Ano ako? Sino ako? Ito ang laging tanong ko sa sarili ko. Naiiba ako sa mga regular na manunulat dahil isa akong manunulat na walang kwenta. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito isinusulat kung hindi ko naman talaga ito sinusulat dahil ito ay itinatype ko. Halata naman diba?! Dahil kung sinusulat ko ito hindi mo ito mababasa sa mga webpage tulad nito at mababasa mo ito sa mga libro. Isa akong taong madaming tanong sa buhay. Isa na sa mga tanong ko sa buhay ay kung ano nga ako? nagsimula ang tanong na ito nang sabihan ako ng tatay ko na anak daw ako ng butiki. Nang sabihan nya ako ng ganto ay napa-isip ako. Anak nga ba talaga ako ng butiki? Kung totoo man ang sinabi ng tatay ko isa lang ang ibig sabihin noon sinungaling ang mga libro tungkol sa science at mas sinungaling pa ang mga syentista kaysa sa mga abogado. Kaya maaaring mali ang sinabi ng isa kong guro na "LAWYERS ARE THE GREAT LIERS" hindi ko alam kung tama ang spelling ko sa huling word dun sa phrase o sentence na naka quotation.
isa akong manunulat na hindi marunong gumawa ng sariling panimula. Kahit nga gawing capital letter ang simula ng pangungusap ko nakakalimutan ko pa eh halata naman di ba?! May isang beses na pinagawa kami ng panimula para sa gagawin naming term paper sa Filipino at kailangan namin yun matapos sa loob ng isang araw. Pero tinapos ko lang gawin yung akin isang oras bago ang pasahan galing ko noh?! Ganun kahirap para sa akin gumawa ng isang panimula aabutin ka muna ng isang araw bago ka makagawa ng isang simpleng panimula. Sa katunayan pa nga kamuntikan na akong hindi makagawa ng panimula dahil sumakit na ang ulo ko kakaisip hindi dahil sa hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang aking panimula kundi dahil sa kakaisip kung makakabuo ba ng tao ang butiki? Maraming nagsasabi sa akin na abnormal daw ako well thank you sa mga nagsabi sa akin ng ganoon dahil napatunayan kong mas matalino ako kesa sa kanila at sa inyo. Salamat talaga ng madami sa mga taong pumupuri sa'kin bilang isang abnormal, kahit hindi ko alam ang history ng salitang abnormal nagpapasalamat padin ako. Sa totoo lang nga dapat kapag sinabihan ka ng kausap mo na isa kang ABNORMAL dapat matuwa ka kasi alam mong mas nakahihigit ang kapasidad o capacity mo sa pag-iisip. Isa pa sa mga bagay na dapat mong ipagpasalamat kapag tinawag kang ABNORMAL ay ang pagiging unique mo. Alam mo bang madaming tao ang naghahangad na maging kakaiba sila sa mga ordinaryong tao at dahil sa mga desires nilang ito may mga bagay na kadalasang hindi na pagiging abnormal ang nangyayari sa kanila. Nagiging mentally RETARDED o mentally DISORIENTED na ang mga taong ito.
Pero ang totoo hindi ko talaga maihahanay ang sarili ko sa mga taong ABNORMAL tulad nina Albert Einstein na naging sanhi ng pagpapasabog sa Nagasaki at Hiroshima Japan sa tulong ng ginawa nyang atomic bomb, Leonardo Da Vinci na ginawang kumplikado ang pag-aaral sa buhay ni Hesus, Thomas Alba Edison na nakaimbento ng light bulb at etc. Ang totoo hindi ko alam kung ano yung ginawa ni etc. at kung paano naging word ang etc. Madami talaga akong tanong sa sarili ko. Ewan ko lang kung makikilala ko ang sarili ko pagkatapos ko gawin ang walang kwentang uhmmm... di ko alam kung ano ang dapat kong itawag ko dito.
