Chap14

7 0 0
                                    

_

-

Mellanie's Pov

Pagkatapos niyang banggitin iyon ay nakatulog agad siya. At dahil nakadaggan siya sa akin ay hindi ako makagalaw.

" Angel....." Nagulat ako dahil first time kung marinig na magbanggit siya ng pangalan ng isang babae.

Paulit-ulit niya itong binabanggit at ang mas nakakagulat ay may luhang tumulo sa kanyang mga mata. Kahit nakapikit ito.

Sino ba kasi yang si Angel nayan. At napaiyak niya itong lalaking to.

Oo nga't isip bata siya, Oo nga't mahilig sa Pantitrip ito. Pero bakit ganun may sakit rin pala siyang pinagdaanan.

Tinulak ko siya ng malakas upang makawala sa pagkadaggan niya. Ngunit nagulat ako dahil niyakap niya ako. At umayos siya sa pagkakahiga at take note habang kayakap ako.

Pilit ko namang kumawala sa yakap niya pero ang higpit. Yung tipong ayaw ka niyang bitawan. Naman oh, masasakal ako nito. Pero bat ganun feeling ko ang safe-safe ko sa mga yakap niya. Yung tipong wala nang mananakit sakin, at yung feeling na para ka niyang pinoprotektahan sa iba.

Dahil dun ay nakatulog narin ako.

Diko inalintana na magkatabi kaming natutulog at sa iisang kwarto pa talaga.



----------

Xzavier Pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw at umupo sa kama. Napatingin ako sa paligid nabigla dahil hindi ito yung kwarto ko. Sh*t Ano ba ang nangyari kagabi?

Sumasakit tuloy yung ulo ko. Arghhh. Ang sakit.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto ng Cr. at nakita ko ang pinakapanget na nakahubad at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan niya.

" Waaaahhhhh!" Sigaw niya kaya napatakip ako ng taenga. Imbis na mata.


----

Mellanie's Pov

Pagkatapos kung sumigaw ay dagli dagli akong pumasok uli sa Cr. at isinarado ang pinto.

Kyaaahhhh Lanie! Bakit?! Bat mo ba nalimutan na nasa kwarto mo pa yung asungot nayun?!? Is this kahibangan o katangahan? Nakakainis naman. Huhu

" Xz-zavier? Nandyan kapa ba?" Tanong ko ng wala akong marinig na ingay.

"Woyyyy!" sigaw ko sa loob ng Cr.

" Yes. Im still here..."sagot niya.

"Eh... Bat di kapa umalis! Magbibihis pa ako kaya shoooo!"sigaw ko uli.

"Bakit ba? Eh, sa gusto kitang panoorin habang nagbibihis eh.."sabi niya na may halong pang-aasar.

" Hoy! Anong .... Panonoorin ka dyan..Umalis kana nga sabi eh!" Sigaw ko nanaman. Abauh. Kapal eh. Porket ganun ganun.. gaganyan na siya.

"Oo na, galit eh..." Sabi niya uli at narinig kung bumukas yung pinto at sumara.

Kaya lumabas naman ako. Ngunit napatili uli ako.

"Kyaaahhhhhh! Xzavier! Gago ka talagaaa!!"tili ko at pinagbabato siya ng mga unan ko. Abauh akala ko ba nakalabas na siya. Arghhh isang malaking gago talaga siya. Huhuh. Nakasandal pa talaga sa pintoan ng kwarto ko eh.

Dali dali naman itong tumakbo palabas habang tawa ng tawa. Aishhtt..

"Gago talaga. "Inis kung sambit.

_____

_

Mellanie's Pov

Nakabihis na ako ng pambahay lang kasi dito lang naman talaga ako buong linggo at yung mokong na yun. Ewan dina bumalik eh.

Maid Of Mr. CEOWhere stories live. Discover now