Chap8

10 0 0
                                    

_

Mellanie's Pov

Napabuntong hininga ako ng mahaba nang maisip ko yung nangyari kanina. Ang sakit niya sa ulo hays.

Bakit kase hindi ko naisipan na tanongin si Tita Jayne (⁠╥⁠﹏⁠╥⁠)

Hindi ko akalain na parang kaedad ko lang pala yung aalagaan ko hays. Titaaa bakit?

Nakapahalumbaba akong nakatingen sa kawalan at naisipang magdilig nalang ng halaman.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa likod ng kusina. May pinto kase doon papuntang garden tapos sa gilid ng garden ay may swimming pool.

Yes Isang pool, yung shape niya is parang peanut shell at ang gara tignan kase may table sa gitna nito tapos ang linis, super linaw pa.

Lumapit ako rito at tiningnan kong gano ito kalalim. four feet hanggang eight feet. Watdahel ang lalim naman pala. Magbabalak sana akong maligo eh kaso ano baka mapunta ako sa malalim. hindi pa naman ako masyado marunong lumangoy.

Naglakadlakad nalang ako at tingin sa paligid. May Nakita akong water host kaya huminto ako at kinuha ito. Hinila ko ito at lumakad papunta doon sa may mga bulaklak at mga hanging plants.

Diligan ko na sana yung mga bulaklak ngunit nakalimotan ko palang buksan yung tap water hays tanga mo Mellanie.

Nasapo ko yung noo ko at naglakad pabalik tapos ay sinwitch on ko na. Lumapit na ako doon at nagsimula ng magdilig.

-----

Manong Ced's Pov

Nagmamadali akong Lumabas sa post ko ng makita kong may naglagay ng sulat sa mailbox. Pinuntahan ko ito at kinuha.

Papasok pa lang sana uli ako sa gate ng nahay ng may tumawag bigla. Nakita ko ang pangalan ni Xzavier ijo. Sinagot ko agad ito.

"Hello Ijo, "Ani ko.

"Manong dumating na po yung sulat? "Tanong nito.

" Ah Oo, Ngayon lang eh kakakuha ko lang. "

" Para kay Mellanie yan manong ibigay mo sa kanya. " Ani nito.

"Oo Sige ijo, " Ani ko at tumango-tango.

" Salamat manong. " Ani nito at inend na yung tawag.

Tiningnan ko yung sulat at naisipang ilagay sa bulsa tsaka nagtungo na sa loob ng bahay.

Pinuntahan ko kung saan yung kwarto ni Lanie  ngunit wala siya doon. Nagtaka ako dahil wala den siya sa sala kaya dumeritso na ako sa kusina baka andon siya ngunit wala akong makita kahit anino man lang niya.

Nako nasaan ba kase yung batang iyon.

Aalis na sana ako sa kusina ng makarinig ako ng sigaw. Nagmamadali naman akong pumunta roon kung saan ng galing yung sigaw.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Lanie na nakaupo at hawak yung water host.

Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Oh ija Anong nangyari?"

-----

Mellanie's Pov

Napatingen ako kay manong at napatayo agad. Kinalma ko muna yung sarili ko at nagsalita.

" Manong haha, Wala naman pong nangyari. Nagulat lang ho ako. "

" Bakit ka nagulat? Ano ba nakita mo? Mukha ka kasing nakakita ng nakakakilabot na multo eh. "

Matabang naman akong tumawa at tinapik si manong. " hahaha ano kaba manong wala naman multo dito eh, diba? Wala manong diba? ಥ⁠‿⁠ಥ ."

" Wala naman haha, Nako ija wagka maniwala sa multo multo. Imahinasyon mo lang yan. "Ani ni Manong at nakangiting tumingin sakin.

" haha opo.. "

"nga pala ija aalis muna ako saglit, babalik agad ako may aasikasohin lang. "

Tumango naman ako at ngumiti.

"Sige po manong, ingat kayo. "

Pagkatapos non ay umalis na si Manong habang ako ay bumalik na sa pagdidilig.

Dahan dahan akong lumapit sa may bulaklak dahil may nakita ako roon na kinakatakotan ko. Tinitigan ko ito ng mabuti at napahinga phew buti nalang wala na don yung Uod na kulay green. Oo na maliit na bagay, pero kase nakakakilabot silang tingnan basta takot ako sa Uod period.

Pagkatapos ko magdilig ay pumasok na ulit ako sa bahay. Nilibot ko yung paningin ko sa loob ng bahay at nagsimula ng mag isip kung ano ang mga dapat kong gawin.

Pumunta ako sa sala at doon na muna magsimulang maglinis. Kumuha ako ng mop at mga basahan. Kinuha ko yung mga kurtina at nilagay sa labahan ikaapat ko itong inulit dahil masyado silang madaming window. Nagsimula na akong magpunas at pinalitan ng bago yung mga kurtina. Umabot ng two hours ang paglinis ko sa malaking sala at ang daming alikabok sa mga gilid ng mga upuan, couch at mga kabinet. Diniligan ko na den yung mga indoor plants ni tita Jayne kanina sa Garden tapos ay pinasok ko na dito.

Hindi ko namalayan ang oras, malapit na palang mag eleven kaya pagkatapos ko sa paglinis ay pumunta na akong kwarto para maligo dahil grabe na yung pawis ko at ang lagkit ng pakiramdam ko. Pagkatapos kong maligo ay naalala kong maglilinis pa pala ako sa kusina kaya nagmadali akong nagbihis at pumanhik na roon.

Sa Kusina.

Nilabhan ko yung mga basahan na ginamit ko kanina at yung mga kurtina ay nilagay ko na sa washing machine. Hinayaan ko itong umikot ng umikot tapos nilinis ko na rin yung stove.

______

Nasa likod ako ng garden para don isampay yung mga nilabhan kong kurtina at grabe i feel refresh dahil natapos ko rin yung mga dapat kong gawin. Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa sala, umupo ako sa couch at tumihaya nag inat-inat pa ako ng kamay. Hoh! makakapag relax den.

Maid Of Mr. CEOWhere stories live. Discover now