Chapter 11: Rain

3 0 0
                                    

Notes: Sorry guys medyo nahiatus ng matagal. Medyo loaded lang sa bagong job but thank you for waiting.

Matapos ang nakakahiyang nangyari sa library ay agad akong lumabas bitbit ang mga papeles na hindi ko pa tapos i-encode. Buwisit kasi ang Maxx na yun. May saltik ata sa ulo at pinagseselosan pa rin ako. Nilinaw ko na sa kanya na I'm not a threat to him already pero ang loko ay sunod pa rin ng sunod sa'kin kaya sa inis ko ay nasuntok ko siya ng wala sa oras. Ayun sapol sa mukha.

"Hello hijo, nandito pa ba ang boss niyo?" Ani ng isang babaeng medyo may edad na. May kasama itong isang bata na nakatago sa likod nito.

"A yes ma'am. Nasa opisina po siya. May appointment po ba kayo kay Sir Mentos?" Tanong ko naman rito bago lumabas ng counter. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan pero siyempre alerto pa rin ako. Agad akong yumukod sa harap ng bata na agad naman nitong ikinakubli sa likod ng babae.

"Hi baby boy. Ako nga pala si Kuya Rain. Anong name mo?" Magiliw kong bati ritona hindi nan nakakuha ng sagot pabalik.

"Pasensya ka na sa bata hijo. Hindi talaga siya madaling makihalubilo sa tao."

"Okay lang po."

"Nga pala, tawagin mo na lang akong Nana Criselda at sa tanong mo kanina, dito na kami pinapunta ni Sir Mentos. Galing pa kasi kaming ampunan at gusto lang bisitahin nitong bata si Sir."

"A ganun ba? Sige po, tawagan ko lang si Sir. Di kasi ako makaalis ng counter dahil pinatawag pa niya yung kasama ko." Sabi ko bago bumalik sa loob ng counter para idial ang telepono sa opisina ni Mentos Mortel. Ilang ring muna ang nagdaan bago may sumagot.

"Hello sino po sila?"

"Chun! Andyaan pa ba si ma-labs mo? May naghahanap kasi sa kanyang a certain Criselda. May kasama itong bata."

"Hala si Nana Criselda yan at Popoy. Papasukin mo lang. Kanina pa sila hinihintay ni Lex."

"Ay hindi man lang tinanggi." Ani ko na ang pag-address sa boss namin na ma-labs nya ang tinutukoy ko.

"Che! O siya ibababa ko na to. May gagawin pa ako. Bye."

Naiiling na lang akong binaba yung reciever. When I was about to get back, bigla kong naalala na may binili pala akong goya bar nung papunta ako rito sa café kaya naman dinaanan ko muna ito dun sa body bag kong dala saka ako bumalik kina Nana Criselda.

Agad ko itong binigay sa bata na Popoy daw ang pangalan ayun kay Chun.

"Hey kiddo. Nagugutom ka na ba? Eto o, may dalang chocolate si kuya." Ani ko habang inaalok sa kanya ang dala kong tsokolate. Nung una ay may pag-aalinlangan pa siya pero nung tumango si Nana Criselda ay agad nitong kinuha sa kamay ko yung Goya. Excited nitong binuksan yun saka nilantakan.

"T-thank you Uncle." Cute na sabi nito habang puno pa ng tsokolate ang bibig.

"You're welcome. So what's your name little guy?"

"Thunder po pero you can call me Popoy. Yun kasi palayaw ko. Bigay papa."

"Nice to meet you Popoy. Sige kain ka lang dyan ha." Magiliw namang sabi ko rito bago binalingan si Nana Criselda. "Pasok na lang daw po kayo sa opisina niya. Yan po yung pinto sa gilid."

Nagpasalamat naman si Nana sa'kin bago inakay si Popoy papunta sa opisina ni Mentos Mortel. Nung ako na lamang mag-isa ay bumalik na ako sa ginagawang trabaho.

Ilang customer rin ang dumaan bago muling lumabas si Nana Criselda kaya naman nag-usap muna kami. A moment after ay si cute little Popoy naman.

"Uncle Rain, here daw po muna ako sabi ni Papa."

"Sure naman baby boy." Sagot ko rito sabay yukod para magpantay kami. "Siguro you're naughty kaya ka nya pinalabas."

"Di po uncle. Si Mama po yung naughty kaya punish siya ni Papa."

"H-ha?"

"Opo. Pasaway daw si Mama kaya baka palo siya ni Papa hehe."