Maraming tao ang naghahangad na yumaman dito sa mundong ginagalawan natin may kanya kanya din tayong rason kung bakit gusto nating yumaman. Yung iba para hindi maranasan ng magiging pamilya nila ang kahirapang nararanasan nila ngayon, yung iba para magawa nila yung mga gusto nilang gawin sa buhay at ang iba para masunod lamang luho nila.(parang halos kaparehas lang nung para magawa nila yung gusto nila sa buhay) hindi ko alam kung ako lang ba yung taong ayaw yumaman dahil madami akong kakilala gusto talaga nilang yumaman. Ako nung una gusto kong yumaman pero nagbago pananaw ko dito dahil nalaman ko na isa akong TAMAD! Oo tamad akong tao ayokong kumikilos dahil sa oras na kumilos ako para sa akin ang isang ordinaryong gawain ay nagiging kumplikado. Ako ang taong ayokong gawing kumplikado ang lahat ng bagay gusto ko lahat simple lang. Tingin ko nga sa sarili ko isa akong REAL LIFE REPRESENTATION OF JUAN TAMAD eh... mula sa simpleng paggawa ng panimula hanggang sa paggawa ng mga bagay ayokong ako ang gumagawa.
Balik tayo sa usapang kaabnuan hindi ko rin masasabing isa akong abnormal kung ang isang simpleng math problem ay hindi ko masagutan. Naalala ko pa nga noong nasa grade 1 palang ako nagbigay ang teacher namin ng five solutions eh 1+1, 2+2, 3+3,4+4 at 123456+78910 bnigyan kme ng 5 minutes para tapusin lahat iyon tanggap pa ng teacher namin na hindi namin masasagutan yung question #5 dahil alam nyang masyadong kumplikado sa amin yun. Nung oras na nung pasahan ng mga ginawa isa isa nyang tinignan yung mga papel namin nang makita ng teacher namin yung papel ko tinanong nya kung sino si... hindi ko na isusulat ang pangalan ko dahil masyado itong mahaba at tinatamad ako. Mabilisan kong itinaas at ibinaba ang aking kamay sa takot ko sa teacher ko. Mayroon din ulit isang beses nung nasa highschool ako isang seatwork ang pinagawa sa amin ng teacher namin ax+by=c ang tanong dahil nga sa ayaw sa magkaaway kami ng math hindi ko alam ang sagot pero matigas ang ulo ni teacher at ako naman ay isang masunuring estudyante ako ang sumagot sa tanong nya.
teacher:okay mister ----- can you solve it for me?
ako:(nagsolve kahit di alam kung paano isolve)
teacher:mali yang ginawa mo!(isinulat ang tamang solving at pagsagot sa problem na nasa board)
Bakit ganun lahat ng teacher alam na pala nila ang sagot sa tanong nila pero pinapasagot pa nila sa ibang tao hindi ba pwedeng ituro nalang nila at huwag ng itanong lalo na pagdating sa MATH? Tapos may mga panahon pa uso ito lalo sa mga test lalong lalo na sa mga nakakangawit at nakakaantok na checking yung kapag nakita ng teacher na parehas ang sagot ng dalawa nyang magkatabing estudyante paparatangan nyang nagkopyahan. May pareho bang tanong na magkaiba ang sagot maliban sa essay? Dual purpose din ang mga teacher lalo na pagdating sa mga elementary school kapag recess time nagiging tindera sila at hindi lamang tindera parang security guard dahil kapag hindi ka bumili sa tray na dala nila ganito ang ilang mga bagay na posibleng mangyari.
Mga posibleng mangyari sa mga estudyanteng hindi nabili ng tray sa recess:
1)Hindi makakauwi sa bahay ng maaga at paglilinisin ka ng banyo ng school
2)kakapkapaan at huhubaran ka sa harapan ng buong klase may makuha lang na pambayad sa tray
3)hindi ka makakapag take ng exam sa kanyang subject o di kaya pati sa ibang subject
Sa kabutihang palad naman ay hindi ko yan naranasan sapagkat lage akong absent at wala sa klase. sa mga ganyang pamamaraan din ng mga teacher ako humanga sa kanila halos lahat ng bagay nagagawa nila kaya minsan nagtataka ako kung yung mga kidnappers at mga dumudukot ng mga bata ay mga teachers din.
BINABASA MO ANG
Typographical Errors
Non-FictionIto ang kanyang kwento kung saan na may kinalaman sa mga pangyayari sa kanyang buhay sa mundo at walang kwentang school life. Nakapaloob dito ang mga bagay na nararanasan at nakikita nya sa paligid nya araw-araw. Isa itong inspirational para sa mga...