[Raw Chap ]
We arrived at the park na meeting place namin ni Grace. Malungkot kong nilibot ang paningin sa kalawakan ng lugar bago napabuntong hininga. Ang dami kong alaala sa lugar na ito.
This is where I asked her to be my girlfriend. Dito ko rin inaaliw ang sarili dati everytime I feel inferior lalo na pag natatameme ako sa tuwing nakakasalubong siya sa lobby ng school. Ang lugar na to yung nagsilbing labasan ko ng sama ng loob once may bago na naman siyang manliligaw but now, this place will also reminds me of my first heartbreak.
"Kinakabahan ako Chun. Samahan mo'ko. Sige na." Pimimilit ko kay Chun dahil legit talagang kinakabahan ako.
"As much as I wanted to pero ang closure na'to ay sa pagitan ninyong dalawa kaya go lang. Be brave, I will watch you from here." Chun rubbed my back for support.
Sinagot ko na lamang ito ng tango bago lumabas ng kotse.
Grace is ahead of us kaya naghihintay na lamang ito malapit sa may fountain. Ibang-iba na siya sa dating simpleng tindig at pagdadala sa sarili. Ngayon ay tadtad na ito ng make-up at iba na rin kung manamit na mas lalong nagpalitaw sa angkin nitong ganda.
"Pasensiya na. Kanina ka pa ba naghihintay?" Tawag ko sa pansin nito ng malapit na ako sa kanya.
"Hindi naman masyado kararating ko lang din. Nauna lang ng konti." Anito bago inipit sa tenga ang nakatabing nitong buhok sa mukha.
"Alright. Let's get to the point then. Why do you want to meet up? As far as I remember, malaya ka na." Tanong ko rito.
"Relax Rain. Masyado kang highblood. Anyway, I just want to have a proper closure between us tsaka to remind you na rin na wag na wag mong sasabihin kay Maxx ang tungkol sa'tin." Anito na wari'y pinagbabantaan pa ako. "I will marry him in the future and I don' t want complications."
Tsk unbelievable. To the point na umasa pa talaga akong makikipagbalikan siya sa'kin that's why gusto niyang makipagkita.
Ganito na pala ako kabulag sa pag-ibig ko sa kanya? This..this girl is a high end social climber and I hate myself for not seeing that as early as I can.
Ang sakit-sakit p*ta. Yung babaeng pinaglaanan ko na lahat ay gaganituhin lang ako. Wow naman. Parang wala lang kaming pinagdaanang magsyota sa mahabang panahon ah.
Naiiling na lamang akong tumango. Hopeless. This is hopeless.
"Alright. Since pinag-uusapan na rin lang naman natin ang closure, then why? Why did you chose to leave me for that guy? Hindi ba ako sapat? Yung pagmamahal ko, kulang na kulang ba ha?" Puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. Halos mangiyak-ngiyak na nga ako sa puntong to eh.
"Rain. I'm sorry but I am not very serious sa relasyon natin. I said yes kasi mapursige ka sa panliligaw and besides, I need someone na kaya akong buhayin in the future." Walang gatol na turan ni Grace sa'kin na para bang nagbabahay-bahayan lang kami. Sarap manakal di ba? All this time ay seryoso ako sa kanya yun pala...sh*t! F*ck this life.
"Okay...Makakaasa ka. Hangad ko ang kaligayahan nyo." Sabi ko na lamang rito bago inilahad ang aking palad for a truce.
Ngumiti naman si Grace pabalik na mas lalo kong ikinagalit. Isa kasi ang ngiti niya sa mga dahilan kung bakit ako nahulog nang todo.
As she was about to do me a handshake, bigla na lamang nandilim ang paningin ko kasabay ng nakakabinging sigawan ng mga tao.
Oh sh*t..that hurts like hell.
"Stay away from my girl you bast*rd!" Tsk. Here comes the prince of the story.
"Maxx!!! babe relax! He's not doing anything." Natatarantang inawat ni Grace ang gag*ng Maxx na to. Palibhasa mang-aagaw ng syota kaya paranoid masyado.
"And you! We will have a serious talk after this." Banta nito sa kasintahan bago humarap sa'kin.
D*mn ang sakit ng panga ko p*ta. Sapol ako sa suntok niya't nadislocate ata ang mga buto ko sa mukha. When I check my lips, I felt blood oozing from it. Sh*t magpapa-appointment na naman ako sa dentist ko nito.
Akmang babangon na sana ako nang bigla na lamang dumating si Chun na nagsisisigaw pa.
"Hey anong nangyayari dito?!!!!!" Si Chun nang medyo malapit na siya sa'min.
"None of your business. Who are you anyway?" Sagot naman dito ng karibal ko na biglang nagpausbong ng takot sa mukha ni Chun subalit mas nanaig ang pagkahabag nito sa sinapit ko kaya buong tapang pa rin nitong sinagot-sagot ang isang Maxx Mortel.
"Preni ako niyang jinujombag mo. Baka naman pwede ninyong pag-usapan yan ng mahinahon. Look if you have noticed..nakakaiskandalo yang ginagawa nyong dalawa." Chun stated the matter factly, nagbubulungan na nga ang mga tao sa paligid.
Marahil ay napagtanto rin ng Maxx na' to na tama ang sinabi ni Chun kaya naman hindi na ito nag-eskandalo pa. Bagkos ay galit ako nitong pinukol nang nakamamatay na tingin.
"I am not gonna tell you twice. STAY AWAY FROM MY GIRL!"
Tss...as if I will do like he did.
"Why? Are you threatened? Kung nagawa niya akong iwan, I am sure she will do the same to you." Sagot ko naman rito na sinamahan ko pa ng ngisi para mas lalo itong maiinis. Kahit yan man lang ang maging ganti ko kanya.
Galit itong lumapit sabay dakma sa kwelyuhan ng damit ko habang si Grace naman ay palihim akong pinanlisikan ng mata.
"Kuya Maxx!!! What is this?"
Sabay kaming lahat napalingon sa kung sino man ang nagsalita.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan. What are you three doing here?" Sabi nito sa mga kapatid sabay akong malakas na itinulak. Hindi ako nakaghanda dahil nga biglaan kaya nabagok ang ulo ko sa semento.
"Sinundan ka namin nung makita naming galit na galit kang umalis ng opisina. Baka nakakalimutan mong our offices are located on the same floor big bro. Kaya alam naming kakaiba na ang kinikilos mo kanina." Sagot naman ng kapatid nitong si Mentos sa kuya niya.
Inalalayan akong tumayo ni Chun pero nahihilo pa rin talaga ako sa suntok na pinakawalan ng g*go kaya inihiga na muna ako nitong makapatong ang ulo ko man lang sa hita niya. Ramdam ko ang bukol doon epekto ng pagkabagok ko kanina.
"Ayos ka lang ba? Sorry frend ha. Hindi kita natuluyan ha. Baka ako naman ang jombagin nun. Sigurado sira ang beauty ko." Si Chun habang pinupunasan ang natuyong dugo sa bibig ko.
Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa ng mahina. Nakakaaliw kasi ang pananalita niya.
"Wala yun Chun." Sagot ko sabay hawak dun sa kamay niyang pinampupunas sa mukha ko sabay ngiti. Laking pasasalamat ko rito kasi kahit na hindi pa kami masyadong magkakilala pa ay walang atubili ako nitong sinamahan ngayon.
"Come on Bro. Let it slip for now." Pang-aalo nitong si Mentos sa kapatid niyang aso na parang gusto pa atang dagdagan ang pasa ko sa katawan. Tss.
"How could I bro? This bast*rd is trying to lay a hand on my girl?!"
Kitams ang kapal ng mukha.
"How many times do I have to tell you? Nag-uusap lang kami!" Balik sigaw ko rin sa kanya kaya naman susugod na naman sana ito pero naagapan ng mga kapatid niya. Tsk para talaga siyang isang lobo. Always out of temper.
"Chun, bring him somewhere else for a moment. Kami na ang bahala rito." Utos ni Mentos kay Chun na agad rin namang sinunod ng kaibigan ko.
"Hali ka na Rain."
"Tara. Baka makagat pa tayo ng aso." Birong pabulong ko kay Chun na impit na ikinahalakhak nito. Inalalayan niya ako paalis roon pero hindi nakaligtas sa paningin ko kung pano suyuin ni Grace ang kumag niyang boyfriend.
"Makakalimutan mo rin siya balang araw. Marami pa riyan na mas deserve mo."
"Thank you Chun. Sana malapit na ang araw na yun para naman hindi na ako masaktan pa."
BINABASA MO ANG
Mortel Siblings - Maxx ( On Going )
FanfictionAng ikalawang yugto ng Mortel Siblings The Series. "Bakla na tayo kung bakla pero mahal kita Rain!! Gets mo ba? Mahal na Mahal kita Bunny. " -Maxx Tristan Mortel ------------------------------- Rain Denver Park. Solong anak at tagapagmana ng isang m...