Tss. Once a Mortel, always a Mortel. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapailing.

Sasagot pa sana ako sa bata ng biglang bumukas ang pinto ng shop.

"Uncle Maxx!!!!"

Biglang sigaw nung bata sa taong pumasok.

Bigla akong kinabahan ng hindi ko mawari. Bigla kasing nanariwa sa isip ko yung nangyari sa may library. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong nailang sa pisting Maxx na'to. Pisting puso to, ang lakas ng kabog.

Rain, stop it. Be a man. Wooo! Kaya ko to.

Bulong ko sa sarili bago humarap sa may pintuan ng shop.

There standing with a smile on his face was my rival as he spreads his arms to welcome Popoy. Kasama nito si Grace na kung makatingin sa'kin ay parang pinapamukha nitong mas better ang ipinalit niya sa'kin. Hindi ko naman makuha ang punto niya dahil hindi naman ako naghahabol pa.

"Kamusta bunso? Nabalitaan ko na andito ka kaya pumunta agad ako rito."

Si Maxx habang akap-akap ang bata. Kita mo sa kanya ang pananabik rito. Marahil ay sobrang close talaga ng magkakapatid dun sa bata.

Habang nagkakamustahan sila nung bata ay minsanang nahuli ko itong pasulyap-sulyap sa gawi ko. Sa di maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng lalong pagkailang.

Sh*t.

Nagmukha akong grade schooler na kinandatan ng crush niya.

"What are you looking at?" I mouthed as I look at him annoyingly pero ang loko, nagawa pang kindatan ako.

Shsssh...Kinilabutan ako amp*ta. Pakiramdam ko ay nagsitayuan lahat ng buhok ko sa katawan dahil sa kindat niyang yun. Bakla ata tong karibal ko e.

Ang mabuti pa ay dito na lang ako sa kaha tumingin. Tsk. Andon pa rin talaga ang kilabot dahil sa ginawa ng l*ntyaks na Maxx Mortel na yun.

*Kliing*

Ayun sakto may customer. Ang mabuti pa ay dito ko na pang ituon ang atensyon ko. I wear my charming smile as she approaches the counter.

"Hi cutie. Welcome to Heart's Café. What's your order?" Ani ko as I look into her while my hand is ready to tap the screen.

She was mesmerize for a bit at nakatunganga lang sa'kin.

"Miss, are you okay? Ready na po ba kayong umorder?" Tanong ko rito na biglang nagpabalik sa kanya sa wisyo. Nice, mulhang tama nga ang sabi ni Tin. May karisma daw ang ngiti ko kung maging confident lang ako. Tsk, makikinig na talaga ako dun moving forward.

"Ay sori kuya. Ang gwapo nyo po kasi tsaka ang charming po ng dimples nyo. Na starstruck lang ako ng slight hehe." sagot naman nito sa akin habang inaayos ang salamin niya sa mukha. May pagka-nerdy look kasi to pero bagay sa kanya. Ang cute nga niya tingnan e.

"It's okay. You are also cute yourself." Sagot ko naman rito na sinabayan ko pa ng kindat. Lalo tuloy itong namula.

"Kuya naman e. Kinikilig ako." Pabiro nitong sabi sa'kin habang iniipit ang bangs niya sa kaliwa nitong tenga. Yung pabebe expression ba. "Uhm, tig-iisa nga pong slice sa nakahilirang cakes na yan sa taas tapos dalawang large cup frappucino, isang strawberry latte, at dalawang Ice coffee."

Inulit ko naman ang order nito na kanya namang kinunfirm for take-out. I started making the drinks pero medyo matatagalan rin dahil hindi pa rin nakabalik si Chun at busy naman sa tables ang kasama naming si Samantha kaya ako lang talagang mag-isa rito sa counter ngayon. Yung natirang staff kasi ay puro utility pag ganitong oras na. Buti na lang tinulungan ako ni Nana Criselda sa pagprepare ng pastries kaya naman natapos ko agad ang order. Sobra-sobra tuloy ang pasasalamay ko kay Nana.

"Thank you so much for choosing Heart's Café. Enjoy your treats ma'am."

"Oo naman kuya. Mula ngayon ay magiging suki na ako rito." Sagot nito sa'kin sabay pa-cute. Ginawaran ko naman ito ng isa pang ngiti na labis nitong ikinapamula pero hindi ko inaasahan na magiging mitsa pala to ng bangayan.

Mortel Siblings - Maxx ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon