It's been a busy week mula pa nung monday dahil abala na ang lahat sa upcoming foundation week ng Clarendon Academy. Halos wala na kaming mga pasok lalo na ang mga classroom committees at mga participants ng ibat-ibang events. Right now for example, binigay ng professor namin ang buong 2 hours and a half niyang schedule para raw matapos namin ang booth ng faculty kaya naman agad ng sinimulan paggawa ng mga dekorasyon.
"Rain, pasuyo naman o, pwede bang ikaw na lang ang bumili ng snacks natin?" This is Loraine. The class president.
"Sure, ano ba yan and saan ko bibilhin." I replied agreeing to her request hence tapos na rin naman ang mga naka-assign saking gawain.
"Thanks. Here's the budget pala and the order. Sa Heart's Café na lang." Anito na parang kinikilig pa. Isa kasi to sa mga nahuhumaling dun sa ma-labs ni Chun.
"Okay. I'll go ahead then."
Sabi ko naman bago inabot ang pera at sticky note na may nakalistang drinks at pastries. She thanked me again before she went back to the group. Ako naman ay nagtungo na sa parking lot.
Ngayon ay nasa loob na ako ng Heart's café, hindi bilang server, kundi isa rin sa mga customer. Ako kasi ang naatasang bumili ng meryenda para sa mga kaklase kong gumagawa at nag-aasemble ng booth namin ngayon. Kumuha lang ako ng ilang mga pastry which are mostly cookies and muffins at saka ilang set ng drinks.
"Ok na tong mga order mo Rain." Si Samantha. Remember yung nanay-nanayan namin dito ni Chun? Siya ngayon ang nasa counter kasama nung isa pang staff.
"Great and here's the bill." Aniko naman sabay abot sa kanya ng tatlong libo. Halos marami-rami rin kasi ito kaya naman dinala ko na ang kotse ko. Tinulungan na rin ako nung kasama ni Sam para madala lahat ng food and drinks sa compartment ng sasakyan ko. Matapos magpasalamat rito ay naghanda na akong bumalik sa Clarendon.
When I was about to open the driver's seat ay bigla akong napahinto. Feeling ko kasi ay may sumusunod na naman sa'kin.
Last week pa tong nararamdaman ko na'to pero gaya ng dati, wala naman kung lumingon ako. Pilit ko na lamang isinawalang bahala muna iyun saka pumasok na sa sasakyan ko.
Dumaan ang buong maghapon hanggang sa mag-uwian na pero hindi parin mawaglit sa'king isipan ang katotohanang may nagmamasid sa akin mula sa malayo. Binabantayan ang bawat galaw ko at iisa lang ang naiisip kong tarantadong gagawa nito sa'kin. Hindi ko akalaing totohanin nga niya ang banta niya.
Tss.. naghire pa talaga ng galamay para lang masiguradong hindi ko aahasin ang girlfriend niya. Hay...this is so unbelievable.
Naiiling na lang tuloy akong sumukay ng kotse para umuwi pero bago iyun ay dumaan muna ako sa isang maliit na flower shop malapit sa academy. Balak ko kasing surpresahin si mama ngayon sa pag-uwi ko sa bahay namin since medyo matagal na rin na sa condo lang ako laging umuuwi at isa pa, wala naman kaming pasok bukas sa cafe dahil weekend.
"Hi Sir Pogi! Good afternoon po and welcome sa Fleur de Bleau. Ako nga po pala si Rhonda. Ang inyong magandang florirista. Ano pong maipaglilingkod ko?" Bungad sa'kin ng lalaking florist at basi sa kilos nito't pananalita, mahihinuha mo agad na kabilang siya sa pangatlong kasarian. Actually naaalala ko nga sa kanya ang comedian na si Roderick Paulate e.
BINABASA MO ANG
Mortel Siblings - Maxx ( On Going )
FanfictionAng ikalawang yugto ng Mortel Siblings The Series. "Bakla na tayo kung bakla pero mahal kita Rain!! Gets mo ba? Mahal na Mahal kita Bunny. " -Maxx Tristan Mortel ------------------------------- Rain Denver Park. Solong anak at tagapagmana ng isang m...