Part 2: Rain

2 0 0
                                    

Its been a week since my talk with Chun and believe it or not ay napakagaan sa pakiramdam ang nangyari. I tried to move on as much as I could but minsan talaga ay dumarating ako sa punto na naiiyak na lamang ako sa condo habang naglalasing.

Sa ngayon ay nandito ako sa isang grocery store malapit sa condo unit ko. I was out of stock na kasi kanina ng i-check ko yung fridge kaya naman bumaba na ako para magrestock.

I was trolling around the meat section when suddenly another push cart collided with mine. Paliko na ako sa may kabilang side ng mangyari iyun. I was about to say sorry sa nakabungguan ko pero nabitin iyun sa ere nang mapagtanto ko kung sino.

Anak naman ng tinapa, sa lahat ba naman ay siya pa! Hindi ko tuloy naiwasang panlisikan ito ng mata na ikinanuot naman ng nuo nito.

"Look I am sorry dude. You go ahead." Aniya ng hindi parin nagbago ang timpla ng mukha ko.

Inis kong hinatak ang sarili kong push cart saka inilihis palayo sa kanya. Baka kasi hindi ko mapagtanto at masapak ko pa siya kahit na mas malaki ang katawan nito kumpara sa'kin.

Yup that sh*t is no other than my rival, Maxx Tristan Mortel. Kilala ang g*go hindi lamang sa College of Engineering kung saan ito naka-enroll kundi pati na rin sa buong campus. Pano ba naman, tanyag silang apat na magkakapatid as Candy Princes of Clarendon. Siguro ay dahil sa hango ang mga pangalan nila sa mga kendi mints. Nevertheless, that dude is still a sh*t.

Tss..keysa mas masira pa ang araw ko ay minabuti ko na lamang ang magpatuloy sa pamimili pero talaga yatang hinahamak ako ng tadhana dahil magkasunod pa kaming pumila sa counter. Mas lalo tuloy kumulo yung dugo ko dahil napatagal ang pagscan nung items ko dahil imbis na sa ginagawa nakafocus ay sa aming dalawa palipat-lipat yung tingin ng kahera kaya nasinghalan ko tuloy.

Ewan ko, pagdating sa taong to ay nawawala ang pagiging tahimik ko dahil sa galit.

Nung palabas na ako ng grocery store ay nakasunod rin ito dala ang kanyang pinamili at kung saan ako liliko ay doon rin siya. Teka sinusundan ba ako nito?

"Hey, I am not trying to be rude but are you following me?" Singhal ko rito as I abruptly stopped and faced him.

"I'm sorry? Dude kanina ko pa napapansin na ang init ng dugo mo. Relax, andito nakapark ang sasakyan ko. See?" Anito na medyo naiinis na rin bago kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Kasabay nun ang pag tunog ng kotse katabi sa kinapaparadahan nung akin. I was dumbfounded. Like seriously? Pati ba naman sa parking space ay kahati ko to? Nakakapang-init naman ng ulo oh!

Tsk..bahala na. Tinalikuran ko na lang siya ng marahas saka nagpatuloy na naglakad patungo sa compartment ng kotse ko. Narinig ko pa siyang bumulong ng 'what's wrong with him?' pero di ko na lang pinansin pa. Matapos ayusin ang pinamili ko ay pabalibag kong isinara ang compartment saka pinasibad ang sasakyan ko palayo sa lugar na iyun.

The next day is even worse dahil halos nagkakasalubong kami lagi sa loob ng campus. Ano ba naman yan.

"Hey you! Ikaw yung masungit kahapon sa may grocery store. Right?" Anito ng madaanan ko siya sa may fountain malapit sa football field.

"What do you want?"

"Right..ikaw nga yun and masungit ka pa rin." Anito na napakamot ng batok dahil sa sagot ko.

Dahil wala namang silbi ang usapang ito ay tatalikod na lang sana ako para matapos na pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagdating ng tao na naging dahilan ng lalong pagtagis ng bagang ko.

"Babe!! I am sorry for keeping you wait." Si Grace na napakaganda sa suot nitong damit. Nagulat pa ito ng makita akong kausap ang bago niyang kasintahan.

Mortel Siblings - Maxx ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon