_
-
Mellanie's Pov
Weeks have past.. Ganun palagi yung scence naming dalawa siya na laging pinagtitripan ako at ako naman na puro revenge ang alam.
Ngayong araw lang sa tanang buhay ko. Napakatahimik. Syempre naging busy na si engot eh.
Nakaupo ako sa sala habang nagmumokmok. Hayss kailan ko kaya ulit makikita si lance? Pati yung iba?
Ang boring talaga!
*Phone ringing* halos mabingi ako dahil sa lakas ng volume ng phone ko.
Dali-dali ko naman itong sinagot.
*toot* " hello?.." Sabi ko.
Namuno ang saglit na katahimikan bago may nagsalita sa kabilang linya.
" Jade?...." Sabi sa kabilang linya.
Napatahimik naman ako at biglang may namuong galit sa dibdib ko. Tch. Ang kapal ng mukha niyang tumawag sa akin.
" hey! Andyan kapa ba?" Sabi ulit sa kabilang linya.
Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. At naninikip ang dibdib ko. Kahit matagal na yun bat ang sakit pa rin?
Pinahid ko ang mga luha ko at nagsalita na.
"Oh? Napatawag ka.. Ano? kailangan mo na ba ulit ako? Diba ganun naman ako sayo....tsaka mo lang ako maalala sa tuwing may kailangan ka..." Sabi ko na nagpupuyos sa galit.
"Sorry... Mag usap naman tayo oh... Please Jade...."pakiusap niya.
Bat ganun kahit nasasaktan na ako ng lalaking to. Diko parin maiwasang di pagbigyan siya.
You're still the same man that I loved in the past Renz.
.......
Nandito na ako sa sinasabi niyang cafe kung saan daw kami magkikita. Tama ba tong ginagawa ko?
Wala namang masama diba ..may pag uusapan lang naman kami. Just cheer up lanie. Kaya mo to! Fighting!
Ilang minuto pa ang nagdaan ng bumukas yung pinto ng cafe at ayun nakita ko uli siya. Ang laki ng ipinagbago niya ah.
Pumogi siyang lalo.
Napangiti naman ako sa kanya ngunit nawala iyon bigla dahil may babaeng hawak niya sa beywang.
Ang sakit. parang bumalik lahat yung sakit at mga pagtitiis ko noon. This two people in front of me. Was my weakness.
Why? Because she is my bestfriend while he is my ex-boyfriend.
Ready naba akong harapin uli sila? Is this me o babalik na naman ako sa pagiging tanga?
Nooo! Ayoko na, that's why I hate being called Jade.
____
_
-
Still Mellanie's Pov
....
Nagmamadali akong umuwi at pumasok agad sa kwarto ko.
Tumulo na naman yung mga luha ko. Pinahid ko ito at napatawa.
"Hahahahahah." Parang tangang tawa ko habang umiiyak.
Grabe,diko inaasahan to. Akala ko ba wala na sila pero bat ngayon ikakasal na sila. At ang mas nakakatawa buntis siya. HA HA HA. Tanga mo Mellanie!!!
Dahil sa letcheng pangyayari noon napunta ako sa sitwasyon ngayon.
*flasback*
" Sofie! Alam mo ba na kami na ng Crush ko. Gosh. Di ako makapaniwala. " kilig kung banggit kay Sofia.
"Talaga? Sino?" Tanong niya.
"Dimo alam? Yung pinaka Crush ko..."sabi ko ng nakangiti.
"Huh? Si Dino? Mark? O si R-Renz..." Utal niyang sabi sakin ng mabanggit niya si Renz.
"Oo tama ka si Renz nga! "sigaw ko at tumili.
Nakita ko siyang napatanga o napahinto. Pero binalewala ko lang.
--------
After 2years na mag on kami ni Renz ay may hindi ako inaasahang pangyayari. Na naging dahilan ng lahat.
Author's Pov
"Sofie I love you Okay? so wag kanang umiyak..." Tahan ni Renz kay sofie.
"Renz mahal din naman kita ah pero pano si Jade?...Renz... Sorry kasi minahal kita kahit alam kung mahal mo din siya..." Sofie said.
Hinug siya ni Renz at sinabi ang mga katagang gumuho sa mundo ni Lanie.
" Sofie, Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko siya minahal, Ikaw lang talaga..." Sabi ni Renz.
Tapos nagulat nalang silang dalawa ng may nabasag na gamit.
Nasa kusina silang dalawa sa bahay ni Renz at di nila inaasahan na nandyan si Lanie.Syempre sino bang girlfriend ang hindi kinakamusta ang kanilang boyfriend.
"Jade...."banggit ng Dalawa.
Napaiyak si lanie at ngumiti.
"Totoo ba yung sinabi mo Renz.. So after those years kahit katiting hindi mo ako minahal. So 2years akong nagpakatanga sayo ganun ba?Renz naman... Dapat sinabihan mo ako. Hindi yung maririnig ko lang sa usapan niyo..." Sabi ni Lanie at tuluyan ng humagulgol.
"Jadee.... Sorry...."sabi ni Sofie at lumapit kay Lanie. Pero isang napakalutong na sampal ang natanggap ni Sofie.
"Talaga? ...sofie pinagkatiwalaan kita pero ano to? Sofie naman you're my bestfriend pero bakit mo ito nagawa sakin?" Naiiyak na sabi ni Lanie.
"Lanie ... Im so sorryyy... Please patawarin mo ako..."Sofie said.
" Sa tingin mo mapapatawad pa kita?... Sofie naman.. Alam mo bang napakasakit? ang sakit dito oh*turo sa puso niya* At hinding hindi ko kayo mapapatawad.."sabi ni Lanie at tinuro silang dalawa.
Umiiyak na din si Sofie. Nilapitan siya ni Renz ngunit iniwas iyon ni sofie at tumakbo.
Tinitigan niya lang saglit si Lanie bago sinundan si Sofie.
Wala man lang natanggap na salita si Lanie kay Renz kung bakit? Bakit nagawa niya iyon sa kanya.
*End of flashback*
Oo nga't mayaman sila Renz, at may kaya sina Sofie at ako isang hamak na ampon lang. Kaya nga napunta ako sa gantong sitwasyon eh. Dahil ayaw kung pabigat lang ako sa itinuring kung pamilya kaya namasukan nalang ako bilang katulong.
Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi nalang sa Company nila daddy ako magtatrabaho. Oo mayaman ang umampon sa akin.
Mabait naman yung mga nag ampon sa akin. Except sa nakakatandang kapatid ni Tiffany. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nagtatrabaho sa Company ni daddy. Ewan ko ba lagi nalang niya pinakikialaman ang buhay ko.
Napabuntong hininga ako at humiga ng pabagsak sa kama. Ngunit nagulat ako dahil biglang may narinig akong kalabog sa labas ng pinto.
Kinabahan ako ng unti at tumayo para tignan iyon.
Nang mabuksan ko na ay laking gulat ko ng may tumulak sa akin papasok sa kwarto ko at napahiga ulit sa kama.
" Mellanie Jade ......You're beautiful.. "sambit ni Xzavier na nakahawak na sa mukha ko at inipit yung hibla ng buhok ko sa taenga dahil nakaharang ito sa mata ko.
Nangilabot naman ako. At bakit lasing tong lalaking ito?..
A/N: Please support. Thank you and Good bless.
YOU ARE READING
Maid Of Mr. CEO
AcakA maid with a complicated background and a CEO who falls for her.