Kasalukuyan akong patungo sa library ng school to follow someone na kakapasok lang. Halata sa kanya ang puyat at pagod marahil ay dahil sa naganap na party. When I was about to get close to him ay sya namang pagsulpot ng girlfriend kong si Grace. Nag-aaya itong samahan siya sa mall upang bumili ng bagong bag na kaagad ko namang hinindian. I am almost at peak of my allocated allowance for myself and normally ako ang nagbabayad ng mga binibili nitong mga gamit pag magkasama kami. Not that I complain though but I have a trait kasi na masinop ako sa pera. In addition to it, I'm also man of principles.
I do treat my past girlfriends well don't get me wrong but I make it sure to always stick to a certain amount and my expenses should not go beyond that said amount. So, I tried to reason out but to my surprise, Grace starts to retaliate na biglang ikinakunot ng noo ko.
"What?!! You're joking right?"Aniya with a tone of disbelief.
Still I tried to explain why I can't say yes this time. Expaining that even though my family is known for being dead-ass rich, hindi naman yun solely mine that's why I need to limit myself subalit hindi nagbago ang expression nito hanggang sa nagpaalam na akong pupunta sa library.
Habang nasa daan, I'm starting to have doubt of my girlfriend's intention of being with me. First, she hide her true relationship with the young park and now this. Tsk...sana ay mali ang iniisip ko.
Hindi naman siguro social climber and girlfriend ko.
Ah... Nevermind that one. I might have feelings for her but its not enough yet for me to give up my life as a bachelor.
Giving up my thoughts, I starts to walk in the library. As usual, maraming kapwa ko estudyante ang nag-aaral habang ang iba naman ay nakatululugan na ang pagbabasa. I roam my eyes in all corners para hanapin ang dahilan kong bakit ako narito. At first ay nahirapan akong makita ang kinauupuan niya until I notice someone far beside the corner of the business section.
Nakayuko ito sa mesa habang natatabunan ng mga papel. kahit na hindi ako sigurado na si Rain Park nga yun ay doon parin ako dinala ng mga paa ko.
When I was near the sleeping guy ay maingat kong hinawi ang nakatulakbong na mga papel sa kanya and hindi nga nagkamali ang kutob kong siya nga ito.
Nakatagilid ang ulo niya habang nakapatong sa kanyang Macbook. Nakatulugan na siguro ang paggawa nito ng inventory report. Wala sa sariling naupo ako sa kanyang tabi saka inayos ang mga nagkalat na mga bondpaper sa mukha nito.
Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasan ang mapangiti na lamang dahil sa sitwasyon nitong karibal ko. Nakanganga na kasi sa sobrang pagod siguro. Kung gising lang ito paniguradong sangkaterbang singhal na naman ang inabot ko. Isa pa ay sariwa pa rin sa'kin ang embarassing moment na nangyari sa pagitan namin doon sa may comfort room ng hotel.
"Hinabol kita rito kasi gusto ko sanang humingi ng tawad sa lahat kaso tulog ka naman bunny." Sabi ko dito habang hinahawi ang mga nakatabing na buhok sa kanyang mukha.
All in all ay may panama talaga ito kung mukha rin lang naman ang usapan. This dude is actually good looking. His family is also stable financial wise. Kaya naman napukaw talaga ang curiousity ko sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ng girlfriend ko ngayon.
"Di kasi kita naabutan nung araw when you accidentally touched my d*ck. Ang bilis mong lumundag palayo." Pabulong na kausap ko rito para wala namang makarinig. Nakangisi pa ako niyan dahil nagrereplay sa utak ko kung papano ito namula.
Well, ako rin naman ay biglang na-awkward dahil sa nangyari. Tandang-tanda ko pa ang kahihiyang sinapit ko nung magreact ang katawan ko sa pagdantay ng palad niya sa ano ko.
Ganun na ba talaga ako katigang?
Tss. Siguro nga. Wala na kasi akong naging s*x life nung sinimulan ko nang magfocus sa real estate business ng pamilya.
Tama...Siguro ay kailangan ko na ulet mag-enjoy naman paminsan-minsan. May girlfriend naman ako.
With that thought ay muli kong tiningnan ang natutulog na mukha nitong karibal ko bago ko inayos ang pagkakadantay ng ulo niya.
"Sleep tight, sleepy head."
Bulong ko rito ngunit sa kasamaang palad ay bigla siyang nagising.
"What are you doing? T-teka ba't ka nandito?" Gulat nitong turan ng mahimasmasan. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kamay ko na siyang ginamit ko kanina para ayusin ang pagkakahiga niya.
Sa biglang paggalaw kasi ng mukha niya ay sa pisngi niya dumapo ang kamay ko. Ang labas tuloy ay parang hinaplos ko ang parteng yun.
Hay...this bunny always jumps into conclusion right away. Nakaka-aliw ang reaksyon ng mukha niya. Lalo na pag nanlalaki sa gulat ang singkit niyang mata o kaya naman ay nanlilisik ito sa inis.
Tuloy ay biglang gusto ko na lamang na asarin siya. Ang cute kasi.
"Ba't ako nandito kamo? Hmm..." wari ko na kunyari ay nag-iisip pa ng susunod na sasabihin and right on cue, from being astonished ay bigla na lamang nangunot ang noo nito. "Sinundan kita obviously. Hirap akong hulihin ka mula nung hinawakan mo yung ano hjkjgggk-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana dahil tinakpan na nito ang bibig ko ng kamay niya.
"Ano ka ba?! Mamaya may makarinig sayo at kung ano pa ang isipin." Aniya na may langkap na ng inis at hiya. Namumula na naman kasi ang tenga niya. "Stop it! Okay!? Kung hindi ay malilintikan ka sa'kin!"
Banta nito na halos pabulong na dahil nga baka mapagalitan kami ng librarian.
Tango naman ang naging sagot ko rito but I can't help myself from sniffing the scent of his palm habang hawak ko ang kamay niya. Pang-asar lang ba.
Amoy cherry kasi ang gamit nitong hand sanitizer kaya naman ang ganda sa pang-amoy. Parang babae.
"Ano ba?!" Singhal niya na medyo napalakas kaya naman agad kaming pinuntahan ni Ms Santillan. Ang mataray naming school librarian. Sakto pa naman na inaamoy ko yung kamay nya kaya ang labas eh parang hinahalikan ko.
"I just wanted to remind you that this is a library not a motel." Anito na nakataas pa ang kilay.
"Sorry po Miss Santillan p-pero mali pa kay-" Todo explain naman itong si Bunny pero agad siyang pinatahimik ni Scarlet Witch. Pano ba naman, mataray na, lagi pang nakapula ang outfit.
"Shhh... Stop. I don't need your explanation. This serves as a final warning. Understand?!!"
"Yes po/Yes Po." Sabay pa naming sagot pero nung tumalikod na si Miss Santillan ay tahimik na kaming nagbangayan hanggang sa lumabas na kami ng library.
BINABASA MO ANG
Mortel Siblings - Maxx ( On Going )
Fiksi PenggemarAng ikalawang yugto ng Mortel Siblings The Series. "Bakla na tayo kung bakla pero mahal kita Rain!! Gets mo ba? Mahal na Mahal kita Bunny. " -Maxx Tristan Mortel ------------------------------- Rain Denver Park. Solong anak at tagapagmana ng isang m...