na ang gusto ko. Sayong-sayo ako. Isa pa mas gwapo ka, macho, madiskarte, matured. In short perfect for me. Kaya mas pinili kita kaysa sa ex ko." Anito habang hawak-hawak ang mukha ko paharap sa kanya.

Ewan.

Mas lalo atang nangunot ang noo ko dahil sa marinig. Dapat ay proud ako. Points yun sa kagwapuhan ko men but I don't know why hindi ko nagustuhan ang sinabi ng syota ko against that bunny.

Aish...

"Okay. If you insist." Balewalang sabi ko na lamang bago pumasok sa loob ng kotse. Ni hindi ko na nagawang pagbuksan ng pintuan si Grace. Bigla akong nawalan ng mood.

Buong byahe ay daldal ng daldal itong kasama ko. Sinasagot ko na lamang ng yes or uh-huh everytime na isasali niya ako sa conversation hanggang sa maipark ko ang sasakyan sa harap ng cafe.

Pagpasok ko pa lamang ay ang masiglang boses agad ng little kiddo ang bumungad sa'kin. Sigaw nito ang pangalan ko habang tumatakbo papunta sa'kin.

In response ay payukod ko siyang niyakap sabay karga. Agad nawala ang mga iniisip ko kanina nung makita ko ang ngiti ng bata.

"How are you buddy? Namiss mo ba si Uncle?"

"Opo Uncle Maxx. Miss na miss ko kayo ni Papa tsaka po si Uncle Pogi at Uncle Pangit." Magiliw nitong sagot sakin na ang tinutukoy ay sina Kiss at Andes. Kaya nga laging napipikon si Andes lagi kay Mentos dahil sa ito ang nagturo kay Popoy kung ano ang itatawag kay Andes.

Di ko tuloy maiwasan ang mapatawa dahil sa itinuran nung bata. In fact, ginupo ko yung buhok nito which is my mannerism everytime natutuwa ako sa isang tao.

We were busy catching up when suddenly a new customer comes in. She looks like a high schooler with her outfit. May pagkanerdy type rin ito but she looks cute in it though.

Salita pa ng salita pa si Popoy pero wala na roon ang atensyon ko kundi nasa dalawang tao na nag-uusap pa ngayon sa may counter.

"It's okay. You are also cute yourself."

Its bunny who's complementing the customer at kitang-kita naman na kinikilig ito sa mga banat niya.

Pssh...mas gwapo naman ako.

"Oo naman kuya. Mula ngayon ay magiging suki na ako rito."

Sagot nung customer matapos magpasalamat ni bunny sa kanya. Pssh mukha syang pedophile. Ang bata-bata ng chicks. Literal na sisiw.

"Hay naku hindi pa dumidilim ang paligid may malantod na. Babe are we going to stay longer? Baka magkarashes ako. May higad sa paligid." Sabay kaming napalingon lahat kay Grace. Lukot ang mukha nito habang naglalagay ng hand sanitizer.

"Oh my god. How pathetic." Naiiling namang sabi ng customer. "Bye muna Kuyang Pogi. Balik na lang ako next time. May bitter kasi. See yah." At umalis na ito pero bago pa man siya makalampas kay Grace ay binangga niya muna ito sabay pinaikutan ng mata.

Hindi ako makapaniwalang palaban ito despite of her look.

Hindi pa man nakakabawi si Grace ay agad nang lumabas ng shop ang nerdy girl kaya naman nagpupuyos siya ngayon.

"Babe, what was that?" Takang tanong ko rito. Mukha kasi itong nagseselos na syota ni bunny sa inaasta niya.

"Wala. I so just hate higads. They're literally everywhere. Know what, I need to go. I can't stay here anymore. See you at school." Anito sabay halik sa labi ko na agad ko namang ikinangisi. Walang lingon-lingon itong lumabas ng shop. Walang pasabi na sinundan ko na lamang tingin subalit kakasara pa lamang ng pintuan ng agad akong napalingon pabalik kay bunny ng may marinig akong babae sa gawi nito.

"Diyos ko Rain. Pawis na pawis ka na. Hali ka nga rito."

Wait...syota nya ba yan? P*ta ang ganda.

Mukhang staff ito ng cafe. Hawak-hawak ng isang kamay nito ang mukha ni bunny habang pinupunasan ito ng pawis and d*mn....

I don't know why pero may part sa'kin na hindi ko nagusgustuhan ang nakikita ng mga mata ko kaya naman lumapit ako agad sa kanila. Sa sobra nilang paglalandian ay hindi man lang nila ako napansin. Mas lalo tuloy nag-init ang ulo ko kaya naman bigla na lamang akong tumikhim.

Agad namang napalingon ang dalawa sa'kin.

"We need to talk." Galit kong turan kay bunny saka tiningnan ang babaeng kalampungan nito as intimidating as I could be. " and you lady, you're blocking my way. Get out of my sight or I'll tell my brother to fire you immediately." Walang kaemo-emosyong sabi ko making her to excuse herself in a hurry after she apologize.

"Anong pag-uusapan natin Sir? May problema po ba?" Sabi naman ni bunny na nagpangunot ng noo ko lalo. Now he's being formal? Tss.

"A lot and don't call me Sir. You're making me old." Sabi ko bago pumaikot sa may counter pero binati ko muna si Nana Criselda sabay halik sa pisngi nito tapos ay dumiretso na ako sa kuneho na gusto kong lapain dahil sa inis na hindi ko naman alam kung bakit basta galit ako. Medyo napataas na nga ang boses ko kaya naman umiyak si Popoy. Ipinasuyo ko na lang ito kay Nana Criselda bago hinatak na naman ang kunehong pasaway.

"What the hell is wrong with you?" Walang gana nitong tanong matapos ko siyang ibalibag sa isang kotseng inaamag na ata na nasa parking lot. Kasalukuyan pa nga itong nililinis ng totoy na tumakbo na lamang matapos ko itong titigan na kung nakakamatay lang ay bumulagta na.

"Are you hitting on Grace behind my back?!!!"

Tanong ko sa kanya pero ang totoo ay gusto ko sanang tanungin kung may relasyon ba sila nung babaeng staff.

Ngunit ganun na lang ang pagtataka ko nung nginisihan lamang ako ni bunny bago ako nito bigwasan sa mukha.

P*tsa ang sakit. Pumutok ata ang bibig ko.

"D*mn! What was that for?" Gulat kong turan.

"Para magising ka sa katotohanan." Galit niyang sabi bago ako tinalikuran pabalik sa café. Huh? Pinagsasabi ng pangit na kunehong to?

"At saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos you aggressive bunny!"

"Palayo sa'yong baliw ka! Nang hindi ako mahawa sa kabobohan mo!"

Aba't sinong bobo?! Gwapo siguro pwede pa.

"I'LL KEEP MY EYES ON YOU RAIN DENVER PARK. ALWAYS!"

"Hay. Suit yourself."

Walang gana nitong sagot bago ako pinagsarhan ng pinto. Namumuro na talaga ang kunehong to sa'kin. Makikita niya. Hinding-hindi ko siya titigilan.

Mortel Siblings - Maxx ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon