[Raw Chap ]
Dumaan muna kami ni Chun sa pinakamalapit na Clinic sa lugar para maagapan ang mga pasa ko bago kami dumiretso sa boutique na bibilhan namin ng suit niya. After nitong maisukat ang nakapili nitong suit, diretso na kami ng cash register. Halos malula pa nga ito sa presyo pero sabi ko ay ako na ang bahala na hindi naman niya pinayagan kaya ayun, huhulug-hulugan na lamang daw niya kada sahod.
Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag dahil sa hindi daw ito dadalo kung hihindi ako aayun. Hindi na lang ako nakipag-argyumento pa dahil wala rin namang magyayari and besides nananakit pa ang mukha kong naka-plaster kaya wag na lang.
We ended up sa isang restaurant na pag-aari ng mga Mortel to fill our stomachs. Doon namin nakasabay kumain ang kasalukuyan naming boss sa café. Itong katabi ko tuloy ay hindi na mapakali dahil kaharap ang crush niya.
We had small talks while eating at ito na rin ang humingi ng tawad para sa kuya niya na inassure ko namang wala akong gutgot dahil lang doon. Marami pa itong itinanong and one of them is about us Chun being boyfriends hahaha. Tinukso-tukso ko pa nga dahil real talk ang cute ni Chun pag nagba-blush. We ended this day na masaya kahit na I was hardbroken because of Grace.
Days pass by so quickly that I haven't even noticed that today is the day of the party already or perhaps, I am just not looking forward to it.
Kasalukuyan akong nagsusuot ng suit na gawa pa ng sikat na designer sa paris. Ang mom ang may pakana nito. Gusto na daw kasi nila akong ipakilala sa mga ka business partners nila since I will be handling the family business years from now.
Masyadong pormal ang disenyo nito lalo pa't itim ang kulay nun na pinarisan ng puting polo panloob, itim rin na pants at sapatos na parehong mula sa pamosong designer na pinagkuhanan ng suit.
Ang layo-layo na ng hitsura ko sa dati long mikha na nakasalamin at mumurahin ang mga suot na damit.
"Hey what' with that face?" Si mama na niyakap ako mula sa likod.
"This is nothing ma. Pagod lang sa work and studies."
"Asus sa'kin ka pa talaga nagdrama. Ako kaya ang mama mo. Bawat pagkibo't hininga mo ay alam ko ang ibig sabihin." Naglakad ang mama paharap. She caress my cheeks dahilan para mapapikit ako at napabuntong-hininga. "She will be here later. Will you be okay baby?"
"It's okay ma. Wag kayong mag-alala masyado." Sagot ko na lamang rito bago ko siya niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Happy birthday son."
"Thank you mama. I love you."
"Likewise baby.. likewise. O siya tara na. Ikaw na lang ang hinihintay sa venue." Aniya matapos kumalas sa yakap ko na sinagot ko naman ngiti at tango.
Sabay kaming lumabas ng mama sa kwarto papuntay event hall.
Nagsimula na ang party na may konting program muna. Dad opened it by giving his welcoming speech to everyone na dumalo na sinabayan ng mama. Maraming tao sa venue na karamihan ay mga business partners namin. Ilang sandali pa ay bigla na lamang napukaw ang atensyon ng lahat ng dumating ang pinakamayamang pamilya sa bansa. Ang mga Mortel.
Kasunod ng patriarch ay ang kanyang asawa at ang apat na magkakapatid. Sinalubong sila ng mga magulang ko ng may pagbati.
Of course, since Maxx Mortel is here, kasama rin si Grace sa mga dumalo. Nakasuot ito ng pulang dress na above the knee ang cut. Bagay iyun sa kanya at sobrang ganda niya ngayon. Kung hindi lang sana nangyari ang lahat ay sa'kin siya nakaagapay hindi sa karibal ko subalit hindi na namin maibabalik pa ang mga nangyari.
Sa gabing ito, ibabaon ko na sa limot ang lahat. I will gonna let go. My hopes, my feelings, and my frustrations. Matapos ng gabing to ay ibang Rain na ang haharap sa kanila.
Bumalik ang mama sa harap since siya ang MC ng event.
"Everyone, I know that you are already aware about the highlight of this party. Iyun ay ang celebration ng ika 20th birthday ng nag-iisa naming anak as well as bilang pormal na pagpapakilala namin sa kanya as the future stakeholder ng kumpanya and maybe maghanap na rin ng future manugan." Napuno ng halakhakan ang hall dahil sa huling sinabi ng mama. Meron pa ngang may sumigaw mula sa kumpon ng mga bisita na pwede daw ang dalaga niya.
"Well, without further adieu, here's our son. The star of this night, Rain Denver Park!!! Come on son!"
I heave a deep sigh bago taas noong lumabas mula sa back stage. Marami ang napasinghap dahil sa paglabas ko. Karamihan kasi ng mga kaedaran kong narito sa venue ay mga schoolmates ko sa Clarendon.
When I look at Grace ay halos lumuwa ang mata niya sa gulat. Hindi makapaniwalang ang ex-boyfriend niya ay mayaman rin pala.
I searched for Chun in the crowd pero si Tin lang ang nahagip ng paningin ko. Sa kakahanap ko sa kanya ay nadako ang tingin ko sa'king karibal at sa hindi ko malamang dahilan ay napako ang paningin ko sa kanya at sya ay sa akin.
Ang ipinagtataka ko lang, imbis na galit ang makita ko roon ay ibang emosyon ang sumalubong sa'kin. Ewan, parang may gusto siyang sabihin sa'kin. Bigla akong nakaramdam ng kilabot dahil roon kaya minabuti ko nalang na ibaling sa ibang direksyon ang paningin ko.
Hindi ko maintindihan pero dahil sa uri ng tingin niya ay parang nanayo lahat ng buhok ko sa katawan. Nakakailang.
BINABASA MO ANG
Mortel Siblings - Maxx ( On Going )
FanfictionAng ikalawang yugto ng Mortel Siblings The Series. "Bakla na tayo kung bakla pero mahal kita Rain!! Gets mo ba? Mahal na Mahal kita Bunny. " -Maxx Tristan Mortel ------------------------------- Rain Denver Park. Solong anak at tagapagmana ng isang m...